I snorted. Forget it? Yeah, I did. I almost did. Kaunting kaunti na lang sana kung hindi ko lang naalala ang Pilipinas dahil sa promotion na 'to.

I know he's happy now. Sa sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya, nagawa niyang kalimutan ako. At dapat ikasaya ko ang bagay na iyon dahil iyon ang gusto ko para sa kanya. Kahit masakit, ayos lang. Magiging masaya lang siya, ayos na ako.

Tumayo ako at lumapit sa malaking glass wall ng opisina kung saan makikita mula doon ang naglalakihang building ng San Francisco. Limang taon kong tinakasan ang nakaraan. Hindi na ako pwedeng bumalik ng Pilipinas dahil wala na akong babalikan pa doon. I lost everything five years ago.

Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo ni Alice sa aking balikat.

"Babe, mauubos na buhok ni Noy-noy sa kakaisip mo dyan." Biro niya na ikinatawa ko.

"Kailangan kong pag-isipan, Alice."

Humalukipkip siya. "Kaya mo ba sa tatlong araw?" Paghahamon niya.

Muli akong napatingin sa kawalan. I've been thinking about it for the last five fucking years. It won't hurt kung pag-isipan ko ng tatlong araw.

Humarap ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang boses ng taong pinakamahalaga sa buhay ko.

"Mommy!"

Sabay kaming napalingon ni Alice sa may pinto at nakita si Ulap na tumatakbo papunta sa amin na ngayon ay mag-aapat na taon na. Nakasuot pa ito ng P.E uniform at mukhang hinihingal.

"Careful, dude." Kyle said and entered the room.

Lahat ng agam-agam at sakit sa puso ko ay naglahong bigla nang makita siya. Lahat yata sa akin ay nabago nang dumating si Ulap sa buhay ko. He's my world, my life at siya ang nag-iisang rason kung bakit hanggang ngayon lumalaban pa rin ako.

But he reminds me so much of his father. Kuhang-kuha niya ang mga mata ni Christian. Ang matangos nitong ilong at ang mga labi na tila sinukat ayon sa disenyo ng mga labi ng ama niya. Alam kong hindi ko maitatago si Ulap sa mga tao habang buhay. Darating ang araw na magkikita sila ng ama niya at isa lang ang hinihiling ko na sana kapag dumating ang araw na iyon. Sana napatawad na ako ni Christian.

"Hi baby!" Umupo ako and spread my arms upang yakapin siya. I squeezed his little tiny body against my chest and as usual, it's one of the most magical moments of life.

"Hello Ulap!" Nakangiting bati ni Alice.

"Hello po ninang!" Masayang bati niya saka niyakap si Alice. Kahit sa States ko ipinanganak si Ulap, tinuruan namin siyang magsalita ng tagalog. Kahit papaano, hindi ko tinaggal sa kanya ang karapatang mamuhay bilang isang Pilipino kahit pa tinago ko siya sa sarili kong bansa. At sa ama niya.

"So excited," Nakangiting kumento ni Kyle.

"Oo nga, anong meron?" Tanong ni Alice.

"Mommy, Mommy! I already know what I want for my birthday!" Tumatalon na sabi nito habang nakataas ang dalawang braso.

Natatawa kong itinaas ang mga kilay habang nakatingin sa tuwang-tuwa niyang mukha. He's turning four next month at ngayon pa lang ay super excited na siyang i-celebrate iyon.

"Yeah?"

"Opo!" Mabilis na sabi nito at lumingon kay Kyle.

"Go on, tell her." Nangiting sabi naman ni Tito Dad niyang si Kyle.

"What is it, baby?"

"Please don't get mad, Mommy please?" Sabi pa nito na naka-pouted lips.

Natawa ako at kinurot ang pisngi niya. "Of course not, just tell me."

Bumalik ang ngisi nito. "Remember the promise you made last year?"

Kumunot ang noo ko at inalala iyon. Nako naman ngayon pa talaga siya maniningil ng promise? Saan ba doon? Wala akong maalala.

Sumimangot siya bigla nang makita ang reaksyon ko. "Mom!"

"Yeah! Oo naman." Mabilis na sabi ko kahit pinipilit ko pang inaalala kung ano iyong pangakong sinabi ko sa kanya noon. Sa dami ng iniisip ko, nawala sa isip ko ang bagay na iyon.

"Anything, baby. I'll do it for you." Ang sabi ko na lang. Kahit naman kasi ano rin ang hilingan ni Ulap, alam kong hindi ako makakatanggi kung para ito sa kabutihan niya.

"I wanna go to Philippines with you!"

Napakurap ako. What?

Daig ko pa ang binuhusan ng tubig sa pagkabigla.

"Please mom!"

Wait, what?! No!

Pakiramdam ko nawalan ng dugo ang mukha ko.

"Mom? Are you okay?" aniya sabay hawak sa mukha ko.

Namumutla akong napatingin kina Alice at Kyle. Kyle knows about it kaya wala akong nabasang pagkagulat sa mukha niya. But Alice was so shock she forgot to close her mouth.

"Please po mom I promise when I get there I will be the most behave human being on earth, like super behave..."

I gulped. Tinignan ko siya sa mukha. Tila nahihilo na ako.

I remember Christian. His father.

"Mom?"

"Philippines?" Ang nasabi ko na lamang.

"Yes!"

Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit kinailangan ko siyang ilayo sa Pilipinas.

Si Rona. Oh.God.

No. Hindi pwede. Hindi ko siya pwedeng iuwi ng Pilipinas kahit anong mangyari.

Never. Not ever.

His Beautiful Revenge (The Annulment Book II)Onde histórias criam vida. Descubra agora