1. Flower of Rogen

225 12 4
                                        

Chapter 1: Flower of Rogen


A L E X A

Marahan kong hinalikan ang noo ng aking inang mahimbing na natutulog, at pinigilan ko ang aking sarili na makagawa ng kahit isang hikbi o ingay. Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha tungo sa aking mga pisngi.

Sana, pagbalik ko dala ko na ang makakatulong sa paggaling mo, ina. Sana.

Marahas kong pinunasan ang aking traydor na mga luha at dahan-dahang lumabas sa aming maliit na bahay. Itinalukbong ko na ang aking kulay emerald na cloak at nag-umpisa ng maglakad.

Itinaon kong tulog si Ina sa aking pag-alis. Dahil alam kong pipigilan niya lang ako sa plano ko. Labag ito sa kanyang kalooban, pero kahit ganoon ipagpapatuloy ko pa din ito. Kapag nagawa ko ang plano kong ito, gagaling si Ina, mawawala ang sakit na kanyang dinaramdam, magiging masigla na ulit siya. Pero bago mangyari iyon, kailangan ko munang panatiling buhay ang sarili ko hanggang sa makuha ko ang pakay ko. Pero sa tingin ko, mahihirapan akong gawin ito.

Bakit?

Dahil patayan ang labanan para makuha 'yung bulaklak na kailangan at pakay ko. Astig 'no? Bulaklak na nga lang kailangan pang magpatayan.

Well, hindi lang naman 'yon isang simpleng bulaklak. Namumulaklak lamang ang bulaklak na iyon sa Bundok ng Rogen, at dahil doon lamang iyon namumulaklak, pinangalanang Rogen ang bulaklak.

Kada walong taon lamang namumulaklak ang Rogen. Makapangyarihan ang bulaklak na iyon, dahil kapag ito'y pinakuluan at ang katas nito'y pinainom mo sa isang may sakit, wala pang isang minuto ay gagaling na ang may sakit, at lalakas na ulit ng para bang walang nangyari.

Kaya maraming tao ang nagkakaroon ng interes dito. Maraming tao ang bumabyahe at naglalakbay pa galing sa ibang kaharian, upang makipagsapalaran sa pagkuha sa bulaklak. Ngunit sa huli, isa lamang ang maaaring mang-akin sa bulaklak.

Alam ko kung gaano ito kalala. Alam kong maaari akong masaktan sa gagawin kong ito-no, baka hindi lang masaktan. Maaari rin akong mamamatay sa pakikipaglaban, lalo na't hindi ako bihasa sa mga ganitong bagay. Ngunit anong magagawa ko? Ito lamang ang tanging paraan na alam ko, upang tuluyan ng gumaling si Ina.

Simula nang mamatay ang aking Ama, nagkaroon naman ng malubhang karamdaman si Ina. Hindi na siya nakakalakad at bilang na rin ang oras niya dito sa mundo. Ngunit kapag nakuha ko ang bulaklak ng Rogen, gagaling si Ina at babalik ang kanyang dating lakas ng para bang walang nangyari. Kaya't kailangan kong pagbutihan ang aking pakikipaglaban.

Madilim pa ang buong paligid, saktong apat na oras pa bago mag-bukangliwayway at mamulaklak ang bulaklak ng Rogen. Pinili kong maagang umalis sa bahay, para kahit papaano'y magkaroon ako ng tiyansa na makapunta ng maaga sa bundok ng Rogen at makuha na agad ang bulaklak. Kung gano'n lamang sana kadali.

---

Lumipas ang dalawang oras, na ako'y naglalakbay. At ngayo'y nandito na ako sa harap ng dalawang daan. Isang mahabang daan at isang gubat.

Nakaramdam ako ng panginginig at takot habang pinagmamasdan ko ang gubat sa di kalayuan, na sinabayan pa ng malakas at malamig na hangin. Noong bata pa lamang ako, ay marami na akong naririnig na nakakatakot na mga kwento tungkol sa gubat na ito. Ang sabi sa akin ni Ama, marami daw mababangis na oso at lobo sa loob ng gubat na iyan, at marami pang hindi mga kilalang hayop. May mga mababait at masasamang engkatando't engkantanda rin daw ang naninirahan dito.

RevertHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin