X : Cielo's Labyrinth

Start from the beginning
                                    


"Shem?" Tanong ko at tiningnan siya ng mariin.


"That's why Raze and Axel stopped at nothing to find her." Mahinang sambit ni Shem at unti-unting napatingin sakin, "Si Cielo ang naging kapalit ni Astaroth."


"Astaroth..." I've heard that name before but I still don't understand who he is. I don't even know if its he or she.


Napabuntong-hininga si Shem at ipinatong ang magkabila niyang siko sa mesa at sinapo ang kanyang ulo. Hinilamos niya ang mukha gamit ang palad at mas lalo pang tumagilid ang suot niyang helmet.


"Humingi sa akin ng pabor si Raze. Inutusan niya akong kunin ang kahit na anong dokumentong meron si Harper tungkol sa nakaraan. Nang gabing mawala sina Raze, dapat andun ako para ihatid ang mga nakuha ko—" Muli, napabuntong hininga si Shem .


"You don't have to blame yourself. None of this is your fault. You were lucky not to be with them that night." Giit ko dahil alam kong ito ngayon ang nasa isip niya.


"Binasa ko kahapon ang mga files na nakuha ko mula kay Harper... Nahiwagaan ako at sobrang naguluhan kaya pinasok ko ang basement ng bahay ni Cielo kagabi. Dana, gusto nila Raze at Axel na maibalik si Cielo pero bago 'yon ay hinanap muna nila nasaan si Cielo." Nagkatinginan kami ni Shem at para kong naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.


"Oh my God.." Nagsimulang pumatak ang luha ko, "Th-they figured out where Cielo is... That's why they disappeared." Nagulat ako sa napagtanto ko at naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko.


"Si Astaroth ay isang demonyong ikinulong sa sarili niyang lungga," Natatarantang kinuha ni Shem ang cellphone mula sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang litrato ng mga lumang dokumento, "Isinumpa siyang makulong doon ng panghabambuhay, makakalabas lamang siya kung may kaluluwang papayag na makipagpalit sa kanya. Kahit na nakakulong si Astaroth sa lungga niya, nagagawa niyang dumalaw sa diwa ng mga taong naniniwala sa kanya. Sa pamamagitan ng panaginip, naghahanap siya ng paraan para tumupad ng mga simpleng kahilingan. Alam niya ang kahinaan ng mga tao—ang kasakikaman at labis na paghahangad ng mga bagay na wala tayo. Ginamit niya ang kahinaan ng tao at isa si Primo sa mga napaniwala niya. Sa sobrang kasakiman ni Primo ay ipinagkasundo niya ang kaluluwa ng anak niyang si Amelia para sa kasaganahan ng kanyang lungsod. Dahil si Cielo at Amelia ay iisa, nang gumawa si Cielo ng kahilingan at tauspusong pumayag na maging kapalit, otomatiko niyang napakawalan si Astaroth. Dana nandito na si Astaroth sa mundo natin at si Cielo na ang nasa mundo niya." Paliwanag ni Shem. Naging malinaw nga sakin ang lahat pero para namang muling pinipiga ang puso ko dahil sa malagim na katotohanan.


"But we can still get her back right? She's still alive right? Everything turned out okay for us so makakabalik rin sila ng buhay diba?" Napahawak ako sa braso ni Shem at nag-asam na tumango siya pero bigla siyang umiwas ng tingin.


"Dana hindi na tayo pwedeng umasa. Nakakulong si Cielo sa lungga ng sarili niyang impyerno." Giit ni Shem kaya unti-unti akong bumitaw sa kanya at tumango-tango na lamang.


"How about Raze and Axel? Could they still get back? Could they still be alive wherever they are right now?" Tanong ko pa pero hindi nakasagot si Shem.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now