Ambon

55 3 7
                                        

Darvie's:

Hi guys! Idk kung ano ba 'tong ginawa ko hahaha. It's so lame, kaya nilagyan ko ng gif ng raindrops baka sakaling mabasa kasi tuyo ata 'tong story. Hahaha, ewan. But yey, nakapag-sulat din ako kahit papaano, kahit super waley? Hehe omgs. I hope you enjoy, kahit konti? Xoxo

___________________________________________________________________________________

Napatingin ako sa bintana ng jeep na sinasakyan ko ngayon. Bakit ba kasi ngayon pa umambon? Kung kelan malapit na ako sa school at madami pa akong dala. Nako naman. Wala pa naman akong dalang payong.

Tumigil na sa pag-andar yung jeep kasi naka-red na yung stop light. Bababa na ako kasi kapag nag-go 'to, lalagpas na sa school namin, bawal kasi magbaba ng pasahero sa daanan papunta dun. Kaso 'naknang tokwa naman ayokong maambunan.

Wala na akong ibang choice kundi bumaba ng jeep. Patakbo akong pumunta sa gilid ng kalsada para sumilong sa isang tindahan. Inilipag ko muna yung mga dala kong gamit sa upuan para punasan yung mga pumatak na tubig sakin.

Uma-ambon padin kaya hindi pa ako makaalis dito, maaga pa naman kaya okay lang kung mag-stay pa ako. Habang tumitingin ako sa mga dumadaan sa harap ko, nakita ko yung ungas kong classmate- well friends din naman kami.

"Hoy Kim! Ba't ka ba nagpapabasa dyan?" Napatingin siya sakin tsaka ko siya hinila sa tabi ko para isilong din.

Tinanggal niya yung earphones sa tenga niya, "Huh? Hindi naman malakas eh, okay lang yan."

"Anong okay? Ew kaya yan, dirty."

"Ew ka dyan, arte mo."

Napataas nalang ako ng kilay sa kanya. Aba talaga 'tong lalaking 'to.

Maarte na kung maarte, ayoko lang magkasakit. Mahirap kaya magkaroon ng sipon, lalo na magka-ubo. Dati kasi nung nagkaroon ako ng sakit, umabot ng ilang weeks kasi hindi naman ako umiinom ng gamot. Eh kasi ang hirap kaya lunukin tsaka ang pakla pa, pwe!

"Eh bakit ba? Care mo? Peram ngang payong."

Hinampas ko siya ng mahina, sign para bilisan niya.

"Kita mo 'tong bag ko?" sabay turo niya sa bag niyang drawstring na Nike. "Sa tingin mo lalagyan ko ng payong yan sa loob? Ha! Asa!" Tapos pinakita niya yung mukha niyang pang-mayabang, sumingkit tuloy lalo yung mata niya.

Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Kahit kelan talaga hindi maaasahan sa gamit. Hindi ko nalang siya sinagot at chineck kung may pumapatak pa bang tubig galing sa langit.

Inilahad ko yung kamay ko para maramdaman yung patak pero wala naman na. Kaya kinuha ko yung mga gamit ko at iniwan yung asungot. Bahala siya dyan.

"Hoy teka naman Vera!" rinig kong sigaw niya. Medyo malayo na kasi ako. Siguro ngayon niya lang napansin. Hindi ko siya nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hindi ko na siya hinintay.

Ayun si Kim, kaibigan ko, hindi ko na nga maalala kung paano kami nagkakilala. Siguro kaya kami naging close kasi pareho kaming maarte? Or sadyang friendly lang siya? O ako? Ay ewan. Basta nakilala ko siya kasi classmate ko siya nung first semester hanggang ngayong second sem ng first year college. Ilang months na ba? 9 months? Almost 10 months na siguro. At almost 10 months na din akong may gusto sa kanya.

Paano ba naman hindi ka mai-inlove sa kanya kung lagi kayong magkasama at lagi kayong tinutukso ng mga kaibigan niyo sa isa't-isa. Sinong hindi mafa-fall sa lalaking kapag bwinisit ka, bigla bigla ka nalang papatawanin? Sinong hindi mafa-fall dun sa mga mata niyang hindi na makita kapag ngumingiti o tumatawa siya? Sinong hindi mafa-fall sa boses niya kapag kumakanta at kapag tinatawag niya yung pangalan mo? Sinong hindi, "Vera!"

AmbonStories to obsess over. Discover now