Bliss 10 - The Signs

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Semira. Tama siya, galit ako kay Mago pero natatakot naman ako na baka mapagod siya. Oras na kaya upang buksan ko muli ang puso ko sa kanya?

"Sabihin mo lang kay Dessa ang mga naiisip mo," suhestiyon ni Semira, "sigurado akong hahanapan yan ng paraan ni Mago dahil mahal ka niya and he is determined to have you back."

"Semira," bumuntong hininga ako, "pumunta ka dito. Ideya mo to kaya sasama ka sa planning."

"I am sorry, Arlene," saad ni Semira, "delikado para sa inyo kapag bumalik ako diyan."

"Eh bakit kung si Mago ang nag-imbita sayo, okay lang?" inis kong saad, "pupunta ka dito o sasabihin ko kay Dee-vyn na sinet-up mo si Dessa at Quinn?"

"Okay, okay!" saad ni Semira, "hahanap ako ng paraan upang makapunta diyan."

"Ipapasundo kita kay Patricia," saad ko, "tell me your location para madaanan ka niya."


__________________________________

Ayaw ni Semira na magkita kami sa pampublikong lugar kaya napagkasunduan naming sa bahay na lang kami magkikita-kita. Abala kami sa pakikipaglaro sa kambal ni Janine nang dumating si Patricia kasama ang baby niya at si Semira.

"Nakakatuwang kausap ang kaibigan mo, Arlene," saad ni Patricia nang humalik siya sa pisngi ko, "Hi Janine," lumapit si Patricia kay Janine.

"Kung nandito sina Vivi at Rubi, kompleto sana ang temptresses," napasimangot si Janine.

"Hayaan mo nga muna sila Budz," saad ko, "let us just be happy that they are both trying to fix their lives. Saka kaya ko inimbitahan si Semira at si Dessa ay para may kasama tayong mag-isip."

"Natural," mataray na saad ni Dessa, "siya nag-isip nito kaya dapat siyang tumulong sa pag-iisip ng signs."

"Anong signs ba yan?" kunot noong tanong ni Patricia.

"She just happened to tell Mago that I am waiting for five signs for me to decide on our relationship," paliwanag ko sa dalawa kong kaibigan.

"Talaga?" na-eexcite na sagot ni Patricia, "eh di ibig sabihin nun, makikipagbalikan ka na kay Mago?"

"Hindi pa!" napahalukipkip ako.

"Ano ka ba, Arlene," tumayo si Janine, "halata namang mahal mo pa yung tao, bakit ayaw mo pang makipagbalikan?"

"Dahil nasaktan, natatakot, nagdadalawang isip siya. Kaya may hinahanap siya kay Mago pero hindi naman niya masabi kung ano yun," sabat ni Semira, "in short, she is waiting for Mago's grand gesture."

"Believe me, Arlene," hinawakan ni Patricia ang balikat ko, "habang hindi mo pa natutunang patawarin si Mago, walang grand gesture na magiging enough para sayo."

"That's exactly what I am trying to say," mataray na saad ni Semira, "but to satisfy her, sinabi kong pahirapan niya si Mago ng limang beses. Lima para alam niya limit niya. Kung hindi pa siya makaramdam ng awa sa tao then it will be good bye to them."

"Lima?" pumagitna si Janine, "hindi ba masyadong marami ang lima?"

"Huhulaan ko na," magsasalita sana ako ngunit inunahan ako ni Semira, "sasabihin niyang kulang pa ang lima kung ikukumpara sa sakit na napagdaanan niya."

Natahimik ang lahat at napatingin kay Semira. Tama kasi siya at kahit minsan nakakainis siya, hindi ko rin maiwasang mapahanga sa personalidad niya. She is too frank and witty.

"So any idea about the signs?" tanong ko.

"May nabasa ako sa wattpad," lihim akong napatawa nang magsalita si Janine. Ang adik lang talaga ng kaibigan ko sa wattpad.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon