"Wow 'kala mo naman 'yung mga istudyanteng 'yan hindi mga bastos," sabi ko ng pabulong.

"Sira ka ba? Bata lang 'yan, ikaw, teacher ka. Hindi mo iyan ka-edad," sabi niya. Wow, so ganun? Bakit bigla yata akong nasaktan doon.

"E ano bang pakielam mo?" tanong nito kay Sir Perez

"Wala naman. I just thought hindi okay ang pakikitungo mo sa isang baguhang estudyante," sagot ni Sir Perez.

"So?"

"Hindi ganiyan ang pagsaway sa isang batang makulit," sagot ni Sir Perez habang nakatingin sa akin.

"Huwag ka ngang umasta as if alam mo ang lahat," sabi ni Sir Medrana na halatang naaasar na.

"Seriously, aabutin tayo rito hanggang Bubble Gang ng GMA kung hindi kayo tititgil," sabi ko sa kanila. They both looked at me. Tss...totoo naman, e.

"Shut up, hindi kita kinakausap," sabi ni Sir Medrana.

"Hindi lang naman ikaw ang kausap ko, a. Besides, ano ka si DJP? Makapagsabi ng 'shut up'. Ano ba ngayon, Halalan 2016?"

"Hindi," sagot niya.

"O, hindi naman pala,e."

"What's your point?" tanong ni Sir Medrana sa akin.

"My point is tumigil na kayo riyan dahil wala naman kaming matututunan diyan."

"Eh sino bang puno't dulo ng lahat ng ito?" tanong nilang dalawa.

"Si..Si Sir Medrana!" sagot ko at itinuro si Evil Monster.

"Sure?" tanong ulit nilang dalawa.

"Umm...me?"

"Tumpak!" sagot ni Sir Medrana.

"At bakit naman ako?"

"Kasi ikaw 'yung pinag-aawayan namin," sagot ni Sir Perez.

"Ewan ko sa inyong dalawa," sabi ko at lumabas ng klase.

Grabe, first subject ko pa lang ito ngayon tapos badtrip na agad. This is Sir Medrana's fault that Crazy Evil Monster! I wanna kill him with my invisible machine gun! Bwiset. Pero buti na lang habang naglalakad ako e nakita ko si... Si Kuya!

"Kuya Tristan!" sigaw ko at tumakbo sa kaniya.

"Hey Little Sis!" Tristan Velasquez is my brother. Umalis siya sa bahay...or rather, pinalayas siya ni Daddy dahil ginusto ni kuyang mag-aral ng education.

"Kuya na-miss kita!" sabi ko ng yakapin ko siya.

"Weh? Baka natuwa ka pa nga kasi wala ng sasaway sa 'yo!" sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Hindi naman."

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Dito ako mag-a-apply. Mas malaki suweldo, e."

"Ah..."

"My boyfriend ka na 'no?"

"Ew.. Kuya, no way."

"So dito ka na pala nag-aaral," sabi niya sa akin at tumingin sa paligid.

"Yup. Got RFT dahil masyado raw akong cool."

"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi nagabayan ng maayos ang kapatid ko, o" sabi niya habang naka-crossed arms.

"Wala ka na kasi sa bahay. Kaya uwi ka na please," pagmamakaawa ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot.

"Dapat pala hindi na lang kita pinalabas ng klase," kumunot ang noo ko sa lalaking nagsalita.

"O, bakit ka nandito Mons-Sir Medrana?" sabi ko noong makaharap ako sa kaniya.

"Tapos na klase. Bumalik ka na."

"Ayaw."

"At bakit?" taas kilay niyang tanong.

"May kausap pa 'ko."

"Anong paki ko?"

"Oo nga, anong paki mo? Umalis ka na nga. Alam mo naman palang wala kang pakielam, e."

"Tsk. What I mean is wala akong paki kung may kausap ka pa, just go inside!"

"Kuya, do something. Kagalit ko ang teacher na 'to," bulong ko sa kaniya.

"Bakit mo ba siya pinipilit?" tanong ni Kuya Tristan.

"Bakit mo ba siya kinakausap?"

"Gusto ko lang."

"Edi gusto ko lang din."

"Sira ulo pala 'to, e," inis na sabi ni Kuya at handa ng sapakin si Evil M.

"Sino sa atin dalawa ang sira ulo? Hoy, huwag mo 'kong kantiin dahil hindi kita uurungan."

"Ako rin, hindi rin kita uurungan."

"Lakas ng loob mong kalabanin ang teacher mo," sabi ni Sir Medrana kaya naman napangiti kami ni Kuya.

"Graduate na 'ko, ulol," sabi ni pa ni Kuya saka niya sinuntok sa pisngi si Evil M.

"Ano? Anong narinig ko? Sabi mo malandi ka?" sabi ni Evil M. habang nakahawak sa sa pisngi niyang may dugo.

Umayos ng tayo si Kuya. "Malandi?"

"O, hindi ba naglalandian kayo ni Miss Velasquez?"

"Gusto mo bang sapakin kita ulit? Kuya niya ko, gago!"

Sinapak naman ni Evil M. si Kuya dahilan kung bakit napahiga si Kuya sa sahig.

"Sira ulo ka pala, e! Ano bang pangalan nitong ugok na 'to?" tanong ni Evil M. sa akin.

"Tristan."

"What?"

"Tristan nga."

"Ha?"

"Tadyak, gusto mo?"

"Tristan Velasquez?" at nanlaki lalo ang mga mata niyang malaki na maglalabas na ng lazer beam.

"Woah, JC Medrana?" sabi naman ni Kuya.

"Bro," sabi nila sa isa't isa at nagyakapan.

"Hey! Cutting?" sabi ng Principal.

Patay na!




When We FallWhere stories live. Discover now