Chapter 1

58.2K 997 43
                                    

I tried to forget but somehow it keeps coming back to me, the horror of the past still keeps haunting me.

Hanggang ngayon at baka hanggang magpakailan man.

I don't feel human. Baka nga mas malala pa ako sa hayop.

I don't feel like I fit into this world but when your heart and your head are in conflict, you make irrational decisions or worst you make crimes.
You can convince yourself to do anything if you find a reason to rationalize the action because the thought of letting go was just too painful.

Huminga ako ng malalim. Eto nanaman tayo, Janna. I thought to myself.

Lately, hindi ko na naiisip ang nakaraan pero when I do, damn it hurts so bad.

Matagal na panahon na ang lumipas pero hindi kailan man mawawala sa puso't isipan ko ang ginawa ko sa kanya. Nakatatak na yon. Animoy isang sumpa.

"Janna!" Ang malakas na boses na iyon ang nagpasigising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Itinaas ko ang mga mata at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Alice. Nakatukod ang mga kamay niya sa table ko at mariin akong pinakatitigan. Inayos ko ang iilang hibla ng maikling buhok sa noo. This why I love short hair, madaling ayusin.

"Wow naman, kakaiba ka rin mag-celebrate ng success ano?" Aniya at ibingasak ang katawan sa sofa.

Isinandal ko ang likuran sa swivel chair at inilagay ang mga braso sa gilid nito. Dapat masaya ako kasi kaka-promote lang sa akin bilang manager sa isang branch na gagawin ng M&L Company sa Pilipinas. I should be happy about it, hindi basta-basta ang kompanyang pinasukan ko. It's a brand based in San Francisco that specializes in high-end women's wear na pag-aari ng isa sa pinakamagaling na wedding gown designer sa mundo. Wala akong alam sa fashion world pero kinuha ako ni Alice nang magkita kami sa isang event nito na siyang ginawan ko ng cover sa isang sikat na magazine sa New York. She offered the editorial position kung saan ginagawan ko ng sariling article ang bawat kasal ng mga clients namin. She's a Filipina fashion designer sa San Francisco at ako ang eksaktong taong hinahanap niya para sa kompanya. It's just too ironic dahil nagagawa kong isulat ang love story ng ibang tao sa kabila ng trahedya sa sarili kong love story. But I love my job. Dahil sa trabaho ko, nagagawa ko pa rin maniwala sa pag-ibig kahit gaano na ito kasakit.

I was so fragile and lost when she offered the position, at sa kagustuhan kong ilayo ang sarili ko sa New York, I finally said yes and gave up my writing career in New York. Simula noon, naging magkaibigan kami ni Alice. Nakilala ko siya as super baliw at nakakatawang babae. Maganda, matangkad at dati siyang modelo sa Pilipinas pero iniwan niya iyon para mangarap ng mas mataas sa amerika. Mabait si Alice kaya agad kaming nagkasundo. Magkasing edad lang din kami kaya madali lang namin napakisamahan ang isa't-isa. Halos kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Tinulungan niya akong ibangon ang sarili ko. Hanggang sa dumating ang mga araw na napapaiyak na lang ako sa harapan niya kasi sinusubukan kong ikwento sa kanya ang nangyari sa akin. Alam niya ang buong dahilan kung bakit ko iniwan ang Pilipinas.

"Ano bang problema mo? Eto na yung pangarap mo. Andito na. Abot na abot mo na." Ngumuso ito sa may mesa ko kung saan nakalatag ang plane ticket ko pauwing Pilipinas. Tatlong araw na lamang ang meron ako upang pag-isipang mabuti ang lahat.

"Ayan na, O. Hello, baka may balak kang pansinin." Saad pa niya na may halong sarcasm.

Huminga ako ng malalim. Ang bigat sa loob. I'm not ready to go back. Kinalimutan ko na ang buhay ko sa Pilipinas. Mariin akong napapikit. Ikinasal na siya two years ago. Tanggap ko na ang lahat pero pakiramdam ko hindi ko pa kaya.

I opened my eyes and sighed. "Alice, I can't."

Napailing siya. Tinignan niya ako ng masama. Yung tipong gigil na gigil na siyang sabunutan ako. Pero napabuntong hininga din siya sabay iling. "Akala ko ba tapos na tayo sa issue na yan? My God, Janna five years na ang lumipas. Forget it."

His Beautiful Revenge (The Annulment Book II)Where stories live. Discover now