Kabanata 1

692 11 6
                                        

"Saan mo naman planong magbakasyon ngayon?"

Nag-angat ng tingin si Georgina "George" Lardizabal nang marinig ang tanong ng kanyang ama. Kasalukuyan siyang nasa sala at nanunuod ng pang-umagang palabas sa telebisyon. It was summer. Kakatapos lang ng second semester and she'll be fourth year college on the next school year.

Binitiwan niya ang hawak na remote control nang tumabi ang ama niya sa kanya. Saglit siyang nag-isip. Saan nga kaya siya magbabakasyon ngayong summer? Sa Baguio o sa Boracay? Pero ilang ulit na siyang nagpunta sa mga lugar na iyon kaya medyo nagsasawa na siya.

Bumuntong-hininga siya. Ang totoo ay wala talaga siyang naiisip na pupuntahan.

"Ewan ko, 'pa. Baka team bahay muna ako ngayon," sagot niya.

"Hindi ka ba mababagot na wala kang gagawin buong summer?" tanong naman nito.

Napasimangot siya. Oo, alam niyang sobrang nakakabagot ang walang gagawin buong summer kaya nga bumili siya ng sandamakmak na libro kahapon para may babasahin siya kung sakaling wala siyang maiisip na pupuntahan.

"Magbabasa nalang siguro ako ng libro buong summer." Napangiti siya sa kanyang sabi. Tumawa naman ng mahina ang kanyang ama.

"Baka gusto mo nang sumama sa amin ng mama mo sa probinsiya?" maya-maya ay tanong nito.

She looked at him. "Sa Ilocos Sur po?" tanong niya.

In every two years ay umuuwi ang kanyang ama kasama ang mama niya sa Ilocos Sur at lagi rin siyang niyayaya ng mga ito na sumama doon para makita't makilala na niya ang kanyang lolo't lola pero lagi siyang umaayaw sa kadahilanang mas gusto niyang mamasyal sa mga mas kilalang lugar. Hindi naman mapilit ang mga ito dahil kung sinabi niyang ayaw niya, there's no way they could change her mind.

"Oo," sagot nito. "Tinatanong ka na naman ng lola mo kung sasama ka na daw ba? Labing-siyam ka na pero hindi ka pa nila nakikita."

Totoo 'yun. Nakakausap lang niya minsan sa cellphone ang lolo't lola niya pero hindi pa siya nakikita ng mga ito. At ganun din siya sa mga ito.

Saglit siyang nag-isip. Bakit nga kaya hindi niya subukang magbakasyon doon? Pwede siyang magpakadalagang-bukid doon. She already tried mountain hiking, kayaking, scuba diving at kung anu-ano pa. But to go on a barrio and tried planting crops, she neither experienced nor tried it.

Dahil sa pag-iisip niya ay hindi niya namalayang tumayo na ang kanyang ama.

"Sabihan mo lang ako kung gusto mong sumama ha? Samakalawa na ang alis namin ng mama mo. Kung hindi mo naman gustong sumama, mag-iiwan nalang ako ng pera at ikaw na ang bahala kung saan mo gustong pumunta." Tiningala niya ito. Tumango nalang siya saka ngumiti. Nagpaalam na ito at pumasok sa trabaho.

Nang mawala na ito ay muli siyang nag-isip, nagdedesisyon kung sasama ba siya o hindi?

Bago magtanghali ay nakabuo na ng desisyon si George. Sasama na siya sa kanyang mga magulang sa probinsiya.

Nang ipaalam niya sa kanyang ama ang naging desisyon niya habang naghahapunan sila ay tuwang-tuwa ito, pati ang kanyang ina. Dahil sobrang excited ang mga ito ay bumiyahe na sila sa sumunod na araw.

Siyam na oras ang naging biyahe nila bago nakarating sa Candon City at mula doon ay sumakay naman sila ng dyip na papunta sa isang parang liblib na lugar na kung tawagin ay Gregorio del Pilar. Doon ang mismong kinalakhan ng kanyang ama, ang lugar kung saan napatay ang bayaning si Heneral Gregorio del Pilar.

First time na makasakay si George ng dyip, at sa bubong pa siya ipinuwesto dahil puno na daw sa loob. Sa buong biyahe ay mahigpit ang kapit niya sa kanyang katabi at hindi siya bumitaw dahil minsan ay parang matutumba na ang dyip dahil sa sobrang bako ng daanan, lalo na kapag dumadaan sila sa gitna ng ilog.

My Ilocano BoyfriendWhere stories live. Discover now