Tinulungan ko siyang ilagay ang inihain niya sa mesa. Ganito ang buhay ko araw-araw. Umagang-umaga maingay na dahil sa mga kapatid ko. Idagdag mo na ang iyak ni Yu, lalaki siya at bunsong kapatid ko. Dali-dali akong kumain para makaalis ng maaga. Bubuksan ko na sana ang pinto,

“Uwi ng maaga Rina-chan ah. Tulungan mo ako mag-timpla ng takoyaki para bukas.” Tugon ni mama. Nagbuntong-hininga ako at humarap sa kanya. “Opo,”

     Pagdating ng sabado’t linggo tumutulong ako mag-benta ng takoyaki kay mama. Ngunit maliban sa pag-bebenta ng takoyaki, may isa pa akong pinag-aabalahan. Ang pag-ddrums. Regalo sa akin ni papa ang drums set dalawang taon na ang nakalipas. Siyempre, dahil gustong-gusto ko mag-drums tuwang-tuwa naman ako. Sa dalawang taon kong pag-ddrums, masasabi ko rin na nag-iimprove ako kahit papano. Pero ang isa pang bagay na excited akong gawin ay mag-aral sa Caless. Matagal ko ring pinag-ipunan yun ah. At sa tulong na rin nina mama’t papa, nakapasok ako sa Caless Performing Arts.

“I’m baaaaack!!!” Tumingin ako sa doorway at may nakita akong isang babae na mahaba ang buhok na may dala-dalang mga papel sa kamay niya.

Natahimik ako at ang babaeng nagtatanong sa akin.

(Okay, ito yung scene sa last part ng chapter 3. Yung matutulog na sana si Mami tas’ may nag-ddrums.)

     “May bago pala? Ni-hindi man lang tayo ininform,” nag-pout yung babaeng may dalang papel at umupo sa tabi ng babaeng nagtatanong sa akin. Si Girl 1 yung may dalang papel at si Girl 2 naman ang nagtatanong sa akin para magkaliwanagan tayo rito since hindi ko alam ang pangalan nilang dalawa.

“Ngayon lang kita nakita rito ah. Sino ka ba? At anon’ng instruments ang alam mo? Newbie ka sa music?” Tanong ni Girl 1. Dami nun ah, mahinang kalaban rito o.

“Rina daw pangalan niya. Tama ba? Rina Ayuki? Hideyoshi? Ano nga ang last name nun?” Nagtatakang tanong ni Girl 2.

     “Ummm… Hello, ako pala si Rina Suzuki. Bago lang ako rito sa Caless. Drums pinili ko at hindi ako newbie sa music,” pagpapakilala ko sa kanila. Nahihiya kasi ako, ke bago bago ko rito may problema na akong idinulot.

Nagtinginan ang dalawang babae at tumango sa isa’t-isa. “Aaaah… Rina…”

“At sa’yo, yung may bangs. P-Pasensya ka na ah, bago pa lang kasi ako rito eh,” paghihingi ko ng despensa. Yumuko ako.

Medyo tumahimik muna ang paligid at natakot ako. Baka kasi pagalitan niya ako o ano. “Wala yun. Sabihin mo na sa staff na e-orient ka,” parang ang boring ng boses niya. Humiga na siya at nag-laro sa PSP niya.

     Tumayo si Girl 1 at sumenyas sa akin na lumapit. Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Ikinagulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at lumakad kami palabas ng room. “Babalik ako ah! Sasamahan ko muna itong si Rina-chan! Sabihin mo yun kay sensei!” Tugon niya sa nakahigang si Girl 2. Pagkalabas namin ng room binitiwan niya ang kamay ko at may itinuro siya sa ibabaw ng pintuan.

“Stringed Instruments Room,” mahinang basa ko. At tiningnan ko siya na nagtataka.

“Bago ko ipaliwanag yun ako nga pala si Tomomi Ogawa. Yoroshiku onegai-shimasu!” Ngumiti siya sa akin. Kahit na ang liit ng boses niya, hindi ito ang usual na nakakairita pag pinakinggan mo.

Nataranta ako. Underclassmen ako sa school na ito. “Ah-ehh… Rina Suzuki. Hajimemashte!” Nag-bow ako at ngumti sa kanya.

“Punta tayo sa faculty room muna ah,” aniya. Wala akong magawa kundi sundin nalang siya.

     Pagdating namin sa faculty room kinuha ni Ogawa-san ang mga forms ko sa sekretarya ng school. Iniabot niya ito sa akin, “Itago mo yan ah. Importante yan,” sabi niya. Kinuha ko naman ito. “Oi, Tomomi. Sigurado ka bang ikaw na ang mag-oorient jan?” Tanong ng sekretarya kay Ogawa. “Ano ka ba Umi-sensei sa tingin mo ba hindi ko pa kabisado ang rules at regulations dito sa school? Mukhang wala naman ‘tong tiwala sa akin o!” Aniya sabay siko sa braso ng sekretarya. “Tomomi, naninigurado lang ako. Ako ang matatanggal sa trabaho niyan eh,” sabi ng sekretarya.

“Sige na, Umi-sensei. Onegai…” Lumuhod si Ogawa at nilagay ang dalawang kamay sa harapan niya na para bang nag-dadasal.

“Tomomi, sa staff mo na ipagbahala yan. Trabaho yan nila eh. Siguro ginagawa mo lang palusot yan para maka pag cutting classes ka,” bumalik na sa trabaho si Umi ngunit di pa rin paawat si Ogawa.

“O-Ogawa-san tama s-siguro si Umi-sensei. Baka mapahamak ka lang kung ikaw ang mag-oorient sa akin. Bumalik ka na lang sa klase mo,” sabi ko.

“Umi-sensei! Sa apat na taon kung nag-aaral dito kelan lang ako nag-cutting , ha? Wala diba? Crystal clear ang record ko! Ipagkatiwala mo na ‘tong isang to. Sige na…” Mahina niyang hinatak ang palda ni Umi-sensei para kunin ang atensyon nito.

“Haist! Oo na! Kulit-kulit mo talaga kahit kelan, Tomomi! At bitawan mo nga yang palda ko!” Pagbibigay ni Umi-sensei. Napatayo si Tomomi at tumalon.

“Waaaah!!! Da best ka talaga Umi-sensei! Kaya nga mahal na mahal kita eh! Nadagdagan naman yang kagandahan mo! Kamukha mo na ngayon si Ami Namuro!” Niyakap niya ang sekretarya na may malapad na mga ngiti.

     Tinulak siya ng sekretarya. “Ikaw talagang bata ka! Mambobola ka talaga. E-orient mo na yang si Rina-chan at kanina pa naghihintay. Baka langgamin yan! Kanina pa nakatayo o!” Sabi ni Umi-sensei. “Arigato, Umi-Sensei! Byeee!!!” Sabi ni Tomomi at tumakbo na palabas. Nagpasalamat naman ako sa sekretarya at lumabas na din.

“Sure ka ba okay lang ang ginagawa mo?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Tumango siya. “Oki doki lang! At tsaka parang wala naman kaming lessons ngayon eh. Dance lesson lang ang pinaghahandaan ko sa araw na ito. At mamayang hapon pa yun. Ito naman kung makaasta parang ayaw akong kasama,” ngumuso siya.

“Ai! Hindi! Masaya nga ako eh! Nag-aalala lang ako para sa’yo!”

“Sus! Pa-drama ka pa! Tara na nga para masimulan mo na ang music journey mo sa Caless!” Inakbayan niya ako at nag-simula na kaming mag-lakad.

“Bango mo, Rina-chan ah? Ano’ng cologne mo?” Tanong niya.

“H-Hindi ako nag co-cologne. Sa fabric conditioner siguro na gamit ni mama,” sagot ko.

“Talaga? Akala ko cologne eh!” Ngumiti siya at tumawa. Napatawa na rin ako.

---

Walang spell check o grammar check. Lahat wala! Haha. No time na kasi.

Abangan niyo na lang ang orientation ni Rina sa next chapter, okay? At pasensya na kung once in a century ko lang e-update ang storyang ito. I got hooked kasi in updating my other stories eh. Kaya sorry again.

Vote, comment, follow!

Xoxo,

CHiZUMi

SCANDAL(DISCONTINUED)Where stories live. Discover now