Right Here Waiting ( The last piece )

37 3 1
                                    

___________________________________♥♥♥

Rachel was my childhood sweetheart, at the age of 16 pumasok na kami sa isang relasyon na di namin akalain na mag wo-work. Ang bata pa namin nun, but we did last our relationship at heto going 7 years...

Hon, what gift do you wan this coming anniversary natin?Tanong ko sakanya..Hon ang tawag ko sakanya..siya naman Dex.wala kami nung partner's name calling ever since.

Wala, just simply your presence, solve na ako dun, ano pa ba hihilingin ko..masaya na ako na tayo lang.

I love you♥

I love you, too♥

I set up a date...sabi ni Rachel, her dream is to serenade by me with a band. Pano ko yun gagawin eh mahiyain ako..kaya yun ang challenge ko para sa sarili ko na dapat kong i-achieve now na 7 years na kami...

2 weeks nalang ang preparasyon para sa anniversary namin, ginawa kong week long ang celebration na yun. Everyday I am giving her something...gumawa din ako ng puzzle na pinaiipon ko sakanya sa pagdaan ng araw at mabubuo ito sa last piece na ibibigay ko sa mismong araw nang aming anniversary.

Araw-araw excited ako, excited sa magigi niyang reaction pagdating nang araw na yun..pag nhabuo na lahat ng piece.

Alam mo Dex, I feel like i'm the most lucky girl in the world. Lahat na yata nang lalake nagloko na, ikaw nalang yung hindi...ang dami mo pang pakulong nalalaman diyan ah.

Hon, alam mo...kuntento na kasi ako eh. Kuntento na ako kung ano ka at kung ano meron tayo, kuntento na ako sa masaya nating relasyon...ano pa bang hahanapin ko?

Kaya ikaw ang the best eh!...Kahit anong mangyari Dex, remember I love You.

Uhhh...ang sweet naman ng Hon q.:) I love you...i love you...i love you nang sobra. Wag mo ako iiwan ah, hindi ko kaya.

_______________________________________☺_☺

♥_♥..Today is such a special day, it's our 7th year anniversary. Yes!..the day I waited para makumpleto na ang ibig sabihin nang mga pieces na bigay ko sakanya. I'm sure she'll be surprised sa gagwin ko.

7:00 P.M ang meeting time namin...maaga pa andun na ako, I make sure na ok ang venue...everything...one huge baby blue bear na gustong-gusto niya, chocolates, flowers, settings, foods at ang highlight nang gagawin ko...ang banda na inarkila ko para turuan ako at gawin nilang vocalist (ngayong gabi lang naman, wala naman akong balak career-in :). Memorable itong place na to para samin kasi dun kami unang nagingkita at naging magkaibigan, mula bata dun na kami laging naglalaro at dun kami madalas na magkita..nakakakilig pag naalala ko pa ang mga araw na yun.♥

8...9...10...11:00 P.M na.....

Nalasing na yung mga grupo ng banda, halos malanta na yung rose at malamig na rin ang mga pagkain.Asan na kaya si Rachel?:( 

I decided na sunduin na siya,...tutal malapit lang naman ang subdividion na tinitirhan nila. Pagdating ko sa subdivision ay dire-direcho lang ako..kilala naman ako nang guard na lagi akong pumupunta dun para sunduin si Rachel.

Pagtapat ko sa bahay nila...all lights are off. Di kaya nagkasalisi lang kami ni Rachel at nandun na siya sa park...? Bumalik ulit ako nang park, wala siya dun...balik ulit ako ng subdivsion, tinawagan ko na siya pati si Tita Susan, ang mama niya pero out of coverage area.

Asan an kaya siya?:'( Ayokong mag-isip nang negative pero ang bigat na ng damdamin ko, napaupo ako sa harap ng pinto ng kanilang bahay at ilang oras pa ay nilapitan na ako ng guard.

Pare, kanina ka pa diyan ah, napansin ko na kanina ka pa pabalik-balik dito...ano ba kailangan mo kina Ms. Lee?

O...opo Manong, alam mo po ba kung saan sila nagpunta? Kanina pa po ako dito tawag nang tawag sa labas nila eh, di ko rin sila mo-contact.

Ah..di mo ba alam?Gulat na tanong saakin ng guard.

Alin ho?

Teka, para sayo yata itong sulat na to eh..ikaw ba si Dexter?...hindi ko kasi alam pangalan mo eh, sa mukha lang kita kilala. Kasi may sulat na iniwan saakin si Ma'am Rachel eh.

Opo...opo ako po.

DEX, ANTAYIN MO AKO, SANDALI LANG AKO. HAPPY 7TH ANNIVERSARY. MAHAL NA MAHAL KITA TANDAAN MU YAN.

I KEEP ALL THE PIECES.

Balita ko sir, out of the country sila. Sige po sir maglilibot pa ako.

Out of the country?...Bakit naman kaya?..Bakit biglaan naman yata, di man lang siya nakapag paalam nang personal.

Hindi na pala siya darating...walang magaganap na celebration:'/

Di ko alam kung bakit,,ngunit kasabay nang pagbuhos nang malakas na ulan ang pagbuhos din nang mga luha ko, di ko mapigilang di umiyak tumakbo ulit ako pabalik sa park ...

Wala na yung banda, lanta na ang mga bulaklak, basang-basa na ang paligid. Nagwala na ako...itinumba ko lahat nang nakita ko sa paligid, napasigaw ako sa bigat nang aking nararamdaman...gulong-gulo ang isip ko di ko na alam kung ano pa ang iisipin. Today supposed to be a happy day but it's not anymore.:'(

Di ako makapaniwala na umalis si Rachel nang wala man lang pasabi.

Kinaumagahan nang araw na yun ay bumalik ulit ako sa park, baka sakaling hinihintay niya ako at magpapaliwanag siya...pero wala ni anino niya dun.

Halos araw-araw, pumupunta ako ng subdivision...nakikibalita kung umuwi na ba sila pero wala din.

Dumaan na ang mga araw,...buwan..halos parehas lang, paulit-ulit lang ang ginagawa kong pag antay sakanya. Sumusuko na ang katawan ko pero patuloy sa pag aantay ang puso't isip ko.

Tok...tok...tok...

Si Leny...childhood bestfriend ni Rachel...hinanap niya saakin si Rachel at wala akong masagot...di ko alam kung bakit pero niyakap ko siya at tumulo nanaman ang mga luha ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin pabalik, sa sandaling yun naramdaman ko na hindi pala ako nag iisa...kahit sandali nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil kahit papano may nakapitan ako.

The Last Piece ♥Where stories live. Discover now