Part 1: tubig

5.7K 150 4
                                    

I kissed my Daddy's tombstone. Umalis na sina Mommy at ang aking mga kapatid bago ko ito ginawa. Pinunasan ko ang lumandas na luha mula sa aking mata. Today is my dad's seventh death anniversary.

Napatalon ako ng nakitang nasa gilid ko lang pala si Kuya Kaden at hindi pa umaalis. Kakauwi lang niya kahapon from States. Nandoon siya ng limang taon, doon siya nag aral kasama ang pinsan naming si  Franchois.

"I miss him." Sabi ko. Sandali syang napatingin sa akin at dumiretso muli ang tingin sa lapida.

"I never thought i'll miss him for good. Dati, nasasanay na lang akong palagi siyang wala dahil sa mga mission niya. Hindi ko aakalaing, this time, hindi na siya babalik." Parang hinaplos ang puso ko sa mga narinig. For a long time i never heard his voice. Never niya akong tinawagan o binabanggit kapag nag
Vvideo call siya mula sa Amerika. It's nice to hear him and talk to me.

Napangiti ako. Lumingon siya sa akin muli at kumunot ang noo. Bigla na lang napawi ang ngiti ko dahil sa reaksyon niya. Akala ko okay na kami.

Umuwi na kami sa bahay at nagkaroon ng kaonting salo salo. Naroon ang mga pinsan namin at ang mga kapatid ni Daddy. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa hapag. Nasa garden kami at may mga kandila sa lamesa. Isa itong intimate dinner with the family. Kapag may ganitong dinner pakiramdam ko hindi ako dapat nandito. Pakiramdam ko hindi ako kabilang dahil ni isa sa kanila ay hindi ko naman kaano ano o kadugo.

Nag kwentuhan lang sa hapag habang kumakain. Ang topic ay si Daddy. Tito Roberto said na si Daddy daw ang black sheep sa kanilang pamilya dahil mahilig sa away at sa mga baril.

"Sa kanya nga yata nagmana itong si Angelica." Sabi ni Tito. Narinig ko ang munting tawa ni Kuya Kieran sa sinabi ni Tito kaya lahat kami ay napalingon kay Ate Angel. Ngumuwi siya at ang kanyang maamong mukha ay nalukot.

Marami pa silang napag kwentuhan at ang lahat ng iyon ay noong panahon na wala pa ako. Hindi ako pamilyar sa kanilang mga sinasabi pero dahil si Daddy ang topic ay masuri akong nakikinig. Nakita kong nakatingin sa akin si Mommy kaya ay dumiretso ang tingin ko sa ibaba.

Matapos ang dinner ay nagkaroon ng wine session ang mga matatanda. Kami namang magpipinsan ay dumiretso sa activity area kung saan nandoon ang billiard table at kung ano ano pa.

"You still look sad. Diba dapat happy na?" Inakbayan ako ng aking pinsan na si Yuriko. Tumango lang ako sa kanya at saka ngumiti.

"Ate, wag ka ng umepal, wala namang nakakatalo sayo eh." Lumayo sa akin si Yuriko at tumakbo upang bawian ng tako si Ate Angel. Binatukan niya si Yuriko at nagtawanan sila.

Umupo ako sa sofa at isinoot ang aking earphones at nakinig na lamang ng kanta sa aking cellphone. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Si Yuriko at Kuya Kaezer ang naglalaro ng billiards. Sa bandang kanan naman ay si Kuya Dealan at Kuya Franky ang naglalaro ng psp. Kakabalik lang ni Ate Angel at may bitbit na siyang alak na di ko alam kung saan niya nakuha. Tumatawang kakapasok lang din ni Gia at ni Trisha. May dala silang cards at dumiretso na sila sa kabilang table.

Hinila ako ni Kuya Kieran kaya ay tinanggal ko na ang earphones ko. Nilingon ko si Kuya Kaden na katabi ko pala kanina, hindi ko man lang napansin.

"You should sit beside me, baka swertihin ako." Natatawang sabi ni Kuya sa akin. Sinunod ko ang sinabi niya at umupo sa tabi niya. Sa tapat niyang table ay si Ate Angel at nilalagok ang alak na hawak niya. Si gilid namin ay si Gia katabi si Trish. "Kaden, come one! Let's play poker!" Nilingon ko ang sofa kung saan ako nakaupo kanina. Nakita kong tamad na tamad na lumapit si Kuya Kaden sa lamesa kung nasaan kami.

"I don't have peso in me. I only have dollars." Rinig kong sambit ni Kuya Kaden. Umupo siya sa gilid namin katapat niya sina Gia at Trish.

My Brother And I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon