XVIII - First time? Hmm

24 2 0
                                    


Sobrang sakit pa ng katawan ko pag-gising ko. Takte. Pero Lunes na Lunes eh, kailangang pumasok. Medyo nabawasan naman ang sakit pagkatapos kong maligo. Kesa naman maaksidente ako sa daan pag ako ang nag-drive, nag-commute na lang ako papuntang university.

It's only six-thirty pagkadating ko. Ang ganda ng panahon! Presko pa ang simoy ng hangin kaya di ko masyadong iniinda ang body ache ko. Ang sarap maglakad-lakad especially now that I'm wearing the most special sneakers in the whole universe! Napapangisi akong yumuko at pinagmamasdan ang bagong sneakers ko. Sarap sa feeling.

Pagkaliko ko, napansin ko ang kumpulan ng mga tao sa di-kalayuang bahagi. The people are mostly university students saka iilang taong naka casual wear na sa tingin ko ay 'di naman estudyante o opisyal ng university.  Sa pagkakaalam ko, two months pa bago ang foundation day ng school, kaya imposibleng may activity na ginagawa ngayon. Mabagal akong naglakad habang pasilip-silip na rin para makiusyuso ng konti nang may biglang bumangga sa likod ko. Good thing at medyo... ehem.. athletic ako kaya di ako tuluyang sumubsob. Sayang din naman ang Johnson's powder ko, huling taktak pa naman 'yung gamit ko kanina.

"Aray naman! Di ba pwedeng magㅡEh?"

"Tss. Wag ka ngang humara-hara diyan, Miss. Nakakasagabal ka sa mga dumadaan oh!" Nakabusangot na sita ng nagsasalitang baboy- errr.. sabi nung mamang medyo malusog na may buhat-buhat ng folded chairs bago ako nilagpasan. Ke aga-aga, sama ng mukha ni kuya. Eh di gumilid. Problema ba 'yun? Lechonin kita diyan.

"Hmm. Ano kayang meron? Unusual naman ata ang dami ng tao ngayon."

May kumulbit mula sa likod ko. Nakangiting mukha ni Rara ang bumungad sa akin.

"Goodmorning, Sam! Ang aga mo ah. Gagawa ka ba ng assignment? Hehe."

"Goodmorning din, Ra! Ah, ano kasi napaaga lang ng gising kaya inagahan ko na rin ang pagpasok, saka ayokong abutan ng traffic sa daan. Nag-commute lang kasi ako. Ikaw ba?"

"May iko-cover akong news! Excited na nga ko eh. Yun oh, may shooting kasi. Dali, puntahan natin." Parte nga pala ng school paper editorial staff ang babaeng ito kaya dapat updated sa lahat ng pangyayari sa loob ng university. Agad akong hinila nito papunta sa kumpulan ng mga tao. Hila-hila niya pa rin ako habang nakikisiksik.

"Ay, ano ba yan!"

"Kitang maraming tao eh, nakikisiksik pa!"

"Pwede ba? Nakikigitgit pa eh."

"Ay, sorry.. sorry.. Padaan lang ng konti. hehe." Sabi ko na lang habang nakangiwi. Tss. Mga taong 'to. Akala mo naman mga hollywood actors ang magsu-shooting. If I know, mas maganda pa ako sa female lead diyan. *pouts*

"Sakto! 'Di pa pala nagsisimula.. Wag mo na pansinin yung mga babaeng yun. Manood na lang muna tayo Sam ah." Excited na sabi ni Rara na tinanguan ko na lang. Seven-thirty pa ang klase ko saka wala namang quizz kaya okay lang. Maya-maya, sumigaw ang lalaki (o bakla) na sa tingin ko ay direktor.

"Where is he? Wala pa ba?! Magsa-sunrise na, wala pa rin siya. Nakuu! Tawagan niyo nga!" Seryoso at tila inis nitong sabi saka lumingon sa may kapayatang lalaki sa likod nito. Agad naman itong tumalima saka nag-dial.

Kinalabit ko si Rara. "Anong show ba ang ishu-shoot? Pa-importante naman yata ang male lead. Kita mo oh, galit na yung direktor." Natawa lang siya.

"Balita ko, commercial ang shooting na 'to. May bagong brand kasi ng energy drink at yun ang ia-ad. Saka, darating na yung male lead, napuyat lang siguro." Walang-anumang sabi niya. Nagsimula na siyang kumuha ng mga litrato gamit ang DSLR niya. Kinuha ko na rin ang hasselblad ko sa sling bag ko. Magagamit ko na naman 'to uli. Hehe.

Chasing HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon