Chapter 3: The Novice

Start from the beginning
                                    

"Hello, Miss Charm!" bati niya doon sa babaeng sobrang ganda. Halos napanganga ako dahil ang ganda-ganda niya. Para siyang anghel. Kulay itim ang wavy niyang buhok na hanggang balikat. Napakaperpekto ng mukha niya na parang inukit ng magaling na sculptor. Nakasuot din siya ng puting uniform ng isang nurse.

Nginitian na lang niya si Ulvia na bumati sa kaniya at tumingin sa akin.

"Ulvia, siya ba 'yung sinasabi na novice?" sabi niya at ang hinhin ng boses niya, parang hindi makabasag ng pinggan.

"Ah, opo, siya nga po 'yun. Xhiena, siya si Nurse Charm, ang school head nurse rito." pakilala ni Ulvia.

"Hello po, Ako nga po pala si Xhiena." sabi ko.

"Nice to meet you, Xhiena. Pero, ano nga bang ginagawa niyo rito? May problema ba?" tanong niya tapos si Ulvia na rin ang sumagot.

"May sugat po kasi si Xhiena sa braso."

"Ah, ganun ba? Halika Xhiena, para magamot na kita." sabi niya kaya lumapit naman ako sa kaniya.

Nginitian niya ako tapos inihipan 'yung sugat ko at halos maduling ako nang makitang unti-unti yung gumaling. Nawala 'yung dugo at nawala 'yung sugat, ang nakita ko na lang ay 'yung parang peklat ng sugat ko. The fudge. Paano niya 'yun nagawa?

Tinignan ko si Nurse Charm na parang isa siyang himala.

Napangiti naman siya dahil sa naging reaksyon ko. Narinig ko rin na napahagikhik si Ulvia sa gilid.

"Masanay ka na sa mga pangyayaring katulad ngayon, Xhiena. Mas marami ka pang makikita." sabi ni Nurse Charm. "Wala ka na bang nararamdamang sakit?"

Hinawakan ko 'yung braso ko kung nasaan 'yung sugat ko kanina at wala ng trace ng kahit na anong sakit. Wow. Just wow.

"O-okay na po ako. Maraming salamat." sabi ko habang prino-process pa rin ng utak ko 'yung nangyari. Para akong sinapian na ewan.

"Oh, kung ganoon, tara na, Xhiena!" kung hindi pa nagsalita si Ulvia ay baka nanigas na ako.

"H-huh?" sabi ko na lang at napangiti siya.

"Ang sabi ko, tara na. Kukunin pa natin 'yung uniform mo, okay ba 'yun?" sabi niya kaya napatango ako. "Then, let's go!"

Tapos hinila nanaman niya ako palabas ng infirmary.

"Mauna na po kami, Nurse Charm!" paalam pa niya hanggang sa makalabas kami.

Naglakad nanaman kami sa mga hallway na nakakahilo at daldal lang ng daldal si Ulvia na ikinangingiti ko. Ang cute lang niya.

Mabait naman si Ulvia, masyado siyang makulit at may friendly aura, minsan nakakalimutan kong bampira nga pala siya dahil sa pagkamasiyahin niya. Siguro nga, medyo matatagalan din ang paga-adjust ko.

"Hmm, let's see. Heto!" sabi niya sabay pakita sa akin ng isang set ng uniform ng school na naka-hanger nang marating namin 'yung silid kung nasaan tinatahi ang mga damit ng mga estudyante.

Kinuha ko naman iyon at tinignan ng mabuti. Pagkahawak ko pa lang ay naramdaman ko kaagad na magiging komportable ako kapag sinuot ko 'yun dahil sa lambot ng tela. Siguro mahal 'yun.

Kulay maroon ang coat ng uniform kung saan naka-embrode ang gintong crest ng school sa may left part ng chest. Mayroong puting long sleeves sa loob at black necktie. Kulay itim rin ang above the knee length na skirt nito.

"Isukat mo, Xhiena!" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"H-huh?"

"Ang sabi ko, isukat mo! Dali, excited na akong makita!" sabi niya sabay tulak sa akin sa parang isang fitting room.

Muntik na akong masubsob dahil sa lakas ng pagkakatulak niya kaya napailing na lang ako. Sa loob ng fitting room ay nakita ko kaagad ang malaking salamin. Napabuntong hininga ako dahil hindi parin ma-process ng utak ko na nandito talaga ako. Parang panaginip parin ang lahat.

Nagsimula akong magbihis at nang makita ko ang itsura ko sa salamin ay napangiti na lang ako. Saktong-sakto kasi ang sukat ng uniform, na para bang ginawa 'yun para sa akin.

Lumabas ako at narinig ko ang pagpalakpak ni Ulvia habang nakatingin sa akin.

"Perfect! Sabi na nga ba, bagay sa'yo, eh." sabi niya habang nakangiti.

"Thank you."

"No prob. Oh, ito nga pala, isuot mo rin para kumpleto na!" sabi niya sabay bigay naman sa akin ng isang pares ng brown school shoes, at isa ring pares ng itim na high socks.

Isinuot ko na nga 'yun at parang handang-handa na nga akong pumasok.

"Ngayon, ito-tour na kita! Tara na, Xhiena!" sabi niya sabay hila nanaman sa akin.

"O-okay!" sabi ko at wala nanaman akong nagawa kundi magpatianod sa kaniya.

Kailan kaya 'to matatapos? Feeling ko kasi, mahihiwalay na 'yung braso ko sa katawan ko, eh.

Kailan kaya 'to matatapos? Feeling ko kasi, mahihiwalay na 'yung braso ko sa katawan ko, eh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Vampire HighWhere stories live. Discover now