XI : If I were you, I'd run like hell

Start from the beginning
                                    


"No you won't." Bahagya akong tumawa at ginulo ang buhok niyang malapit sa pisngi ko. Imbes na bumitaw ay lalo lamang humigpit ang yakap niya sakin dahilan para lalo kaming maging magkadikit. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya kaya agad ko itong hinawakan ng higpit.


Hindi ko alam bakit pero may kung ano sa sarili kong umuudyok sakin na yakapin siya kaya bahagya kong ipinaglayo ang mga braso niyang nakapulupot sa akin at sa pamamagitan ng maliit na espasyo ay umikat ako paharap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi gamit ang magkabila kong palad.


"Wacky, wacky tingnan mo ako..." Dahil nakayuko ang ulo niya ay inudyukan ko ng dahan-dahan ang mukha niya upang umangat, sapat para magkatitigan kami.


Labis akong nasaktan nang mapagtanto kong lumuluha na pala siya. Bakas ang labis na hirap na kanyang nararamdaman at mukhang may napabigat siyang inaalala.


"Kahit na ano man 'yan, andito ako okay? Papakinggan kita." Paalala ko sa kanya pero hinawakan niya lang ang mga kamay kong humahaplos parin sa mainit niyang mga pisngi.


"Ayokong saktan ang kahit na sino sa inyo. Ayokong masaktan ka, ayokong masaktan kita." Aniya habang tinitigan ako pabalik. Wala akong ibang nakita sa kanyang mga mata kundi matinding lungkot at sinseradad.


"Edi 'wag mo akong sasaktan," Bahagya akong tumawa para gumaan man lamang ang tensyon sa pagitan naming dalawa, "Mabuti kang tao, alam ko 'yon at hinding-hindi ka gagawa ng kahit na anong masama sa amin." Sabi ko na lamang.


"Pero siya kaya niya." Sabi pa ni Wacky at ipinaglapit ang mga mukha namin sa pamamagitan ng pagdikit niya sa noo ko. Dahil mas matangkad siya kesa sa akin ay kinailangan pa niyang bahagyang yumuko. Nakita kong pumikit siya at pumatak pa ang luha mula sa mga mata niya.


"Sino?" Tanong ko.


"Dana hindi ko siya kayang pigilan." Nag-aalala niyang sambit kaya lalo pa akong naguluhan.


"Wacky ano bang problema?" Tanong ko ulit habang hawak parin ang mga kamay niya pero hindi na siya sumagot pa. Nanatili lamang magkalapit ang mga mukha namin habang binabalot kami ng masidhing katahimikan.


Weird. Being this close to him is really really weird but I can't deny the fact that I'm comfortable with this. Wacky may not be my favorite person in this world but I really like being around him. I feel comfortable with him lalo na ngayon, sa mismong sandaling 'to.


Namalayan ko na lamang na naglalapat na ang mga labi namin. Malalalim ngunit marahan ang mga halik na ipinapamalas niya at taos-puso ko naman itong tinutugunan. Nakahawak na siya sa bewang ko at nakapulupot naman ang braso ko sa leeg niya.


Wacky isn't the first guy I've kissed. I mean, I've had my teen flings before, pero ito... Itong sa amin ni Wacky, iba ang nararamdaman ko rito at iba ang nararamdaman ko sa kanya.


Sincere; that's the only word I could only come up to and be sure of right now.


Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now