XII : Someone to fear

Start from the beginning
                                    


"Pre... naalala mo pa ba noong binisita natin ang farm ng lolo mo last year? Nalaglag ako mula sa puno ng mangga at na-shoot sa kanal kaya pinagtawanan mo ako ng todo." Walang emosyong sambit ni Churchill na nakatuon lamang ang paningin sa direksyon ni Dana na kasalukuyang pinupulot ang kanyang cellphone.


"Ah yun!" Humagalpak ng tawa si Wacky at napapalakpak pa, "Mukha kang tanga nun! Hanggang ngayon natatawa parin ako sa tuwing naalala ko ang katangahan mo ako."


Biglang napalingon si Dana sa direksyon ni Churchill.


Huminga ng malalim si Churchill nang muling magtama ang mga tingin nila ni Dana. Walang pag-aalinlangang tumango si Churchill dahilan para agad mapatakbo si Dana patungo sa direksyon ng kusina kung saan niya iniwan ang batang si Pip.


Napansin ni Wacky ang biglang pagtakbo ni Dana. Tumayo siya at susundan sana ito pero bigla na lamang hinigit ni Churchill ang kanyang braso.


"Hindi nangyari 'yon." Walang emosyong sambit ni Churchill dahilan para unti-unting mapalingon sa direksyon niya si Wacky na ngayo'y unti-unti nang napapangisi.


"Pinagloloko mo ba ako?" Nakangisi man, bakas ang namumuong galit sa boses ni Wacky.


"Ikaw ang nanloloko! Lumabas ka sa katawan niya kung sino ka man!" Sigaw ni Churchill habang nakaupo parin at walang ano-ano'y hinagis sa pagmumukha ni Wacky ang isang bote na puno ng likido na kanina niya pa hinahawakan at itinatago lamang sa loob ng kanyang bag.


Tumama sa mismong pagmumukha ni Wacky ang bote at tumalsik lamang sa pisngi ni Wacky at ilan sa laman nito. Taliwas sa inaasahan ni Church, nanatiling nakatayo sa harapan niya si Wacky na nakapikit lamang at may ngisi parin sa pagmumukha.


Sa gulat ay agad na napatayo si Churchill at napatingin sa boteng kanyang itinapon kay Wacky. Nagimbal si Churchill nang mapagtantong hindi pala holy water ang naihagis niya kundi isang bote ng alcohol na nasa loob rin ng kanyang bag.


"Shit!" Napasigaw si Churchill sa labis na gimbal habang hawak parin ang kanyang backpack.


"Ako naman." Nakangising sambit ni Wacky at walang ano-ano'y sinakal si Churchill at animo'y isang bagay na inihagis patungo sa dingding. Sa tindi ng ipinamalas na lakas ay tuluyang naging kulay itim ang mga mata ni Wacky at nagsimulang magpatay-sindi ang lahat ng mga ilaw at elektrikal na kagamitan. Samantala, si Churchill naman ay hinang-hinang bumagsak sa sahig.


"Pinabilib mo ako doon Churchill, kaso inutil ka parin." Humalakhak si Wacky at unti-unting humakbang papalapit kay sa duguang si Churchill, namimilipit ito sa sakit at hindi halos makagalaw dahil sa sobrang hilo.


"Wacky tama na!" Sa isang iglap ay biglang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Dana dahilan para lalo pang mapangisi si Wacky habang unti-unting napapalingon sa kanya.


"Hindi pa nga ako nagsisimula eh." Mapanuyang tugon nito habang humahalakhak.


Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now