Chapter 1

47.9K 614 23
                                    

"Umalis ka na ditong bruha ka! Masyado kang nagmamalinis pati asawa ko ere pinapatulan mo malandi kang babae ka puny*ta bw***t ka sa buhay namin!" sigaw ng landlady ng mga baboy ah este ng apartment na tinitirhan ko. Nagmukha tuloy siyang baboy ramo na hindi matae.
May hawak pang walis at nakapameywang na nakatingin sa 'kin.

"SAYO NALANG YANG ASAWA MONG KAMUKHA NI DAGUL PAKYO!" sigaw ko pabalik sabay buhat ko sa mga gamit at lumabas na ng apartment niyang kaunti na lang at matutumba na sa kalumaan.

Pasalamat siya't naging tenant niya ako for nine months. Ako lang ang nagtiis sa bunganga niyang kulang sa aruga. Ang liit pa ng espasyo sa loob pero ang laki pa rin ng bayad kada buwan. Three thousand dapat wala pang palya. Pabagsak na isinara ko ang gate niya't mabilis na sumakay sa tricycle na nakaabang dito sa labas ng apartment ni Aling Babing. Sobrang liit na nga ng binti ang laki pa ng tiyan. Ulo pa ng mga marites. Idagdag mo pa 'yong asawa niyang talo si Majinbu sa kalakihan ng katawan. Nakakainis kung 'di dahil sa bwesit na Riang 'yon 'di sana nagkalintik-lintik ang buhay ko. E'h di sana hindi ako pinalayas sa apartment. Bente pesos na lang 'yung natitirang pera ko ba't ba kasi hindi ako ipinanganak na mayaman? Wala na ngang ama't ina sobrang hirap ko pa. Maghahanap na naman ako ng trabaho.

"Miss byotipol wear you stop?"

Ay lintik! Kung maka-english si manong talo ang English teacher ko. Mapapasubo pa yata ako sa english-an nito.  Masiyadong dumarami na yata kalahi ko.

"Manong ama here, ama here! Stop hear I will am I will ano..."

Tang-ina! kanda bulol pa ako kaka-ingles. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin.

"You stop in hear, you 20 pesos," sabi niya sa akin habang seryosong nakahawak sa manibela. Akala niya siguro nagiging kamukha niya si Dao Ming Xi.

"P-po? Me only bente? Oh, so cheap so cheap," kinakabahan kong ani. Delikado ang bente ko kung ganu'n. Wala na akong ibang pera. Kahit man lang dos na lang pang ice water wala. Litseng buhay talaga.

"Truth? Made it 50," seryosong ani niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Mahaba-habang pasensiya rin bago ko maintindihan.

"Manong, I'm a liar make it 15."
Ipinakita ko na ang pinakamalaki kong ngisi sa kaniya. Baka sakaling ma-hook siya sa kagandahan ko. Haler! Ako lang to no, kamukha si Nichole Scherzinger.

"You twenty-five it," sagot niya at tinaasan ako ng kilay. Sobrang attitude rin eh.

"Kinse Manong," tawad ko baka sakali lang naman.

"Twenty," pinal niyang sabi. Tang-ina naman hindi talaga papatalo eh.

"Sing----"

"You limit the price I not big it. I small it for you. Its ending 20 pesos you," galit na ani niya. Akmang bababa na siya sa tricycle niya at kunot na kunot na talaga ang kunot na talagang noo niya. Kinabahan naman ako kaya ito kahit masakit sa loob bigay na lang.

"Eto kinse, Manong wait lang kulang ng singko kukunin ko muna sa bulsa ko eh. I will get it," nakangising sambit ko kay Manong na ang galing mag-English kahit si Kris Aquino mano-nosebleed sa kaniya.

"It's here manong I bigay it to you."
Na sa gitna ako ng desisyong ibibigay ko ba ang natitira kong pera o tatakbo na lamang. Tiningnan ko siya nang maigi at naawa naman ako sa mukha niya.

"You are so welcome," malaki ang ngising ani niya at pinaharurot niya ang tricycle niya gagong 'yun ah. Sinabi ko bang thank you? Hindi naman ah. Napatingin ako sa aking paligid at napatingin sa tirik na tirik na araw. Akala niya siguro matakot ako sa init niya, haler araw ka lang diyosa ako.  Ano naman ang gagawin ko rito sa parke? Nakakita ako ng mini-bench kaya umupo na muna ako. Opkurs hindi pwedeng mapagod ang diyosa. Napahawak ako sa tiyan ko nang makita ang mga food stall. Nakakalaway 'yung mga turo-turo sa gilid. Hanggang amoy ka lang muna Thana. Ang bango nu'ng fried chicken skin t'saka proben. Ang sarap siguro nu'n isawsaw sa sukang may lemon, sili, bawang, luya at sibuyas.

"Tiis-tiis girl, wala kang pera amoy-amuyin mo na lang mabubusog ka rin," kausap ko sa sarili ko.

Ni hindi ko namamalayang napapanganga na rin pala ako 'pag may sumusubo. Alam mo 'yung hirap na  hirap ka na? Idagdag mo pa 'tong mga bagahe kong napakabigat. Kaunting damit, lumang kaldero, at dalawang plato t'saka isang mangkok at pares ng kutsara't tinidor. Mahirap ba ako? Siguro naman sobrang ipinangangalandakan ko na kung gaano ako ka hirap para makumbinsi kitang mahirap pa ako sa daga. Ultimo piso wala ako. Wala akong perang naipon, ayun na tapos na ubos na. Na-scam lang naman ng punyetang Ria na 'yun. Ang sabi niya sa akin ang five thousand ko magiging twenty thousand. Eh ako itong gipit na gipit kailangan ng pera kaya kumapit naman agad. Nakita ko namang may mga papeles chuchu. Nagbabaka-sakali ring lumaki ang pera ko. Tapos malaman-laman ko na lang ni-raid na 'yung napagpay-in-nan niya ng pera ko. Inaway ko, tapos ngayon siniraan ako kay Aling Baboy este Babing na naniwala naman agad. Maryosep 'yung asawa niya na lang? Kahit ilang beses akong ipanganak sa mundo hinding-hindi ako papatol du'n. Mamatay man, mas mabuti pa talagang mamatay na lang kay sa makipagrelasyon sa asawa niyang kalapit ng katawan ni Majinbu. Haler, I'm not like that.

"Bibili lang ako anak ha umupo ka muna riyan," ani ng babaeng may kasamang bata at pinaupo sa tabi ko.

"Okay Ma," sagot nito sa matinis na  boses. Tiningnan ko ang batang may hawak na biscuit. Nginitian ko siya pero inirapan lang ako. Ang sarap pa naman ng biskwit niya. Sky flakes safe na safe talaga ang tiyan sa gutom para hindi sikmurahin.

"Bata pahingi naman ng biskwit mo," nakangiti kong ani at inilahad ang palad ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay. Lintik na.

"Bili ka sa 'yo," sagot niya.

"Kahit isa lang sige na maganda ka naman eh," panunuyo ko.

"Alam ko namang maganda talaga ako, huwag kang mambola," sagot niya sa akin at kinagat ang isang piraso. Napanganga na rin ako.

"Oh, sa'yo na 'yan. Nakakawala ka ng gana," inis na ani niya. Agad ko naman iyong tinanggap. Ilang sandali lang din ay dumating na ang ina niya.

The Billionaires Woman (Completed) UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon