5 - Bullying Krystal

Magsimula sa umpisa
                                    

Dear Kai,

 

Alam kong galit ka pa rin saakin, siguro habang buhay ka nang galit saakin pero hindi ko talaga kaya hindi kita tiisin na gawan ng lunch kaya .. ginawan kita ngayon, nasa loob ng locker mo.

 

Binuksan ko naman ang locker ko at nandoon nga ang lunch ko, napakagat ako sa labi ko at napabuntong hininga, sinarado ko muli ang locker ko at deretsong pumunta sa canteen, muli akong napatigil nang may narinig akong nag-uusap sa loob ng C.R ng babae, hindi ko mapigilan mag eavesdrop dahil narinig ko yung pangalan ni Krystal.

“Kawawa si Krystal noh? Narinig ko binubully siya ng fans club ni Kai”

 

“Mabuti nga sakanya yun eh, desperada na nga siya, malandi pa!”

 

“Hmmm .. sabagay tama ka, bakit niya kasi sinulat yun? Hindi man lang siya nag-iisip” sabay nagtawanan silang dalawa, teka – si Krystal? Nagpapabully? At lalong lalo na sa fans club ko? sh*t, ginulo ko ang buhok ko at dali daling hinanap si Krystal.

Ano ba napasok sa kokote ng babaeng yun at nagpapabully siya?!

 

::::

[Krystal’s POV]

 

“Tama lang yan sayo!” sabay bato ng isa ng isang eggshell sa pagmumukha ko, halos maligo na ako sa itlog na pinagbabato nila saakin, nasa likod ako ng school garden – namamahinga kasi ako dito at nagpapakaisa ng biglang hinawakan nila ako magkabilang kamay at kung ano ano pinagbabato, may mga sugat na nga ako sa mga tuhod, kamay at pisngi ko eh, i presume, sila yung mga fan girls ni Kai, tama lang naman to saakin, tama lang to sa ginawa kong pangpapahiya kay Kai.

“Ang kapal ng mukha mo pahiyain ang Kai namin!” nararamdaman ko naman na nahihilo na ako, unti unti na humihina ang katawan ko at ilang minuto ay mahihimatay na siguro ako, patuloy pa rin sila sa pagtatawanan at walang awa na pinagbabato ako ng mga eggshells, masakit tong nararamdaman ko ngayon pero mas masakit yun sinabi saakin ni Kai kahapon para na akong pinatay ng sampung beses sa sinabi niya, naramdaman ko naman na tumulo na ang luha ko nang may isa na sumabunot sa buhok ko.

“Oh? Iyak ka na? kawawa ka naman!” sabay nginudngod niya ako sa putik, may iba naman na pinagtatapakan na ako sa ulo, wala na akong lakas para pigilan sila sa pinagagawa nila pero bigla ata silang huminto, wala na akong alam, ang alam ko lang ay bigla na lang dumilim ang kapaligiran.

--

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, puro puti ang nakikita ko – nasa langit na ba ako? ay, parang hindi naman .. parang nasa clinic lang ako ng school namin, dahan dahan akong bumangon, ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko at sakit ng katawan ko, tinignan ko pa rin ang kapaligiran ko – i decided na i-stretch ang katawan at mga braso ko pero napatigil ako nang nakita ko si Kai na mahimbing na natutulog, ano ginagawa niya dito? Tanong ko sa sarili ko, napakagat ako sa mga kuko ko, naku! Sesermonan nanaman ba niya ako sa katangahan na sinangkutan ko?

Mas lalo akong kinabahan nang dahan dahan siyang gumalaw, kinukusot kusot niya ang mata niya, napatigil siya at napatingin saakin, kabang kaba ako dahil iba ang mata niya parang .. walang emosyon, patay ka na ngayon Krystal. Pagbabanta ko sa sarili ko, “K-kai ... “ mahina kong tawag sakanya at nagulat naman ako nang bigla niya ako yinakap na mahigpit na mahigpit.

“Ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo saakin kung saan ang masakit ha?” from no emotion hanggang sa pagkaalala, kitang kita ko na nag-aalala siya saakin pero .. ano bang nangyari saakin? “Nahimatay ka dahil sa pangtotorture ng fans ko” he said as if he was reading my mind, napatango na lamang ako at ilang saglit, naalala ko lahat ng ginawa nila saakin, napayukom ako .. i can’t believe na hinayaan ko na gawin nila saakin yun! pero ..

“Akala ko ba .. galit ka saakin?” bigla kong tanong kay Kai, humiwalay naman siya saakin at tumingin sa ibang direksyon at nagkakamot kamot sa ulo, mas lalo naman nagsalubong ang kilay ko at nagtaka sa gawi niya. “well ... i just decided na .. “

 

“Na?”

 

“Na ..... na .... na Kailangankonggagawanglunchko!” napakunot naman ang noo ko, ano daw sinabi niya? Ang bilis!

 

“ano sabi mo? Bagalan mo!”

 

“Wala, basta ..... bati na tayo, yun na yun!”  agad naman siyang tumalikod at lumabas sa clinic, agad rin naman ako bumangon at hinabol siya, “Huy Kai!”

“Ano?!”

 

“Sure ka na bati na tayo?” nakangiti kong tanong sakanya.

“Oo! Kaya samahan mo na ako ngayon kumain ng lunch!” i smiled once more.

Hayss Kai, kaya mahal na mahal kita eh.

 

– Chapter End – 

Courting KaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon