PART 1🔫

25.3K 505 3
                                    

***** REY *****

"Honey, dito ka lang, hah? May naiwan pa pala ako. Saglit lang. Huwag kang aalis diyan," bilin ng babae sa anak nito saka nagmamadaling pumasok ulit sa bahay nila.

Naiwan ang pitong taong gulang na batang babae sa labas ng bahay. Yakap-yakap nito ang manika nito. Inosente ang mukha nitong patingin-tingin sa paligid at panaka-naka ay sa bahay nila.

"Honey, sa'n ang punta niyo?" Isang batang lalaki na kumakain ng bayabas ang nagtanong rito.

Ngumiti muna ang batang babae sa batang lalaki. Kaklase kasi nito ito. "Rovie, ikaw pala. Pupunta kami sa bayan. May bibilhin daw si Nanay."

"Gano'n ba. Sige ingat na lang, Honey." Pagkatapos kumaway ay naglakad na palayo ang batang lalaki. Subalit ay natigilan at napalingon din ito nang bigla ay narinig nitong nagtitili ang batang babae.

"Eiiiiiihhhhhh!" tili ng batang babae dahil sapilitan itong pinapasok sa itim na van ng isang lalaking may itim na mask sa mukha.

Shocked ang batang lalaki sa nasaksihan. Na-estatwa ito sa kinatatayuan nito. Kay bilis ng pangyayaring iyon. Parang nawalang parang bula si Honey sa paningin nito. At ang sumunod ay ang pag-iyak na ng malakas ng Nanay ng batang babaeng kinidnap....

"Rey, gising. Tawag ka ni boss." Kinalabit ng isang lalaking mukhang goon si Rey.

Naalimpungatan si Rey mula sa mababaw niyang pagkakatulog sa kanyang motor at nawala sa panaginip niyang iyon. Panaginip ng nakaraan niya noon na hanggang ngayon ay bumabangungot sa kaniya ng paulit-ulit.

"S-sige..."

"Sumunod ka sa'kin."

"Okay." Umalis na siya sa pagkakasakay sa motor niya at kinuha ang itim na jacket saka sumunod sa kasamahan. Sa isang madilim na silid ng kanilang hideout sila nagtungo. Actually, kanina pa siya nag-aantay sa boss nila dahil pinatawag talaga siya nito.

"Rey, come in." At tawag agad ng lalaking mataba sa kanya na punong-puno ng ginto ang katawan at napapalibutan ng mga bodyguards nito nang makita siya. "May ipapatrabaho ulit ako sa'yo. Kunin mo ang folder na iyan. Nandiyan ang taong gusto kong dukutin niyo."

Walang imik na dinampot niya iyon at sinilip lang ang larawang nakasilid doon. At katulad ng dati ay malamang milyonaryo o bilyonaryo na namang negosyante ang target ngayon ng kanilang big boss.

"Tulad ng dati, Rey. Gusto ko malinis."

"Areglado, Boss."

Sa isang tango ng big boss nila ay lumabas na siya sa pribadong silid na iyon ng kanilang hideout dala-dala ang folder. Kinuha niya ang cellphone niya sa likod ng pantalon niya at tinawagan ang dalawang sidekick niya sa lahat ng lakad niya.

"Jomar, magkita tayo. Dating gawi," kaswal na sabi lang niya sa tinawagan saka pinatay agad ang tawag. Alam na ng dalawang kasama niya ang lahat ng gagawin kapag ganoong sinabi niya ang 'dating gawi'.

Pagkalabas sa hideout ay maangas na sumakay siya sa itim niyang motor, nag-helmet at umalis na. Kapag ganoon kasi na trabaho, ora mismo ay gusto niya ay action agad para pera agad.

Siya kasi si Rovie Rey Calvestro, ang lider ng tinatawag ng mga pulis na Kidnapper Kid. Ang grupong hindi mahuli-huli ng awtoridad.

.

.

.

***** FAITH *****

Nag-open ang elevator ng isang magara at sikat na building ng isang malaking kompanya sa may bandang Quezon City. Lumabas doon si Faith Savillano, ang napakagandang anak na babae ni Don Savillano na siyang nagmamay-ari ng Savillano Empire Group of Companies.

Lahat ng taong makakasalubong ng dalaga ay yumuyukod bahagya sa kaniya na sinusuklian naman niya ng matamis na ngiti. Magkagayunman kasi na anak siya ng presidente ng kompanya ay may mababang loob pa rin siya sa mga emplyado nila, kahit pa ng mga pinakamababa.

"Miss Faith, your father is on the line." Mayamaya ay sabi sa kaniya ng alalay niya na nasa likod niya at nakasunod lagi sa kaniya.

Nakangiti niyang nilinga ang alalay niya habang tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Alam niya iyon dahil naramdaman niyang nag-vibrate ang singsing niya. Hinugot niya iyon sa index finger niya. Isa iyong high tech ORB Wireless Earpiece Finger Ring, worn in the ear that is capable of handfree calling.

As she pressed the hinged joint of the gadget and placed it on her right ear ay kausap na niya ang ama. "Yes, Dad?"

"Check your e-mail. Kill him," walang kagatul-gatol na utos ng ama sa kanya sa kabilang linya.

Inilahad agad sa kanya ng alalay niya ang isang maliit na gadget na touch screen at high tech. Alam na alam din ng alalay niya ang mga dapat gawin. Pinindot niya iyon at nakita nga niya roon agad ang tinutukoy ng ama. Lumabas agad doon kasi ang mga information ng taong iyon.

"Okay. Thirty minutes, Dad," at tiwalang-tiwala na sabi niya sa Dad niya bago pinatay ang tawag. At isinuot ulit ang singsing niya sa index finger niya.

Saktong paglabas nila ng alalay niya sa building ay ang pagdating ng sasakyan niyang remote controlled ng hawak na gadget ng alalay niya. Maangas na sumakay siya roon.

"Ingat ka," paalala sa kanya ng alalay niya at best friend na rin niya, si Jhie Alvez. Bigla ay nag-iba ang pakikisama nila sa isa't isa nang nasa labas na sila ng kompanya. Turingan na ng magkaibigan. Hindi pormal.

"Thanks, Jhie. Kita na lang tayo sa bahay?"

"Okay. Thirty minutes?"

"Yeah." She winked at her then pinaharurot na niya ang kotse niyang hindi basta-basta.

Habang nagmamameho ay kinapa niya ang SilencerCo Maxim9 niyang baril sa secret compartment ng sasakyan niya.

Pagkakuha ay sinuksok niya iyon sa may bandang hita niya kung saan laging nakakabit doon ang lagayan. Saka tinakpan ng palda niyang mahaba pero may slit na hanggang hita.

Kampanteng-kampante siya na wala na namang kahirap-hirap na mapapatay niya ang gustong ipatumba sa kanya ng ama. Sanay na kasi siya sa mga ganoong trabaho, ang pumatay gamit ang kanyang kakayahan at lalo na ang kanyang ganda. It's because she was not only an ordinary daughter of a Don, she'm was also an assassin, a killer amazon. Iglap lang kung gusto niyang patayin ang isang tao.

Half of thirty minutes ay nasa malapit na siya ng malaking bahay ng kaniyang target. Subalit naipreno niya bigla ang kanyang sasakyan nang makita niyang tatlong lalaki ang kasalukuyang nakikipagpambuno sa mga tauhan ng target niyang negosyante. Napamaang siyang bumaba at nawili siyang nanood muna. Wala kasing kahirap-hirap na tinumba ng mga lalaking iyon ang mga malalaking tauhan ng target niya. She was amazed.

Napabalik lamang siya sa sarili niya nang bigla ay pagtulungan ng mga lalaking iyon na ipasok sa van ang target niya. Kini-kidnap ang kanyang target. No fucking way!

Agad niyang nabunot sa hita niya ang baril niya. Gagawin na sana niya ang trabaho niya pero natigilan siya nang lumingon 'yung isang lalaki sa kanya. Buti na lang at naitakip niya agad ang isang braso niya sa mukha niya bago iyon makita ng lalaki.

Nagkatitigan sila ng lalaki. Lalaki na kalahating mukha lamang ang nakikita niya dahil tulad ng mga gangster o ng mga masasamang loob sa TV ay nakatakip ang kalahating mukha ng lalaki ng itim na face mask. Agad din siyang tinutukan ng lalaki pero kinalabit na ito yata ng kasamahan kaya imbes na paputukan siya ay pumasok na ito sa van........

FAITH: THE ABDUCTED ASSASSIN (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon