Prologue
"Jem.. I am so sorry." sabi niya. Oh no. Bakit hindi Aphrodite tawag niya sa akin?What is going on?
"Ang creepy mo baby ha. Wag ka ngang ganyan. Bakit ka nagso-sorry?" sabi ko tapos tumawa pa ako. Yumuko siya.
Something is wrong. I can feel it.
"Kyle.. Ano ba talaga? Is there something wrong?"
"Yes Jem..." mahinang sabi niya. Bumuntong hininga muna siya bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "......I can't take it anymore. D-di ko na kayang maghintay." Parang nabingi ako. Tama ba yung narinig ko?
"What?! Di mo na kaya? Eh 2 months pa lang eh. Ano ba namang biro yan Kyle?! " pasigaw kong sabi.
"Yun na nga eh Jem! 2 months na! Napapagod na ako! Naiinip na rin ako!" pasigaw rin na sabi niya. Yung parang galit na galit siya. Nagulat ako. Napatakip pa ako sa bibig.
"I-i am sorry. D-di ko sinasadya Jem." sinubukan niya akong hawakan pero lumayo ako.
"Don't even dare to touch me. " Madiing sabi ko. Natahimik siya.
"Ano ba Kyle? Ganon ganon na lang ba yun?Ano yun? Napagod ka na lang bigla? Your reason isn't enough. Ang lame ng excuse mo." Sabi ko.
"Ano bang gusto mong marinig ha? Eh ayaw ko na nga eh!" sabi niya.
"Hindi ako naniniwala sayo."sabi ko. My eyes began to water kaya tumingin ako sa taas at kinagat ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Stop being stubborn! Will you? Ano bang gusto mong marinig Jem ha? Okay fine. Eto na. Hindi ko na kayang maghintay okay? Nawawalan ka na ng time sa'kin. Nakakasakal na Jem. Alam mo ba yun? Hindi ko din maramdaman na mahal mo ko eh. Parang wala lang ako sayo at eto na. Hindi na kita mahal! At narealize kong Si Yanna talaga yung mahal ko! Dahil parati siyang nandiyan kung wala ka. Napapasaya niya ako." That's it! Tuluyan ng tumulo ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan. Napaupo na ako sa ground.
"LEAVE.ME.ALONE." mariing sabi ko.
"Look. Jem I am so----"
"I SAID LEAVE ME ALONE! DON'T EVER SHOW YOUR FACE TO ME AGAIN! GET LOST FOREVER!" Di ko alam kung saan ko nakuha yung lakas na loob kong masigawan siya ng ganon. Wala na akong pakialam.
Galit na galit na galit ako ngayon.
Bago siya tumalikod, may nakita akong luha na tumulo mula sa mata niya. Pero wala ako pakialam. Wala na nga siyang pakialam sakin diba?
Tumulo ng tumulo ang luha ko.
Yinakap ko yung mga tuhod ko. Feeling ko namumula na ako.
Ganon pa rin yung pwesto ko hanggang sa may naramdaman kong unti unti na akong mabasa.
Oh great. Just great. Umuulan.
______________________
Hello! Okay ba Prologue guys? Comment please.
YOU ARE READING
My Bestfriend's Boyfriend
Teen FictionShe is my bestfriend and she have him. She loves the man I love.I had to let go even though I don't want to. It was HIS choice. I had to act infront of them as if I wasn't affected anymore. I love him too much and it still hurts. But do I look like...
