2. The Light Gifted

153 8 14
                                        

Chapter 2: The Light Gifted

A L E X A

"Isa kang gifted!" Sigaw ni Rae, sabay ngisi. Kasabay ng pagkawala ng takot at pagkagulat sa kanyang mukha, ay ang pagkawala din ng ngiti sa aking labi.

"Huh! Hindi mo ba alam na ang mga gifted na tulad mo, ay pinapatay?" Mapang-asar na sabi ni Hane.

"Pwes, ngayon alam mo na kung ano ang kahihinatnan mo sa aming tatlo." Sabi naman ni Aisha.

Ngumisi ng malaki si Hane at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hanggang sa humakbang siya ng dalawang hakbang patungo sa akin, napaatras ako. "Alam mo bang pangarap kong maging isang user katulad mo, dati ?" Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Geez! Bakit parang hindi ata sila natakot na nalaman nilang isa akong gifted?

"Dati. Pero bigla na lamang naglaho ang pangarap kong 'yon nang malaman ko kung anong kinahihinatnan ng mga gifted na kagaya mo." Umikot siya ng dahan-dahan sa paligid ko habang pinaglalaruan ang kanyang espada. "Pinapatay, sinasaktan, ikinukulong, at kinatatakutan. Itinuturing kayong mga peste, mga immortal naming mga tao. Mayroon kayong mga kapangyarihan, na hindi naman dapat. Tss. Lagi kayong pabida. Lagi kayong nananakit, kaya bagay lang sa inyong mamatay." Walang ano-ano'y agad niyang itinutok sa akin ang kanyang espada. Sa gilid naman ng aking mga mata, ay nakita ko ang pagtira ng pana ni Aisha sa direksyon ko. Kaya agad akong umiwas at tinamaan niyon ang punong kanina'y humarang sa akin. Hanggang sa nakarinig nanaman ako ng mahinang ungol.

Agad akong humugot ng isang palaso sa lalagyanan sa aking likod. Agad akong tumakbo patungo kay Hane at agad na itinarak ang palaso sa likod niya. Isang sigaw ng pasakit ang kumawala sa kanyang bibig. Hindi pa siya ganap na nakaka-recover sa sakit na dulot ng palasong itinarak ko sa kanyang likod, ay agad ko siyang itinulak patungo sa harapan ng malaking puno.

Wala pang ilang minuto ay nakarinig kami ng ungol, at pagkatapos nito'y walang ano-ano'y gumalaw ang mga sanga ng malaking puno. Na animo'y isang galit na tao. Pagtapos nito'y inihampas ng malaking puno ang isa niyang malaking sanga kay Hane. Isang malakas na sigaw ulit ang kumawala sa kanya. At lahat kami ay nagulat ng nagwala ulit ang malaking puno, at pagkatapos nito'y nilamon ng kanyang malalaking ugat si Hane, patungo sa ilalim ng lupa.

"TULONG!" Malakas na sabi ni Hane, ngunit huli na ang lahat ng bigla na lamang siyang nahulog sa ilalim ng lupa. Ilang minuto ng katahimikan ang lumipas, kaming tatlong naiwan-ako, Aisha at si Rae ay pare-parehas na nakanganga. Hindi makapaniwalang nakatingin sa malaking puno, na ngayon ay parang isang ordinaryong puno na lamang. Bigla itong tumahimik at para bang walang nangyari.

"H-hane..." Narinig ko ang piyok na boses ni Aisha sa aking likuran

"ANONG GINAWA MO KAY HANE?!" Naluluhang sinigaw sa akin ni Rae. Marahas niya akong hinawakan sa aking balikat at iniharap sa kanya. "PINATAY MO SIYA!"

"Teka-hindi ko naman-" Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay bigla na lamang akong napatakbo, dahil bumunot ng palaso si Rae sa kanyang likuran at inilagay sa kanyang pana. Binilisan ko ang aking takbo, hanggang sa aking makakaya. Papanain nila ako. Gusto din nila akong matulad kay Hane. Gusto din nila akong mamatay. Pero, hindi. Hindi pwede. Kailangan ko pang makuha ang bulaklak.

"Ah!" Napaluhod ako sa sakit, ng maramdaman ko ang mainit at makirot na sensansyong tuluyang tumutusok sa aking kaliwang balikat.

"Mamatay ka din!" Rinig kong sigaw ni Aisha, kasunod nito ay mga yabag ng mga paang papalapit sa akin. Tuluyan na akong napaluhod sa lupa dahil sa sakit na aking nararamdaman. Kinapa ko ang aking kaliwang balikat, at doon, isang palaso ang nakabaon at malapot na likido ang lumalabas sa aking sugat. Nanginginig kong hinawakan ang palasong nakabaon sa aking balikat, sabay hinga ng malalim.

RevertWhere stories live. Discover now