CHAPTER 22

299 10 0
                                    

Ang pagbabalik

KATH'S POV

Nakalipas na ang 5 linggo at uuwi na si Julia! Na eexcite ako kasi susunduin ko siya sa airport kasama ang kuya niyang si Kuya Diego.

Sobrang namiss ko siya. Heto ako ngayon nag papalit ng damit dahil pupunta na kami ni kuya diego sa airport.

....
(Airport)

"kuya diego"tawag ko sakanya.

"bakit?"

"C.R lang po alo. Text niyo nalang po ako kung nandiyan na si Julia"sabi ko. Tumango naman siya.

Pumunta na ako sa c.r at umihi at nag ayos. Nag pulbos ako at lipbalm. Nag suklay rin ako. Naeexcite akong makita si Julia

Tumunog ang cellphone ko. Nakita kong nag text si Kuya diego, nandito na daw si Julia.

Dali dali kong inayos ang gamit ko at lumabas na para salubungin si Julia.

Napahinto ako nung nakita ko siya. Nag lalakad siya papalapit saamin. Nakasuot siya ng maikling shorts at t-shirt habang hatak hatak ang pink niyang maleta.

Nanlake ang mata ko sa suot niyang napaka ikli. Ngayon ko lang siyang nakitang mag suot ng ganyang kailit. At ang maleta niya, pink. Ayaw na ayaw niya kaya ang kulay pink.

Lumapit siya saamin at tinanggal ang shades niya. Naka red lipstick siya at contact lens na brown. Naka make-up siya. Naka make-up siya!!! Ayaw na ayaw niya kaya ang make-up. Ibang iba na siya.

Niyakap ko agad siya. Pero hindi niya ako niyakap pabalik.Gulat ata sa bigla kong yakap sakanya.

Kumalas ako sa pag yakap at nginitian siya "Namiss kita!!"sabi ko.

"Ako rin"sabi niya at ngumiti.

Pagkatapos naming sunduin Julia, kumain kami sa KFC.

"Kamusta naman duon Juls?"tanong ko sakanya habang ngumunguya ng chicken.

"Okay lang naman."sabi niya at uminom ng juice niya.

"kwento ka naman"sabi ko sakanya.

"ayoko.. Bukas nalang"sabi niya

"Daya. Kwento lang naman eh"pilit ko. "fine" sabi niya. Nakita ko siyang... Umirap? Baka nag mamalikmata lang ako.

"Hindi ako pumasyal duon dahil nakapunta na ako dun ng ilang beses, kaya nakahilata lang ako sa kama araw-araw. Minsan inaaya ko ung mga kaibigan kong taga duon na mag bar, un lang"sabi niya at sumubo muli. Hindi ko alam pero nag selos ako sa sinabi niyang may iba siyang kaibigan maliban saakin.

Pero masyado naman akong selfish. Nag kwentuhan sila ni kuya diego. Matapos naming kumain, hinatid na nila ako sa bahay.

"Julia, shopping tayo bukas? Tutal sunday naman"pag aaya ko sakanya. Matagal na rin kasi simula nung last na mag shopping ako.

"Ayoko eh. Sorry"sabi niya. Nag pout ako

"please?"

"Ano ba kath,kaya mo na yan. At duuh.. Mag papahinga ako bukas"sabi niya. Napatulala ako.

"O-oh sige"sabi ko at pumasok na sa bahay. Wala si mommy at daddy sa bahay ngayon, may inaasikaso sila kaya ang kasama ko lang ngayon sa bahay ay ang mga katulong namin.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Nag palit ako ng pang bahay at humiga sa kama. Bakit kaya ang sungit ni Julia saakin? Siguro pagod siya kaya ganun ang trato niya saakin.

Hindi maiwasang may bumagabag sa isip ko na mga tanong.

Bakit ganun ang trato niya saakin?Bakit ganun ang suot niya? Bakit kakaiba ang dating niya? Nag bago na kaya siya? Bakit naman siya mag babago? May nagawa ba akong masama?

Urgh. Ang daming tanong sa utak ko. Hay..itutulog ko na ngalang

.....

Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil mag jojogging ako.

Naisipan kong pagkatapos kong mag jogging mag shoshopping ako. Nag suot ako ng shorts at white shirt. Tinali ko rin yung buhok ko.

Lumabas na ako ng bahay at nag simulang mag jogging. Sinaksak ko sa tenga ko ang earphonnes ko at sinuot ang shades ko.

Nag stop ang kanta sa phone ko dahil may tumatawag. Nilabas ko ang phone ko at sinagot ito ng hindi tinitignan kung sino ito.

"hello?"

"Hi babe"narinig ko ang boses ni Daniel. Sa simpleng babe lang niya kinikilig na pwet ko... Ano ba kath kung anu-anong sinasabi.

"Napatawag ka?"tanong ko.

"Date tayoo"

"Sige , sige."pag payag ko

"yesss"

"Pero samahan mo muna akong mag shopping"sabi ko. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Daniel. Haha

"ano ba yan"narinig kong bulong niya.

"hoy! Ano yun?! Kung ayaw mo edi mag papasama nalang ako sa ibang lala---"

"Oo na oo na!"iritadong niyang sabi "sasamahan na kita sa pag shoshopping mo"ramdam ko na nabobored siya . haha! Basta pag lalake ayaw makasama ang girlfriends nila sa pag shoshopping

Nag paalam na kami sa isa't isa at binaba ang tawag. Bumalik na ako sa bahay para mag palit ng damit.

Nag suot ako ng pink dress na above the knee. Nag sandals rin ako.

Kinuha ko ang pouch ko at lumabas ng bahay. Nakita ko si Daniel na nakasandal sa koste niya. Bagay sakanya ang black polo na suot niya. Shet bat ang gwapo ng boyfriend ko?

"Good morning"sabi niya at hinalikan ako sa noo. Namula ako simpleng ginawa niya.

"Good morning rin"

Pinag buksan niya ako ng pinto sa front seat pumasok naman ako.

....

"Eto ngay? Bagay ba?"tanong ko sakanya at umikot para makita ng buo.

Nakita ko siyang tumango "Oo. Bagay mo. Tara na"sabi niya.

"Hmm.. Parang hindi eh"sabi ko at tinignan ng mabuti ung damit ko. Tinignan ko si Daniel kasi napabuntong hininga siya.

Pumili ulit ako ng damit ko at pumasok sa dressing room dala dala ang sampung dress na susukatin ko.

Sinuot ko ang una at lumabas. Umikot ako sa harap niya.

"Ayos ba?"tanong ko. "oo. Sobra "sabi niya. Ako naman kinilig

Nag palit ulit ako ng pang 15 ko. Hehe oo. Dapat ten lang pero dinagdagan ko ang susukatin ko. Mukang maganda kasi eh

Lumabas ako "Eto ngay maga--"napahinto ako nung nakita ko siyang nakapikit. Nakakainis! Tinulugan ba naman ako?!

Kinurot ko siya para gumising siya.

"aray!!"reklamo niya

"bwisit ka! Tinulugan mo ako!"sabi ko at nag pout. Napakamot siya sa batok niya

"Ang tagal mo kasi kainis"narinig kong bulong niya

"anong sabi mo?! "galit na bulalas ko "Wala hehe, ganda mo"sabi niya, napangiti ako.

*END OF CHAPTER 22*

IT'S DESTINY (KATHNIEL) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon