Prologue

54.3K 501 25
                                    

•This chapter is edited•

"Tamara! Halika dali! Yung boyfriend mo oh!" Tawag saakin ng bestfriend kong si Shara.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila patungo sa medyo kalapitan ng pwesto ng 'boyfriend ko'.

"Grabe friend, ang pogi ng nilalang na 'yan. Tao ba 'yan?" Ani ng nasa likod ko. Hindi ko kilala eh, pero mukang freshman din katulad ko.

"Malamang gaga. Magiging pogi ba yan kung hindi tao?" Sabi naman ng kasama niya. Lumingon si Shara sa dalawang beking nag bubulungan sa likod namin. Pero kung mag bulungan, rinig ng buong campus.

"Ok na kayo sa bulungan niyo?" Nakapumewang at naka taas ang isang kilay ni Shara habang sinasabi iyon. Hindi ko mapigilang humagikgik sa gilid ni Shara.

"Ay taray. Tara na nga." Ani ng isang beki. Umalis na sila habang nag bubulungan. Buti nga hindi na naririnig eh.

"Hay nako. Rivals everywhere. Sana pangit na lang si Aron 'no? Edi ako lang nakakapansin." Sabi ko at napahulikipkip.

"Valedictorian ka nga Tamara." Aniya at umirap sakin. Meron 'to siguro. Highblood eh. "Eh? Bakit?" Tanong ko.

"Gaga, mapapansin mo ba siya kung pangit 'yan? Pasalamat ka di ko type 'yan." Sabi niya gaya ng tono ng dalawang beki kanina. Well, yung tinatawag naming 'boyfriend ko' namin ni Shara, ay hindi ko talaga boyfriend. I'm just one of his fandom.

"Tsk. Kasi naman eh, kung madaming mag kakarandapa sakaniya, hindi niya ako mapapansin 'no!" Sabi ko at nag pout.

"Easy ka lang kasi Tamara Yen. Mapapansin ka niyan! Ikaw lang mahal niyan." Aniya at kumindat pa sakin. With matching kagat sa ibabang labi yun ha!

"Eew Shara! Ang laswa ha." Tumawa ako at tinulak ang braso niya ng mahina.

"Ikaw na nga sinosoportahan eh. Sabagay, bakit ba kasi patay na patay ka diyan sa Lalakeng yan? Eh mas madami namang mabait at gwapo at madami naman ding nanliligaw sayo. Dun ka kaya mag focus." Sabi ni Shara at inirapan ulit ako.

"I appreciate how you support me Shara, pero I don't want expectations from your words that will make me disappointed in the end." I said and bit my lower lip. Ugh.

"Ibigay mo na lang sakin yang ganda mo at para sakin mapunta ang mga gwapo mong manliligaw. Sayang naman kasi yang ganda mo dahil lang sa isang lalake na wala naman sayong gusto. Andiyan naman si Ivan. Gwapo, matalino, mabait, nandiyan lagi. Unlike errr...Aron." Aniya at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay.

Well she's kinda true. Pero, parang hindi ko kaya mag mahal ng iba. Hala! Mahal? OA naman ata kung 'mahal'. Gusto lang siguro.

''Gusto' pa ba ang right term sa taong 3 taon mo ng gusto? Hmmm' Ani ng epal kong conscience. Hay. 3 taon na pala.

"Shara, alam mo naman kung gano ko siya kagusto. I want to stop this feeling kasi alam kong walang mang yayari. Everything that I'm feeling towards him is wrong. But I can't help myself to stop." Napabuntong hininga ako. While Shara, ayun! Tinalikuran ako.

"Ayoko makarinig ng drama. I heard it for several times. You know what? We should go to our class. Nakaka rindi pakinggan." She said. Hindi ko na lang siya pinansin at sinundan na lang siya sa dapat naming puntahan. Pero hindi parin siya tumitigil sa kakasermon sakin.

Carrying The Bad Boy's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon