BETTER THAN REVENGE

95 1 2
                                    

Actually sweet naman itong revenge ko. Kikiligin ka pa kung tutuusin. Buong buhay ko mag isa lang ako. Walang nag mamahal, walang nag aaruga o kaya taga pag tanggol. Dahil dito natuto akong mabuhay. Lahat kaya kong gawin kahit mag isa lamang ako.

Nagpapakatatag...

Nagsusumikap...

Para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas.

Okay seryoso na. Syempre para makapaghiganti. Ako nga pala si Thea Queen Sy. Ganda ng pangalan ko ano? Tunog mayaman. Pero ang drama ng buhay ko walang nakuhang kahit konting ganda mula sa pngalan ko.

Ang pamilya ko naman sirang-sira na dahil sa tatay ko. Nambabae siya, nakabuntis. Kaya ayun dun sumama sa kirida niya at papanagutan daw. Hello? Paano naman kami ni nanay diba?

Yung nanay ko naman. Wala na din. Namatay sa tindi ng kalungkutan na nadama nung iwan kami ni Leon, ang tatay ko. Walang taong gulang ako ng mawala sa akin ang lahat. Sa murang edad ko kinailangan kong magpaka mature upang mabuhay sa mundong ibabaw. Tsss. Yung paglalaro? Ni hindi ko nga yun naranasan. Pera. Pera ang mahalaga para mabuhay ako. Muka akong pera kaya maagap akong nag trabaho.

Osya. Sasabihin ko muna plano ko. Syempre maghiganti. Alam na. Hindi man kay Leon pero doon sa naging anak nila nung kirida niya. Dahil kung hindi naman dahil sa anak hindi naman kami iiwan ni Leon, edi sana buhay pa ang nanay ngayon.

 A/N: Hindi ito base sa totoong buhay ha. Imbento ko lang to. Hahaha :)

Better Than RevengeWhere stories live. Discover now