"Gusto ko rin sila kaya lang hindi mo naman masisisi ang girl. Playboy kaya 'yung lalaki," sagot naman ni Tamara.

"Was a playboy. He's afraid of commitment but he's willing to commit. For her! Why did she dumped that guy for another guy. Plus, hindi pa niya matagal kilala 'yung new guy. He knew him for what... 2 or 3 months?!"

"Kung ako ang nasa sitwasyon niya, malamang 'yung bago rin ang piliin ko. Parang wala namang pangarap 'yung isang lalaki. Parang wala kang kinabuksan do'n."

"But he's always there for the girl. She changed the guy. He's a changed man. Well, she made him want to change kaya lang it's too late. And it's just so... sad."


Para lang akong ewan na nakatingin at nakikinig sa dalawa. Ang lalim naman pala ng mga iniisip nila. Naisip ko tuloy... hindi ba ako masyadong nakafocus sa romantic stuff ng movie kaya hindi ako kasing affected gaya nila?


"Don't you agree with me, Hailey?" tanong ni Piper.


I shrugged, "Kung willing siyang magkaroon ng pangarap para sa akin, why not?"

Bahagyang itinagilid ni Piper ang ulo niya na parang naguguluhan, "I don't know why but when you say it that way, it doesn't sound right."


"Mas magulo ka pa kaysa sa lalaki sa movie," sabi ni Tamara kay Piper dahilan para matawa kaming tatlo.


***

Nang makarating kami sa No Name, agad hinanap ni Piper si Tito Ry. Nang makita namin si Tito Ry ay inilingan siya nito. Isa lang ang ibig sabihin ng iling na 'yon. Hindi pa rin nagpaparamdam si Hunter.

Parang nanlumo si Piper pero hindi na katulad ng dati na nadedepress talaga siya. Siguro magbuhat nang malaman niya sa may ari ng nirerentahan ni Hunter at mga kapitbahay nito na nakita niya itong umalis dala ang mga gamit niya, nabawasan na ang pag-aalala ni Piper. At least we all know that he's safe. Ayon naman ang importante.


"Ayos ka lang?" tanong ni Tito Ry sa kaniya.

"I guess I'm getting used to this so no worries, tito."


Ginulo niya ang buhok ni Piper at tiningnan kami ni Tamara, "Wala kayong mga buntot ngayon, ha. Nagpaalam ba kayo sa mga boyfriend niyo na pupunta kayo dito? Baka maulit na naman ang nangyari dati except this time, nagkabaliktad na ang sitwasyon," biro niya sa amin.


"Hindi ko po boyfriend si Nate," depensa ni Tamara.

"Pa. Hindi pa," biro ulit niya. Kaya sobrang magkasundo sila ni Nate eh. Binibida niya pamangkin niya. "Sabihan niyo ang mga 'yon para sure."

"Text niyo na," tango sa amin ni Piper at naghanap na ng mauupuan.


Sumunod kami sa kaniya ni Tamara. Nang makaupo ay napansin kong nagtetext si Tamara. Malamang sinunod niya ang sinabi nila na itext si Nate. Kahit sabihin niyang hindi sila, MU naman sila kaya parang gano'n na rin 'yon.

Kinuha ko rin ang phone ko sa bag para itext si Warren. Hindi man niya mapansin 'to kasi focus na siya sa basketball na pinapanood niya, okay lang. At least na-text ko siya. Nag-away na kami dati noong hindi siya nagpaalam na pupunta siyang No Name. Ayoko ng maulit 'yon.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nagkwekwentuhan. Umiinom din kami pero dahil puro kami babae, kailangan ng konting alalay para hindi sumobra ang pag-inom.


"Hailey, lasing ka na?" tanong ni Piper.


Automatic na tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Anong klaseng tanong 'yon?


"Oo, lasing na ko." Pagsakay ko sa trip niya.

"Okay, good. Mabilis ka nang makakausap – "

"Piper," suway sa kaniya ni Tamara. "May lasing bang umaamin? Hindi siya lasing. Ikaw ata ang lasing."

"Nah, I'm fine," sagot niya at saka ako sinamaan ng tingin. "Looks like I can't wait for you to get drunk. Baka mas mauna pa akong malasing sa 'yo. So I'll ask na lang kahit na okay ka pa."

"Sure ka bang hindi ka pa lasing?" Natatawa kong tanong at uminom.

"Yup. So... are you and Warren breaking up?"


Muntik ko nang maibugo ang iniinom ko dahil sa tanong niya. Confirmed. May tama na nga siya.


"Of course not. Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"I don't know. You don't act like you're in a relationship kasi. Parang mag-on lang kayo kapag magkasama kayo pero kapag hindi na... parang hindi rin kayo. Do you get my point?"

"Siguro kasi hindi katulad dati, lagi kang nag-aalala at nakikialam sa kaniya. Ngayon kasi parang wala ka ng pakialam kung ano man ang gawin niya," dagdag naman ni Tamara.


Napasandal ako at hinawakan ang gilid ng noo ko. Umaakyat na ata sa utak ko ang alcohol na ininom ko.


"That's not true. Siguro on the outside hindi ko siya pinapakialaman pero deep inside nag-aalala ako sa kaniya. I will always care for him. Hindi ko lang maipakita kasi ayaw niya. Kaya sa halip na mangialam, hinahayaan ko na lang siya sa mga gusto niyang gawin."

"Bakit hindi na lang kayo mag-usap tungkol sa bagay na 'yan? Hindi ka nga nangingialam pero may mali pa rin sa relationship niyo."

"Tamara's right. You should talk about it. You shouldn't avoid tough conversations. It will only make things complicated."


Hindi naman ako takot makipag-usap sa kaniya. Hindi ko naman 'yon iniiwasan... dati. Narealize ko kasi kapag nag-uusap kami, he doesn't take me seriously.


"Ewan ko ba. Okay pa naman kami ngayon. Hindi naman kami nag-aaway. Ayos na 'to. Darating rin ang araw na magmamature kaming dalawa at maiisip namin na ang babaw ng nangyayari ngayon."


Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko sila Piper. Kaya lang sa ngayon kasi talaga mas ayos na 'yung ganito. Kapag nag-usap kami mauulit lang din naman lahat ang nangyayari. Sayang lang. Kusa rin naman magiging sobrang ayos ang lahat.

For now, okay na 'to kasi okay lang kami.


***

Relationship Code No. 13: Don't avoid the tough conversation.

The Relationship CodeWhere stories live. Discover now