Chapter 1: 5 Days of GM

104 2 4
                                    

Day 1

Dear GM Diary,

Pakuwento ko na lang sasabihin ang nangyari sa akin. Nagkasalubong kami ng crush ko na si Elice. Nabangga ko siya at sabi niya "ako na lang ang kukuha""anong ku-kukuhain mo? Sorry nagrigreenminded ako" ang sabi ko. "Ano ka ba Marcos, e di yung mga notebooks ko" sagot naman niya. Naglakad ako papunta sa classroom ko. "Ang sikip, hindi magkasiya" ang sabi ni Tom. "Ipasok mo sige pa, ipagkasiya mo iyan" ang sabi naman ni Ars. "Ayaw talaga" tugon ni Tom. "Wait ang sakit na" ang sabi pa ni Ars. "Ano ba iyan? Nakakadiri nama kayo" ang sabi ko. "GM kananaman no? Binilan ko lang naman kasi ngbsapatos si Ars, nasira ko kasi sapatos niya, maling size pala ang nabili ko" ang paliwanag ni Tom. "Ay sorry" ang paumanhin ko. Natapos ang klase at naglunch. Nakita ko sila Elice. Umupo ako sa kasunod ng upuan niya. "Ang sarap, pagdinilaan mo, malalasahan mo talaga ang linamnam nito, umm" ang sabi niya. Tinignan ko siya, kumakain kang pala siya ng ice-cream. Biglang may nakiupo sa akin, "sorry ha makikiupo na lang ako, wala na kasing sobrang upuan" ang sabi ni Jill na kaklase ko. "Hindi ok lang sige upo ka" ang sabi ko naman. Ng bumalik na kami sa klase, "guys maynangyari ba? Ang mga mukha ninyo'y malungkot" ang tanong at sabi ni Mrs. Marnolia. "Sorry po pagod, halos hiningal na nga po ako sa paglabas pasok ko" ang sabi ni Tom. "Saan ka ba naglabas pasok?" Tanong pa ni Mrs. Marnolia. "Papunta po sa cafeteria tapos balik po dito, halos nakatatlong balik na po kasi ako" ang papaliwanag na sagot ni Tom. Pagkauwi ko ay nakita ko si ate. "Jessa ano iyang ginagawa mo?" Tanong ko. "Ipinapasok ko lang ito" ang sagot niya. Hindi ko na lang pinahalata sa kaniya na gm ako at pumasok na lamang sa bahay.

Day 2

Dear GM Diary,

Habang naliligo ako sa CR ay narinig ko sila ate at papa. " bilisan mo pa tay lalabas na, ayan na!" Ang sigaw ni ate. "Nakaabot ka honey, ano maganda ba?" Ang tanong ng aking nanay. "Kasing ganda ng rosas aking mahal" ang tugon naman ni tatay. NaGM nanaman ako. Pagpunta ko sa school. "Uy Marcos, pwede mo bang ipasok ito dito" ang utos ni Elice. "Si-sige" ang sabi ko naman. Ng nasaklase na kami. "Ok class, ipasok niyo ang mahahabang bagay na iyan dito" ang utos ni Mrs. Marnolia. Inilagay namin ang mga ruler namin sa lalagyan na sinabi ni Mrs. Marnolia. Pagdating ng lunch, "bro nagkasiya na rin yung sapatos" ang sabi ni Ars at ni Tom sa akin habang kami'y kumakain. "Mabuti naman" ang tugon kong paibnocente na kunwaria'y hindi naGM. Nakita ko si Elice na may dala-dala. "Uy Elice, tulungan na kita" ang sabi ko. "Salamat" ang pasasalamat naman niya. Natapos ang buong klase at umuwi na. Pumunta muna ako sa grocery para sa midnight snack ko. "Magkano po lahat ng ito?" Ang tanong ko. "Malaki- laki bata, 135 pesos" ang sagot naman niya. Pag-uwi ko. "Parang ang sarap dilaan niyan, ang laki kasi, sana magkasiya iyan sa bibig ko" ang sabi ng aking ate. "Hindi ko binigay ang malaking popsicle na ice-cream na binili ko. Kinain ko lang iyon lahat.

Day 3

Dear GM Diary,

Habang nag-aaral ako sa kalagitnaan ng tanghali, nakatulog ako. Napanaginipan ko na nasa madilim akong lugar. "Sa laki nito, hindi mo ito masusubo" ang sabi ng isang misteryosong lalaki. "Ano ba ang ipasusubo mo?" Ang tanong ko. "Ano pa ba, e di ang aking gawang malaking qwek qwek na kakaluto ko pa lang" ang sabi niya. "Patikim nga mukhang masarap" ang sabi ko. "Huwag mong titikman ang isang iyan, kainin mo na lang ang malambot na ito" ang sabi naman ng misteryosong babae. "Ano naman iyan?" Tanong ko. "Isang siopao" ang tugon naman niya. Tinikman ko nalang iyon parehas. Nasarapan ako hanggang narinig ko ang ate ko. "Marcos, Marcos, Marcos gising na! At may ipapatikim ako sa iyo" ang sabi niya. Biglang nagising ako. "Ano iyon?!" Ang sabi ko. Biglang nakita ko si ate. "Uy Marcos paptikim ko sana itong gawa kong pritong manok" ang sabi ng aking ate. Tinikman ko at nasarapan. Nagkuwentuhan kami ng ate ko at nagtawanan. Pero naGGM pa rin ako.

Day 4

Dear GM Diary,

Habang nasaschool ako, "mga anak, bukas na ang fieldtrip niyo, sunod nito ay isang linggong mahirap na mga exam, ang susunod na linggo ay wala ng pasok, magpapasarap na lang tayo" ang sabi ni Mrs. Marnolia. Habang siya'y nagdidiscuss ako ay may narinig. Science kasi ng oras na iyon, narinig ko. Sabi ni Ma'am Marnolia "Marcos pahiram ng pencil mo" ang pagkakarinig ko ay ang private part ng lalaki. "Nasobrahan yata ang pagkaGM mo Marcos" ang sabi ni Ars. "Siguro nga" ang tugon ko naman. Natapos ang school at sa dating gawi ko. Ang magpahinga sa bahay.

Day 5

Dear GM Diary,

Habang nasa exam kami, nakita ko si Elice, tinanong ko siya, "Elice nakapag-aral ka ba?""siyempre ako pa" ang sagot naman niya. "Buti nga pagtapos nito magpapakasarap ako sa buhay" ang tuloy pa niya. Upang hindi siya magjinalang naGM ako, umalis na lang ako. Ng nasalunch, "nasagutan mo ba lahat Marcos?" Ang tanong ni Tom. "Siyempre ako pa, siyempre hindi" ang tugon ko. "Ok, kailangan ko ng bumalik sige bye" ang sabi ni Tom. GM diary, susunod na bukas na ulit ako magsusulat.

Greenminded DiariesWhere stories live. Discover now