Chapter 5 - Flashback

614 19 8
                                    

Sorry kung hindi ako nakapag-update agad.. Super busy sa trabaho kaya "brain drain" na pag dating sa bahay.. So, ito na po..

Paalala lang po for this chapter, pag naka-bold and italized ibig sabihin sa isip lang po yun ng nagsasalita.

====================

Carlo: No problem, Kaye. But first, gusto kong sabihin mo saken lahat ng nangyari sa meeting mo with Mr. Ramirez. Everything, Kaja. From the moment that you met him until the time that you left his house.

Kaye: (sighs) Okay...

********************

Flashback

1 week ago..

5:00am nang magising si Kaye.. Nag-inat sya saka bumangon ng kama at nag jumping jack ng 10 beses para tuluyang alisin ang antok na nararamdaman. Sinimulan nya ang paglilinis ng kwarto nya. Inayos nya ang kama, nagpunas ng alikabok at winalis ang sahig. Nang makuntento na sya na malinis at maayos na ang paligid nya, inayos naman nya ang damit na susuotin at saka pumasok sa banyo na nasa loob lang din ng kwarto para maligo..

Kaye: Good morning, Nay.. (Sabay kiss sa pisngi)

Nanay Berna: Good morning din, Kaye. Maaga ka ngayon ah. (Saka bumalik sa pagsasandok ng pagkain.)

Kaye: (tumingin sa orasan at nakitang 5:45 na) May meeting pa ko kasi ako ng 6:30am.. Buti na lang Crescent Park is just 5-minute drive away from here..

Nay: Meeting? Aba'y bakit napakaaga naman? E di hindi mo na makakasabay si Lianna mag-almusal?

Kaye: Hindi na po muna. (Habang inaayos ang hapag-kainan) Late na rin po kami natulog kagabi e. Hayaan na lang muna natin makatulog ng mahaba-haba.

Nay: (nakitang nag-aayos ng table si Kaye) Ako na dyan! Maupo ka na lang. O, ito na yung kape mo. Hala, bitawan mo yan! (Sabay tapik sa kamay ni Kaye)

When the GOD Met the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon