Simula

78 16 23
                                        

Story starts: March 13, 2016

This story dedicated to all my love and my inspiration. :)

---

"Hoy! Magtatangla na lang ba tayo dito habang buhay? What time is it? Mahuhuli na tayo sa tamang oras ng usapan! Harujusko." Basag ni Miko sa katahimikan ng barkada pagkatapos ayusin ang bendang inilalagay sa kanyang kamao. Talagang handang handa na sya. Samantalang ang mga kabarkada nyang walang kabuhay-buhay ang kinikilos ay wala pang ginawa kundi yumuko at magmukmok sa sala.

Ni isa sa kanila ay walang binatbat ni kahit katiting na isang salita. Napakamot na lang ito sa sariling sintido.

"Ano ba! Pati ba naman ako, babaliwalain nyo? Ang akala ko ba, handa na kayo?"  Suminghap ito ng hangin saka ibinaling ang tingin sa kisame. Naiirita syang tumingin sa mga ito. Ibinagsak na lang nito ang kamay sa lamesang malapit sa kanya nang wala pa ring marinig na sumagot sa sinasabi nya.

Sino ang kayang lumaban sa sobrang sikat at maraming taga hanga na Gang?

Tahimik ang lahat. Walang humpay ang kanilang kabang nararamdaman sa darating na labanan. Lalo na si Ciao, ramdam na ramdam nya ang mabilis na tibok na dumadaloy sa puso nya dahil sa sobrang kaba. Bumuga ito ng malalim na hininga at ipinatong ang dalawang siko sa hita pagkatapos inilagay ang dalawang palad sa noo.

"Alam mo pare, nagmumukha kang bakla. Ay! Nakalimutan ko.." Kamot ni Jhereed sa ulo. "Bakit ko nga pala nasabing bakla ka, e sa simula pa lang talaga ng kapanganakan mo ay saydang bakla ka na talaga?" Tapos ang lakas pa nitong tumawa sa harap nila, habang hawak hawak ang tiyan at hindi napigilang hampasin ang sariling hita sa sobrang sayang nararamdaman.

Mas nagmukhang tanga si Jhereed sa'kanyang inasta nang walang imik ang mga barkada nyang tiningnan lang sya ng tagos sa mata. Ang iba ay nakapamewang at lukot ang noo habang ang mga mata ay nanliliit sa'kanya.

"Hoy! Halimaw na sa limangpong taong nawawala sa banga, gasgas na ang line mo! Manahimik ka na lang, pwede?" Sagot naman agad ni Miko.

Nanliliit ang mga mata ni Jhereed sabay peace sign sa kay Miko sa walang ganang paraan. "Sorry okay? Sorry? Tss." Natamaan ata sa makatotohanang dialogo ni Miko. Laughtrip!

"Alam nyo, hindi tayo makakatakas sa kayabangan ng mga maangas na 'yon kung magdamag tayong magmumokmok dito." Putol ni Fermund sa dalawang magkaibigang hahantong pa yata sa away o sabihin na nating sa walang kwentang dialogo.

"Mabuti pa nga, ihanda mo na ang Van na masasakyan natin pareng Kiel." Tumango naman si Kiel sa sinabi ni Miko, tumayo at humakbang na palayo ngunit hindi pa nakakasampung hakbang ay tumigil ito at pumihit paharap sa'kanilang muli.

"Tutuloy ba talaga tayo?" Kabadong sabi ni Kiel sa'kanila na kaagad namang pagharurot ng tawa ni Jhereed.

"Bakit? Naduduwag ka?" Sabay hagalpak sa tawa. Napagigil lang ito nang batukan sya ng katabing si Ciao.

"Tumigil ka na nga, babatukan na kita eh." May halong diing bigkas ni Ciao.

Napasinghot na lamang ito saka umayos ng upo. Gumuhit ang singkit na mga mata kahit hindi naman mukhang Chinese. "Binatukan na nga."


"Hoy! Mukhang halimaw na nawawala sa banga." ulit ni Kiel sa pang'asar ni Miko kanina nang makarecover sa sinabi ni jhereed. Umabot pa nga sa singkwentang sigundo iyon. "Huwag mo akong pagsalitaan ng bakla dahil.." Pikit matang humanap ng salita si Kiel. "Dahil..Hayst!" Sa huli, nasabunutan nito ang buhok nang wala talaga syang nakapang salita. "Hindi ako bakla! Ganito lang talaga ang lumalabas sa bibig ko kapag nakatungtong na sa high quality ang kaba, kaya napagkamalan mo akong bakla."

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 05, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The FightersCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang