Uuuugh! Pasukan nanaman! Hindi ako handa sa pasukan namin ngayon kasi ayoko ng school na papasukan ko. Choice naman to ng tatay ko eh. Bakit ba kailangan ko siya sundin? Dahil ba tatay ko siya? Honor thy father? Pwe! Siya na lang sana nagaral! Kung ako lang nagpapaaral sa sarili ko, edi sana sa school na pinapangarap ko ako papasok ngayon. Hay! Nakakawalang gana tuloy pumasok!
"Eli! Yung alarm clock mo nag wawala na, nakaratay ka parin diyan?!" pagsisigaw ni Kuya Rico habang hinahampas hampas pa ko ng unan.
Magkasama lang kami sa kwarto, divider lang nag sisilbing harang sa pagitan ng kama namin. Mahirap lang kami kaya di namin afford ang tigiisang kwarto. Hay nako! Pag talaga naging architect na ko, gagawa na ko ng compound. Tig iisang bahay na kami. Hindi lang kwarto! Bahay talaga!
Pumasok na ko sa walang kwentang school na to. Joke! Baka mamaya lunukin ko mga sinasabi ko hahaha! Pero kasi naman! Ayoko naman kasi sa school na to! Puro pera lang naman dito eh! Balita ko hindi mo makikita grades mo kapag di ka fully paid ng tuition fee. At yung kapag every wednesday, washday, eh jusko! Washday nga pero sapilitan naman na magsuot ng damit na may pangalan ng school. Pwe! Lahat na lang kailangan pagkakitaan! Jusko!
Natapos ang araw na wala akong ginawa sa klase kundi mag phone, mag doodle, o mag soundtrip nang patago. Jusko! Eh paano? Orientation lang naman ginawa. Sana hindi nalang ako pumasok!
Pag uwi ko nadatnan ko si kuya na kausap yung tatay kong magaling sa phone niya. Naka video call pa. Patayin ko kaya yung router ng wifi? Kakaburaot! Di na lang muna ako pumasok sa bahay at baka mahagip pa ko ng video at baka kausapin pa ko ng lalaking yon!
Pumunta na lang muna ako kila kuya Cedie. Si kuya Cedie yung bestfriend ko simula nung nagkaisip na ko. Siya yung knight in shining armor ko eh. Nakanangtuts. Maalaga kasi si kuya Cedie. Pangarap niya kasi magkaroon ng kapatid na babae kaya ako na lang ginawa niyang kapatid. Kaya simula nun, nagturingan na kaming magkapatid. Mas gusto ko pa ngang kapatid si kuya Cedie kesa kay kuya Rico. Nakakainis kasi si kuya Rico! Napakabully. Kaya walang jowa e.
"Kuya Cedieeee!!!" sigaw ko sabay katok sa gate nilang stainless. Lumabas naman si kuya Cedie na naka boxers lang at naka sando. Jusko! Wala ba tong pasok? "oh? Bakit? Nalockan ka nanaman ba?" tanong niya sabay ng pagbukas ng gate nila. "hindi, ayoko muna umuwi. Si kuya Rico lang nandun. Baka mambuwisit lang yun" sabi ko at saka pumasok na sa bahay nila nang tuluyan. "hahahaha! Eh kamusta naman ang first day of school mo?" hinubad ko muna medyas ko at saka komportableng umupo sa sofa nila. "boring. Hay nako kuya sana talaga umabsent na lang ako!" sabi ko at saka sinet up naman ni kuya Cedie yung ps3. "bakit? Orientation?" at saka binigay na niya sakin yung isang controller. "oo. Kayo ba kuya? Kelan pasukan niyo? Bakit parang ang chill mo ngayon? Mukhang di ka pa nga naliligo eh hahahaha!" pang aasar ko sakanya sabay pahid ng hintuturo sa kili kili niya at saka inamoy. "YAAAAAAK! malapot lapot na suka" at saka naman tinawanan ako at saka tinaas pa yung kili kili niya at saka mas pinaamoy pa sakin yung kili kili niyang kulang na lang ay fried isaw at kwek kwek para solve na ang merienda! "maliligo na kasi dapat ako kanina, kaso tinamad ako. Hahaha. Tsaka next week pa pasukan namin" sabay dila sakin na para bang nang aasar pa siya. "tse. Onga pala no. 2 years na lang, graduation mo na" mag sisimula na kaming mag laban ng tekken. Ofcourse ako si Nina at siya naman si Jin. BOOO!!! wala yan!!! "oo naman. Hopefully maka graduate in 2 years talaga" sabi niya at nag simula na nga kaming mag laban sa tekken. "wag ka kasi mag bulakbol!" panenermon ko sakanya. Haha ganto pastime namin ni kuya Cedie, tekken habang nag kukuwentuhan o diba, masaya kami habang nagkukwentuhan. Hindi masyadong girly. Kung sabagay ayoko din ng girly. Kadiri kaya! "wow ha? Nahiya naman ako sa katamaran mo pumasok" sabi naman niya. Hahaha natatawa tuloy ako feeling ko matatalo ako sa laban namin eh. "wag ka kasi mag gigirlfriend! Baka mapariwara ka!" yuuuh dadaan sa karayom ang babaeng jojowain nito ni kuya. Pasapak muna ng kamao ko bago pasapak ng labi ni kuya Cedie hahaha! "sige, hindi ako mag gigirlfriend kaya ikaw din wag kang maggigirlfriend. Este boyfriend" natawa ako ng malakas at saka nasapok sa ulo si kuya. Kasi naman, hanggang ngayon inaasar parin niya ko na tomboy ako. Hindi nga ko tomboy anak ng tokwa! Hindi ba pwedeng maging boyish nang hindi nagiging tomboy? Jusko! Hahahaha!
Gabi na pala. Napasarap laro namin ni kuya Cedie ng tekken. "kuya uwi na ko, baka dumating na si Mama eh. Tsaka baka dinaanan na ng delubyo yung bahay dahil kay kuya" sabi ko at saka nag suot na ng medyas ko at saka lumabas sa may balkonahe nila. Nakita ko naman na sinundan ako ni kuya Cedie. "osige, baka hinahanap ka na rin nun. Nag aalala din naman sayo si Rico eh.." sabi ni kuya Cedie. Oh i forgot friends din pala sila. Magkateam kasi sila sa basketball. "sus! Nagaalala? Kalokohan" sabi ko at saka nag suot na ng sapatos ko. At saka dumeretso nang lumabas ng bahay ng nila. "nagaalala na yon sayo ngayon panigurado. Trust me" sabi niya at saka ngumiti naman si kuya sakin. "ewan. Alis na ko kuya. Subukan ko ulit bumalik bukas. Tatalunin na kita sa tekken." sabi ko at saka nakita ko na lang na natawa si kuya sakin. Paano? Hindi parin ako manalo nalo sa laban namin. Hmp! Makapagsearch nga ng technique kay Nina.
Pagkarating ko ng bahay, nadatnan ko na nagluluto na si kuya ng dinner. "himala, nagluluto ka?" sabi ko at saka tinali ang buhok ko at saka tumulong na sa pag luluto. "oy kung alam mo lang, ako nag luluto lahat ng kinakain mo tuwing gabi no" sabi nanaman ng kuya kong magaling. "edi wow" sabi ko at saka hinawi siya gamit ang pwet ko. "hahaha sorry" sabi ko kasi muntik na siyang ma out of balance. Psh. Payat payat kasi.
Inantay muna namin si mama na dumating bago kami kumain ng dinner. Gabi na nga lang kami magkita kitang tatlo, tutulugan pa ba namin si mama? Tsaka si mama lang nakakaintindi sakin kaya sakanya lang ako nag kukwento ng nangyayari sakin araw araw. Parang kumbaga eh siya ang living diary ko aside kay kuya Cedie hehehe.
Nag facebook na lang ako at nag tingin tingin ng mga posts ng mga friends ko. Meh! Mga pictures na nasa milk tea shop. Coffee shop. Restau. Blargh! Mga social climber. If i know, 80% of them nag papanggap na mapera pero ang totoo wala pa sa kalahati ng baon na pera ng mayaman nilang kaibigan yung baon nilang pera. Pwe!
"hoy! Nakakunot noo mo diyan?" tanong ng bruho kong kuya. "bakit ba? Inborn yan!" sabi ko at di na siya pinansin ulit. "pff. Palibhasa pinaglihi ka ni mama sa sama ng loob" sabi ng mokong at saka tumawa ng tumawa habang nag lalaro sa psp niya. "che! Sumama loob ni mama kasi pinanganak ka niya" sabi ko naman tsaka hinagisan niya ko ng unan. "hoy masyado ka ah. Pfff!" hahaha truth hurts baby. "bleeeeh. sakit no?" sabi ko pa at di na niya ko pinansin pa ulit.
'Bro Cedie calling...' tumatawag? May problema ba to? Di naman to usually tumatawag sakin ah? "uhm hello?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. "hello? Eli. Buti naman sinagot mo." sabi niya na parang nag papanic pa. "bakit? Anu ba yun?" sabi ko na hindi ko alam gagawin ko. Mag papanic din ba ko? Mag woworry ba ko? Anong dapat kong maramdaman? "wala. Tatanong ko lang kung anong ingredients ng tinola. Hehehe" ANAK NG TOKWA AKALA KO NABAGOK NA TONG LALAKING TO. JUSKO! NAPAFACEPALM TALAGA AKO NANG WALA SA ORAS! "jusko kuya!!! Okay eto, mag hiwa ka ng luya tapos pitpitin mo tapos igisa mo tapos pag mejo tingin mo luto na yung luya kapag mejo brown na yung kulay, ilagay mo na yung chicken tapos try mo itusok yung tinidor sa chicken, kapag matigas na, yung sa tingin mo luto na, lagyan mo na ng tubig.. uhm mga 2 cups tapos lagyan mo na ng chicken knor cubes tapos simmer lang tapos habang pinapakuluan mo, mag hiwa ka na ng sayote or papaya na hilaw pa. Tapos lagay mo na tadaaaa" jusko! Mas matanda sakin ng dalawang taon si kuya Cedie pero mas marunong ako mag luto kaysa sakanya. "okay got it. Thank you Eli.." sabi niya at saka naman pinatay ko na yung tawag.
"si Cedie?" tanong ni kuya Rico. "yeah, nag tatanong ng ingredients ng tinola" sabi ko at saka nag fb ulit. "ingredients lang pala tinanong eh bat recipe na yung sinabi mo?" napasama na lang tingin ko sa kuya kong magaling. "BAKIT BA?!" sigaw ko sakanya. Kanina pa kasi ako nabubwisit dito sa lalaking to eh. "psh! May gusto ka lang kay Cedie eh" sabi niya sabay tumawa tawa pa na patago. "ulol! Inggit ka lang sakanya kasi mas nilalaan ko atensyon ko sakanya bilang kuya kesa sayo. Bleeeeh" hahaha personalan kung personalan. "pfff. Hindi no. Pake ko sayo?!" sabi niya at saka ginaya ko na lang yung reaction niya sa sinabi ko.
Dumating na si mama at saka naman kumain na kami. Siyempre nag panggap nanaman tong kapatid ko na kala mo anghel. Pwe! Di bagay. Siya pa kuno nag hain ng pagkain. Siya pa nag hugas ng pinagkainan namin. Huwaw. Pfff!
2 months later, midterms na namin. Jusko! Wala na yata akong panahon sa social life ko. jusko! nag sasabay sabay pa tong mga plates ko. Uuugh. Okay lang yan Celina kaya mo yan!!! "oh? Kailangan mo ng tulong?" tanong ng damuho kong kapatid na nagttrespassing sa teritoryo ko. "di na. Psh baka babuyin mo pa plate ko" sabi ko at saka tinuloy ko yung pag gawa ko ng plate ko. Jusko! mahina pa naman ako sa rendering. Watercolor pa! "bahala ka. Kung ako sayo nag papatulong ka na sakin. Diba may midterms ka pa?" tinignan ko siya na para bang nag hihinala sa kinikilos niya. "oh ano?" sabi nanaman niya. "asan na yung demonyo kong kapatid?!" sabi ko sabay tutok ng pencil ko sa ilong niyang malaki. "pfff. Sabihin mo na lang kung ayaw mo o gusto mo. Baka mag bago pa isip ko." sabi naman niya. Nangiti naman ako kasi bumalik na yung demonyo kong kapatid. hahahaha. Binigay ko na sakanya yung dalawa kong plate tapos ko naman na yung 2 eh. Siya na pinatapos ko nung dalawa. Tutal MAS naman course niya, ipinagkakatiwala ko na sakanya yung plate ko. Jusko 2 pa rereviewhin ko para sa midterms bukas. Gaaaah di ko na kakayanin to!
Kinabukasan, natapos naman ni kuya yung plates ko. At ako, nakapag review naman ako kahit papano. Jusko gabayan niyo po ako Lord. Napasa ko na yung mga plates ko and as usual walang reaction yung prof ko sa plates ko. Psh! Kebs. Basta kumpleto at malinis, okay na yan. Lunchbreak dumeretso ako ng canteen para kumain and at the same time mag review na rin para makapag save ako ng time. "Eli? Hooooy bakla ka ngayon lang kita nakita" sabi ng highschool friend ko at saka ginulo na niya ko sa pag rereview ko. "sorry busy kasi ako eh. Wala na nga akong social life eh" sabi ko sabay nang pag babasa ko ng reviewer ko. "hays. Osige, mukhang busy ka naman baks, next time na lang tayo mag chika chika. Ciao!" sabi ni Therese at saka naman umalis na siya at nakahinga naman ako ng maluwag at saka nag review na ulit.
History of Architecture midterm exam. Waaaah pwede na ba sumigaw? Pwede na ba mag wala?! Hooo keri mo to Felicia Celina Mendez. Kaya mo to! Kung nakaahon ka sa prelims,kakayanin mo din to!
After the exam, ayon, nakahinga ako ng maluwag,so far so good, okay naman. Hindi naman ako nahirapan sa dalawa kong exam. Confident ako sa lahat ng sagot ko. Huhuhu sana lang pasado!
Pag uwi ko dumeretso ako agad kay kuya Cedie. Nag dala na lang ako ng kwek kwek at fishball para merienda namin. Di na ko nag dala ng suka. Sapat na yung kili kili niya. hahahahahahaha ang funny ko. Okay. "ang aga mo naman umuwi. Hinulaan mo lang siguro exam mo no?" pang iinis niya sakin habang nag tatanggal ako ng sapatos ko sa balkonahe nila. "hindi ah. Kapag pasado ako sa exam, ililibre mo ko ng pizza" sabi ko at saka pumasok na sa bahay nila. "eh kung hindi?" panghahamon niya. "edi.... Treat kita ng hotstar" sabi ko at saka naman nag deal na kami. Jusko sana makapasa ako Lord. Huhuhu. Ayokong gumastos kahit na mas mura yung ittreat ko sakanya kesa sa pizza. Hahaha dakilang kuripot ako.
Nilagay na sa mangkok ni kuya yung binili kong merienda. At saka nag laro naman kami ulit ngayon ng ps3. This time, NFS na nilalaro namin. Kaumay na kasi tekken eh.
*beep*
"uy may nag text sayo, basahin mo na" sabi ni kuya. "ayoko nga. Uutakan mo pa ko ah. Mamaya na yan. Makakapag antay ang text" sabi ko sabay tinuloy ang laban sa ps3.
*beep*
jusko sino ba to? Masyado naman yata akong mahal ng nag tetext na to? "osige na garahe muna tayo. Sagutin mo na yang nag tetext sayo. Baka mamaya emergency yan eh" sabi niya at saka gumarahe na kami. Baka mamaya si mama na yung nag tetext sakin. Pero impossible, ang aga pa para hanapin niya ko at tsaka busy si mama kaya napaka impossibleng mag text pa sakin yun.
Binasa ko na lang yung text messages sakin at nakita ko naman na galing sa unknown number. 'hi Felicia :)' sino ba to? 'i hope you don't mind kung tinetext kita. I just wanted to talk to you since the first day of school, pero I'm too shy to do it. At dahil may mutual friends tayo, nagkaroon ako ng pagkakataon mahingi yung number mo sakanya. I'm sorry' aba nahiya pa siya sa lagay na yan ah. Psh. Nireplyan ko na lang. 'sorry din, i don't talk to strangers' sabi ko at saka tinuloy na ang paglalaro. "oh sino yun? Parang wala ka man lang ka reareaction sa nag text sayo ah" sabi ni kuya Cedie habang nakain pa ng kwek kwek. "ah, wala. Di ko nga kilala eh" sabi ko at saka pumili na ko ng starting point. "di mo pala kilala eh, eh bakit mo nireplyan?" tamo to. May pagka textmoso. "yun nga, sinabi ko di ako nakikipag usap sa mga estranghero" nag laro na lang ako as one player. Tagal naman kasi dumada ng kasama ko. "good. Mabuti nang alam niyang di ka masungit. At least nireplyan mo pa. Hahahahaha" siraulo.
*beep*
bigla namang kinuha ni kuya Cedie yung phone ko at saka binasa yung text message sakin ng kung sino man yun. "uhmm okay. Sorry Felicia, I guess this is not yet the right time. I'm sorry" pagbabasa ni kuya Cedie sa text nung estranghero. Nag tinginan lang kami ni kuya Cedie at saka nag laro na ulit ako. "replyan ko ha" sabi niya at saka nag text na siya. "hi, this is Felicia's friend, who are you? Why are you texting her?" tinignan ko lang siya ulit at saka nag kibit balikat. "sent" sabi nanaman niya at saka nag antay na siya ng reply nung nag tetext sakin. Anong malay ko ba baka mamaya nang ttrip lang yun. Psh!
*beep*
"Michael. Gusto ko lang makipag kaibigan sana sakanya. Pero hindi pa siguro ito yung tamang oras para makipagkaibigan sakanya" pagbabasa niya ulit. "alam mo Eli, kaya ka hindi nagkakaboyfriend kasi ang sungit sungit mo sa mga lalaki eh" panenermon nanaman sakin. "akala ko ba hindi muna ako dapat mag boyfriend?" sabi ko habang tutok na tutok sa screen. "yeah.. Pero try to entertain some guys naman. try mo once na hindi maging masungit. Kahit isang araw lang. I dare you" sabi niya at saka naman pinarada ko yung kotse sa tabi ng daan para hindi mabangga. Di kase pwede ipause yung game e. "what if i can't. Mahirap magpanggap okay?" 3 seconds silence. Bigla namang tinawagan niya yung Michael na yung gamit yung phone ko. Hay nako next time di na ko mag uunli ng may unlitawag. "hello, yes. I'm Ceddrick by the way, yeah. She's here. Ako na nag sosorry for her attitude. Yes you can talk to her. Here." sabi ng mokong at saka binigay sakin yung phone ko. "kausapin mo" sabi ni kuya at saka sumubo nanaman ng kwek kwek. "hello Felicia?" sabi nung Michael sa kabilang linya. "oh?" sabi ko naman. At saka nakita ko si kuya Cedie na pinandilatan ako ng mata. "uhm ah hello?" sabi ko na kunyare pasweet na boses. Sa ikatatahimik lang ng kaluluwa ni kuya Cedie. ay nako! "hi uhm. Sorry nakakaistorbo yata ako" sabi ni Michael. "oo nga! Alam mo bang mag fi fifthy thousand na yung points ko sa NFS tapos nang iistorbo ka pa!!" sigaw ko sakanya. "FELICIA!!!" sigaw naman sakin ni kuya Cedie. "akin na nga!" sabay kinuha naman ni kuya Cedie yung phone ko. "tol, pasensya ka na ah. Malaki kasi talaga galit sa mundo nitong si Eli eh. Pag pasensyahan mo na" sabi niya at saka minock ko na lang siya. Psh! Istorbo naman kasi!
"hay nako Eli! tatanda kang dalaga talaga!" sabi niya at saka kumain nanaman ng merienda. "che! penge nga ko. Nakakarami ka na ah!" sabi ko at saka sinubuan naman niya ko ng kwek kwek. Yam yam!
"alam mo kasi kuya, matutuwa ako sa mga lalaking iniintindi ako. Sa mga lalaking kagaya mo. Yung kahit anong sungit ko, iniintindi ako. Tsaka gusto ko kasi sa lalaki yung nakakasabayan ko sa kalokohan. Eh jusko. mga lalaki ngayon, ang gusto sa babae malaki pwet malaki boobs mga tipuhang it girl. Ganon" sabi ko habang nag memerienda. tinigil na muna namin pag pps3. Masasabunutan na ata ako ni kuya Cedie dahil sa kabaliwan ko. "i knooow pero try mo lang muna kilalanin si Michael. anong malay mo kung isa pala siya sa mga ideal man mo? Pano kung nag iisa lang pala siya? Oh? Ano? Old maid Felicia ka na niyan" aba tinakot pa ko neto. "oo na oo na. Tsaka hindi kami mag kakadevelopan niyang Michael na yan. Tamo nga sabi niya friends lang daw. Not more than friends. Tsss" sabi ko at saka uminom ng softdrinks. "ewan ko sayo. Pero sa tingin ko may gusto sayo tong Michael na to. Ewan ko navvibes ko lang" sabi nanaman niya. "che!"
mejo maaga akong umuwi. Mga 6pm. Inaantok kasi ako eh. Nakakahiya naman kung kela kuya Cedie pa ko makitulog. Wala pa si kuya Rico sa bahay. Hayahay nanaman! Tinext ko na lang muna siya bago ako matulog. 'kuya, ikaw na muna mag luto ng ulam. Inaantok ako, naubos energy ko sa midterms kanina. Ingat ka pauwi labyu!' tsaka ko naman sinend na. Di ko na inantay mag reply yung mokong dahil deadbat na deadbat na talaga ako!
"hoy Eli! Tulungan mo ko mag luto. Tulog mantika ka pa diyan." sigaw ng damuho kong kuya na hinihila hila pa yung paa ko. "mmm. ano ba. Nag text ako sayo! Sabi ko ikaw muna mag luto eh. Inaantok pa ko" sabi ko at saka nag talukbong ng unan. "anong text?! Wala akong nareceive na text mo" sabi nanaman niya. "eh problema mo na yun. Bulok kasi cellphone mo!" sabi ko tsaka naman natulog ulit waaaah ang gulo gulo naman eh! Sana kela kuya Cedie na lang ako nakitulog. hays!
8:30pm na ko nagising. Jusko ang sarap matulog. Pero kailangan ko bumangon dahil padating na si mama. Tsaka gutom na rin ako. "hoy anong niluto mo?" tanong ko pagkababa ko ng hagdan. "adobong tilapia" simpleng sagot ng kuya ko. "okay. Sungit naman" at saka naupo ako sa sofa. Tinignan ko phone ko at nakita kong may isa nanaman akong text message. 'na wrong send ka yata? Ang sweet mo pala sa kuya mo :)' hala! Sa estranghero ko pala nasend yung text ko para kay kuya. Kaya pala walang nareceive si kuya na text ko eh. 'ay sorry, sayo ko pala nasend, antok na antok kasi ako kanina eh' text ko. Well, wala ako sa mood magpaka sungit. Inaantok ako para mag sungit. 'okay lang. Wag ka kasi magpapagod. Sobrang stressed ka ata sa school eh' reply niya. Wow. Asan na yung mahiyaing Michael? 'oo nga eh. Di na nga ko nakatulog kagabi para sa plates tsaka nag review pa ko. Hays! ;(' ang sarap pala maging mabait. Feeling ko madadagdagan nanaman mga tropa kong lalaki. hahaha! 'nako. Kaya pala nasungitan mo ko kanina. Now i understand. Sorry sa pang gugulo ko kanina ah.' reply niya. ang bilis naman magreply nito. 'nah, i should be the one telling you that' o...kay.. What the fck nag sosorry ba talaga ako sa tao? Wait tao ba talaga to si Michael? Baka mamaya robot to. ':) so you're playing NFS?' text niya. Jusko may gusto ata to sakin. Makahalungkat lang ng mapagusapan eh. Hhahaha 'yeah. Ikaw din?' simpleng reply ko. 'well yes dati. Pero ngayon hindi na. Mejo focused muna ako sa acads' sabi niya at saka parang nahiya naman ako. Mukhang nang iisnob ako ng taong mataas ang pangarap sa buhay ah. 'ah nag aaral ka pala? Sa SWU ka rin ba nag aaral?' tanong ko. Mejo naccurious ako kung san niya nakuha number ko eh. Tsaka sabi din niya kanina gusto niya ko makausap nung first day of school pa. 'yeah. 3rd year college na ko. BOM course ko.' Sabi niya. ooh. Katapat lang nila building namin. 'odi kuya pala kita. Hala. sorry po ah.' now totoo nang nahihiya na ko sakanya. hahaha jusko ka Felicia! 'no, don't call me kuya. And you don't have to say sorry :)' sabi niya. Jusko ano ba to. Hahaha nababakla ka na yata Eli! 'ay eh. Ayaw mo nun? Isa ka na sa mga tropa kong kuya. Hehehe. :)' hala ano yang hehehe na yan? anong kabaklaan yan Eli?! Ano yannnn?! 'hahaha now i find you really cute. Parang kanina lang beastmode ka sakin, tapos ngayon mabait ka na' loko to ah. Gusto ata ibalik yung kademonyohan ko hahaha. 'sinong mabait?! Ako mabait?! Jan ka nagkakamali uy!' reply ko sakanya. Pabebe ka muna onti Eli! 'now you're bipolar. hahaha :)' sabi nanaman niya. Jusko ayoko na nga replyan baka masapok ko to ng long distance.
Dumating na si mama. Kumain na kami at ako na nag hugas ng pinagkainan namin. Kahit na inaantok na ko. Okay lang yan. Marami pa kong oras matulog bukas. Saturday naman bukas eh. Wala naman akong pasok. Woooh!
*beep*
'goodnight Felicia. :)' jusko may gusto ata talaga to sakin. Assumera na kung assumera pero what the heck. 'just call me Eli. Okay?' reply ko naman sakanya. Masungit na kung masungit. Psh. Kinikilabutan lang ako sa kinikilos niya.
*beep*
'okay. No problemo. Akala ko tulog ka na. Di ka na kasi nag reply kanina eh' hays. 'well, matutulog na sana ulit ako, pero nag text ka ulit eh' reply ko sakanya.
*beep*
'ay ganon? Sorry. Goodnight :)' jusko kelan ba niya ko tatantanan sa kaka smiley niya? 'okay goodnight din :*' AY PUCHA NANG INA NG AMA MO! JUSKO KAYA AYOKONG NAG I-SMILEY EH! LECHE! UUUUGH! 'hep! napindot ko lang yon. Katabi kasi ng smiley yung kiss emoticon. Wag ka mag assume!' pinangunahan ko na siya baka mamaya mag assume pa na may gusto ako sakanya.
*beep*
'hahahahahaha. okay okay. Sleep well :)'
di ko na nireplyan. Psh di ako makakatulog nito kakatext netong mokong na to eh.
Monday morning nasa school ako. Uuugh ang aga aga naman kasi nito. Tapos p.e pa ay naku walang kakwenta kwenta!
*beep*
'goodmorning Eli :)' jusmiyo. Simula nung nalaman nitong Michael na to number ko, umingay na cellphone ko. Sa pag kakaalam ko pang internet ko lang phone ko at pang music eh. Hindi na nga ako nag lload eh. Nag lload na lang ako pag may emergency. Yun lang. Eh ngayon wala akong load kaya bahala siya diyan na mag text nang mag text sakin. Hahaha!
Nasa canteen ako, tinabihan naman ako ni Therese, "teh, may nagpapabigay oh. Haba naman ng hair mo kahit na short hair ka." sabi niya at saka inabot sakin ang paperbag na balot na balot ng tape yung bukasan. Binuksan ko naman at nakita ko yung laman na puro bala ng ps3. May note pa na nakalagay. 'just in case na mabored ka sa NFS' ay nako. alam ko na kung sino nag bigay nito. "si kuya Michael nag bigay nito no?" sabi ko kay Therese. "well. Uhm yeah.." sabi niya at saka parang kinikilig kilig pa. "bat ba kinikilig ka. Parang ewan to. Mga bala ng ps3 to. walang dapat ikakilig!" sabi ko sakanya at sabay ng pag pukpok sa noo niya ng case ng bala. "ay ano ba yan. Kala ko pa naman chocolates. psh!" sabi ni Therese at para bang na dismaya pa siya sa nakita niya. "teka nga asan ba yun si Kuya Michael? Bakit hindi siya ang lumapit? Tsaka ikaw ba yung mutual friend namin na sinasabi niya?" tanong ko sakanya at saka sinamaan siya ng tingin. "well uhm oo. Hehehe sorry na baks. Matagal ka na kasi minamasid masid nung tao. Kaya binigay ko na sakanya number mo" teka naguguluhan ako. "teka ang sabi niya hiningi niya number ko sayo. Tapos ngayon naman binigay mo sakanya nang kusa. ano ba talaga?" napangiwi naman tong si Therese at saka sinabing.. "ay nako ang bait talaga ni kuya Michael, ayaw niya kasi na magalit ka sakin kapag nalaman mong binigay ko sakanya number mo. Kaya siguro sinabi niya na lang na hiningi niya number mo sakin" sabay ng pag kibit balikat niya. Juskooo ano ba to. "uhm okay. So asan ba siya?" tanong ko sakanya at saka hinanap hanap si kuya Michael. Well 4 days na kaming sa phone lang nagkakausap. Pero no appearance paren ang koya niyo. "ayaw niya magpakita baks. Nahihiya daw siya baka daw kasi ma turn off ka sakanya" sabay ng pag irap pa niya. "psh! Katurn off turn off ba?" tanong ko sakanya at saka uminom ng iced tea. "HINDE! jusko ang gwapo gwapo nga eh! ang tangkad pa. Di ko kinakaya teh!" di ko alam kung oa mag describe si Therese o totoo sinasabi niya eh. Meh kahit naman anong itsura ni kuya Michael i would still talk to him. Jusko! What's the point of having a good looks kung hindi ka naman understanding at mabait. Diba?! "teka. Bakit ba ko minamasid masid nung lalaking yun? Sa pag kakaalala ko wala akong pinagkakautangan ng pera o ng utang na loob. AlAm ko mahirap kami pero jusko wala akong panahon at kapal ng mukha para mangutang." Sabi ko sakanya at saka kumain na dahil gutom na gutom.na talaga ako. "hay nako. Mahirap talaga makipag usap sa mga taong slow" sabi nanaman ng babaeng to. "anong slow? Ako slow?! Lulu mo!" sabi ko habang punong puno parin ng pagkain yung bibig ko. "wala ako sa lugar para magsabi. Mag antay ka na lang. Osige na teh. Ako'y aalis na at may group work pa kami na kailangan tapusin jusko stress! Ciao!" sabi niya at saka umalis na. "babush!"
*beep*
hays eto nanaman nag tetext nanaman siya. Makapag paload nga. 'received the cds?' nag unli muna ako bago ko siya nireplyan. 'yeah, don't worry isosoli ko din tong mga to sayo kapag nag sawa na ko sa mga to. Hahaha thank you' sabi ko at saka nag punta na ko sa next class ko. 'you're always welcome :)' reply niya pa.
Pagkaupo ko sa upuan sa classroom, sinilent ko na agad phone ko at baka mamaya mag text nanaman si kuya Michael, galit pa mandin sa mga cellphone si sir Catigbac. Nako!
Wala pa naman si sir kaya nag soundtrip na lang muna ako. 'new text message' nakita ko sa notification ng phone ko. 'pauwi na ko. Ingat ka sa pag uwi mo ha? :)' hala sweet nemen. Hahaha! 'opo, thank you, ingat ka rin po sa pag uwi' reply ko naman. WAIT?! HALA! BAKIT AKO BUMABAIT?! DI PWEDE!
Pag kauwing pag kauwi ko, chinarge ko agad cellphone ko dahil nalowbat kanina. Jusko di ko pa nadala yung powerbank ko. Kamalas malasan. "oi. May laban kami mamayang gabi sa court, manunuod ka?" biglang pagsulpot naman ng kapatid ko sa likod ko. "KAKATAKOT KA NAMAN! osige sige. Anong oras ba?" tanong ko sakanya habang inaantay na mag on yung phone ko. "7-8 nag luto na ko para pag uwi natin di na tayo mag luluto" wooow. thoughtful ang kuya ko. Ayaw na ayaw na napapagod ako. Hahaha! Joke. siya naman talaga taga luto eh. Pfff
nag bihis na ko at saka nag hilamos kanina pa nanlalagkit mukha ko. Naka jersey shorts lang ako na pang basketball at saka loose na tshirt. 6:45 umalis na kami ni kuya sa bahay para maaga aga kami makarating sa court. Jusko! Ilang hakbang lang naman nasa court na kami. Kala naman pagkalayo layo! Dala dala ko na rin phone ko tsaka yung powerbank ko just in case na malowbat nanaman ako.
Pagkarating namin, umupo agad ako sa likod ng mga upuan ng mga players. Ofcourse team Hawks ako! woooh! "uy Eli! Andito ka pala. Supportive ka sa kapatid mo ah?" sabi ni Ela. Kapit bahay namin sila pero hindi ko alam kung sino sino silang mga magkakasama sa bahay nila. Wala naman kasi akong pake sa mga kapitbahay namin. "ah oo. Dalawang kapatid ko sinusuportahan ko" sabi ko naman at saka pinanuod ko na sila na nag wawarm up. "huh? Diba isa lang kapatid mo? Bakit dalawa?" nginitian ko si Ela at saka naman sinabing "dalawa kapatid ko isang biological at isang by law. Chos!" at saka naman natawa ako. Pero mukhang na weirduhan sakin si Ela. "ano baaa. Si kuya Rico at si kuya Cedie. Kinakapatid ko kasi si kuya Cedie" at saka naman nakita ko na napa 'oooh' na lang si Ela at saka napatango tango pa.
Halftime 43-57 na jusko! Matatambak ata sila kuya ah. Nakuuu! di pwede to! Kung ps3 lang to, malamang tinambak ko na yung kalaban! pfff.
*beep*
'hi. Mustasa?' jusko buti sana kung nakakatulong tong lalaking to eh. 'ssshhh wait nanunuod ako ng game nila kuya. Mejo batak kalaban eh. Huhuhu natatambak na sila kuya' reply ko sakanya. At sakto naman na nag simula na yung game ulit.
*beep*
'what game?' tanong niya pa ulit. 'basketball, may liga kasi dito sa barangay eh' sabi ko at saka ibinulsa na ulit yung phone ko.
*beep*
WAAAAAH! WAG KA MUNA MAG TEXT MICHAEL AT NAPAKA INTENSE NG LABAN NA TO. JUSKO!
Tapos na third quarter. Lumamang sila kuya ng 2 points sa kalaban. Jusko! Mahihimatay yata ako sa laban na to. Nakakaloka naman kasi ang laki ng katawan ng mga kalaban nila. Hanep sa bakuran! Dinaig pa garden ni Lola Maura na puro bakod!
Pag tingin ko sa phone ko 3 na yung text sakin. Wow obsessed na obsessed sakin si kuya Michael ah. Hahaha! 'mananalo yan. Trust me' nireplyan ko agad. 'why would i trust you? Ni hindi pa nga kita kilala eh. Tsaka di pa kita nakikita. Lols' hahahaha mejo out of topic yung reply ko. Hahaha! Yung dalawang text sakin galing pala kay mama. 'nak, late ako uuwi ngayon ha? May client pa kasi ako. Mauna na lang kayo kumain' 'wag niyo na ako antayin kasi mahirap makasakay ng bus ngayon, monday pa naman' nireplyan ko agad si mama 'okay ma. :) andito lang po kami sa court, may liga po sila kuya, sana manalo hehe. Ingat ka po sa pag uwi ma :*' yes. Sweet talaga ako. Hahaha!
*beep*
'i'm just not yet ready.' reply ni kuya Michael. 'hmp. Bakit naman? Jusko friendly ako. Di lang halata ano ka ba?' reply ko naman. At saka naman pag tingin ko sa court, nag start na pala yung fourth quarter. Jusko sana talaga manalo. Malaki laking balato ang aabutin ko nito. Ice cream din yon!
*beep*
'yeah, you really are. I'm still earning the guts to meet you personally' sabi niya. Well, naffeel ko na mejo nahihiya nga siya sakin. Tawagan ko kaya? Meh! Baka naman sabihin masyado akong atat na mameet siya. at baka mag assume pa na namimiss ko boses niya. Pwe! Hindi uy! 'mmkay. Sige. Sabi mo eh' hahaha! Di ko alam kung tama ba yung nireply ko. Parang ewan lang eh. Wala man lang ka enco-encouragement yung reply ko. Psh!
Natapos na ang game, nanalo sila kuya woohooo 1 point lang ang lamang. Pero okay na yon! Atleast panalo. Wooooh! intense talaga yung laban. muntik pa mapaaway yung isa nilang kateam sa kalaban dahil panay ang paninisod sakanya. Tapos tatanga tanga naman yung referee kase binabaliwala yung foul. Kaya marami ring nanunuod na fans ng Hawks na nagagalit sa referee kase nag bubulagbulagan! Psh! Kung di lang ma ttechnical foul ang pag bubugbog ko sa referee, malamang ginawa ko na!
"ice cream?" tanong ni kuya Cedie sakin. "yiiis ice cream wooooh!" sabi ko sabay dumeretcho naman kami sa ministop. Malapit lang naman sa court yung ministop eh. "oy oy sama ako jan" sabi naman ni kuya Rico. "wag ka na!" sabi ko sabay ng paniniko kay kuya. "aray! Mas masakit ka pa maniko kesa sa kalaban eh" sabay mas nauna na siyang pumasok sa ministop. Loko loko talaga hays.
*beep*
'how's the game?' pangangamusta ni kuya Michael. 'PANALO!!!! WOOOH!!! :) :) :)' reply ko. Ang bilis ko pang mag type. Waaah naeexcite kasi ako ibalita eh. 'i told you. Mike's instinct is the best ;)' sabi nanaman niya. 'psh natsambahan mo lang. Magaling kase talaga mga kuya ko. :P' reply ko. Habang tumatagal nasasanay na ko na kausap si Michael. Parang alam mo yung kulang yung araw mo kung hindi siya nag tetext. 'nah, i'm just really good at fortune telling' naks yabang. Wag ko kaya replyan?
"ice cream mo, ice cream ko" sabi ni kuya Cedie at saka tumabi sakin. "thank yoooou woooh sarap!" sabi ko at saka dinilaan na yung ice cream ko. "Eli, itali mo kaya buhok mo nang di napupunta sa ice cream yung buhok mo." sabi naman ni kuya Rico nang tumabi siya sakin. "kelan ka pa naging caring? Ha?" tumaas pa kilay ko nang magsalita ako. "i just care about the ice cream not on you. Duh?" sabay naman dinilaan niya na rin ice cream niya. "bla bla bla daming dada" sabi ko at saka nag focus na lang ako sa ice cream ko.
*beep*
"ano ba yan? Alam mo, ang ingay ng phone mo.. 4 na gabi na ko di makatulog sa ingay ng cellphone mo. SIno ba yang text ng text sayo?" pag uusisa ni kuya Rico sakin. "tol, may manliligaw na kapatid mo" nang asar pa tong isa! "una hindi ko to manliligaw. Pangalawa, bakit ba? Maka reklamo ka kala mo naman mala mega phone tong message tone alert ko. Jusko naka beep once na nga lang eh!" sabi ko pa at saka binasa yung text sakin. 'okay, i'm sorry mejo naging mayabang ata ako. Pero really, i got this really good instinct. I guess that's a fun fact number one of me. :)' di ko napigilan mangiti sa nabasa ko. Hahaha! Cute din pala tong si kuya Michael eh. 'fun fact number one of you. Hahaha ang random mo ah' reply ko at saka naman bigla kong naramdaman na nakikiusi tong dalawang nasa tabi ko. "anak ng. Kelan ko kayo pinakealaman sa mga nag tetext sainyo?! Ha?!" bigla namang ngumisi yung dalawa. jusko masasabunutan ko tong mga to ng wala sa oras. "oi, punasan mo nga pawis mo, pag ikaw nag reklamo na nilalagnat ka, ihahagis kita sa bintana ng kwarto naten" sabi ko kay kuya Rico at saka inabot ko naman sakanya yung face towel na dinala ko. Alam ko kasing hindi nanaman mag dadala to ng face towel. Ay naku! "wow. You're so thoughtful naman. Thanks!" sabi niya at saka pinunasan na niya yung pawis niya. "psh! Di ako thoughtful, sadyang ayoko lang na inaasikaso ka kapag nilalagnat ka" sabi ko at saka naman kumunot noo ng kapatid ko. Hahaha! Labyu tol!
*beep*
'i guess i'm starting to trust you. I want you to know me better. Kahit na nahihiya ako. I'm trying my best to tell you everything about me' napa smirk na lang ako at saka naman chineck muna kung inuusisa nanaman ako nitong mga to. 'you know kuya, i'm starting to trust you too' sabi ko at saka di na napigilan mapangiti ng bonggang bongga talaga.
It's been 4 days. Wow! record breaking yon! 4 days nag tiwala na agad ako sa lalaking kakakilala ko lang? Well, di ko pa talaga siya kilala. I don't know. Sadyang may nasesense ako na magkakasundo kami ni kuya Michael.
*beep*
'really? That's a good news for me. I heard na mahirap ka daw kaibiganin but their really wrong. Mali ata ang pagkakakilala nila sayo' sabi niya at saka naman parang na hurt ako sa sinabi niya. Kaya nga siguro ako walang masyadong kaibigan dahil sa sobrang sungit ko. Eh! Okay na yun. Mas okay na nga yung onti lang ang kaibigan, para onti lang reregaluhan mo kapag birthday nila, kapag christmas, oh diba? Hahaha praktikal lang! 'nope. Tama sila. Ikaw ang mali. Hahaha! Sadyang nag click lang tayo nang mabilis. Idk. Gumaan kasi loob ko sayo eh. You have this guts to talk to me. Kahit na sinungitan na kita noon, anjan ka parin, kinukulit mo parin ako. Ewan' reply ko at saka inubos ko na yung ice cream ko. Ang hirap mag text nang isa lang kamay ang gamit.
Umuwi na kami at saka kumain na rin kami ni kuya ng dinner, after non, nag hugas na ko at saka dumeretso na sa kwarto. Humilata na agad ako at saka binasa yung mga text ni kuya Michael. 'uhmm. May nakapag sabi kasi sakin na kung gusto mo, ipaglalaban mo. Well, i did the best way to have you. I mean to become one of your friends' 'hey. Did i say something wrong? Bakit di ka na nag rereply?' 'srsly, i just want to be one of your friends yun lang.' 'uhm. I guess silence means goodnight?' 'okay.. Goodnight. i'm sorry if i said that thing. Sorry'
uuugh nag madali akong mag reply 'hindi, i'm sorry, kumain lang kami ni kuya ng dinner and ako kasi nag hugas ng pinagkainan. sorry. And it's okay. Jusko, it's not a big deal :)' pagkasend ko nag dadasal ako na sana mag reply pa siya. Na sana gising pa siya. Na sana maging okay pa kami. Di ko maisip na magiging tahimik nanaman ang buhay ko. 'oh. I thought you got mad at me.' wooooh! Buti na lang. 'gising ka pa? Ano oras class mo bukas?' tanong ko sakanya. Jusko out of nowhere natanong ko na lang bigla sakanya yun. Kunyari na lang hindi ko pinagdasal na sana hindi pa siya tulog. Hahahaha what are you doing Eli?! Hahaha! '9-4:30 class ko tomorrow, pwede naman ako mag puyat, malapit lang naman sa bahay school natin eh how about you? Ano oras class mo tomorrow?' sabi niya like nothing happened. O diba. play it cool lang. 'ah. Salisi pala tayo eh. 4-6 class ko. Isa lang class ko. Chill diba? Hahaha' inaantok na ko pero hindi ako makatulog dahil parang gusto ko pang kausap si Michael kesa matulog na. 'wow! Ikaw pala ang mas pwede pang mag puyat kesa sakin eh. Haha' reply niya. 'onga eh. Matulog ka na kaya? 9 pa mandin class mo, mahirap sumakay ng jeep papuntang school pag 9 ang class' reply ko pero ayoko pa talagang matulog siya. Jusko!!! Wag ka matutulog. 'naaah. Okay lang, 1 hour before the class ako pumupunta ng svhool kaya hindi ako nalelate :)' napangiti naman ako sa text niya at halatang inaantok na eh haha 'ay nako, nag ttypo ja na oh. Matulog ka na kaya. Halata nang inaantok ka na eh :)' totoo ba to? Ngumingiti ba ko habang katext ko siya? 'ikaw din naman eh. Hahaha!' sabi niya at saka napansin ko ngang nagka typo na ko. Hahaha! 'i guess this is a goodnight for us?' 'yeah. Goodnight Eli. :)' 'Goodnight Michael :)'
2 weeks na ang nakakalipas, nag tetextan parin kami ni Michael. Araw araw nababawasan pera ko kakapaload para lang makapag unli at para matext si Michael. Gabi gabi napupuyat kakatext sakanya. Pero netong mga nakaraang 3 araw, wala na akong narereceive na mga texts ni Michael. Ayoko naman na ako ang unang mag text sakanya. Baka mamaya isipin pa niya hinahabol habol ko na siya. 3 araw tuloy tahimik ang cellphone ko. Tatlong araw na kong nag iisip kung ano nang nangyayari sakanya. Tatlong araw na rin akong sinasabihan ni kuya na 'nakdrugs ka ba? Ang tamlay mo tas lagi ka pang tulala?' jusko! Ngayon lang ako naapektuhan ng ganito kalala.
Pauwi na ko, papunta na ko ng highway nang biglang nagising ako sa katotohanan nang makabangga ko ang isang lalaki na naka yellow na polo at black na slacks. Matangkad, moreno, matangos ang ilong, mejo bilog ang mata, on fleek ang kilay. Pero satingin ko natural yung pagkakatubo ng kilay niya. May sinabi siya, ano daw? Hays di ko na narinig kasi na stun na ko sa kilay niya. Ang ganda kasi eh. Mas maganda pa sa kilay ko. "sorry sorry" sabi ko at saka tumuloy na ng paglalakad. Jusko gusto ko na lang umuwi at matulog, tutal wala naman na si Michael para kausapin ko. Psh!
Pagkauwi ko ng bahay, nag merienda lang ako at saka nagbihis at natulog na. Mamaya ko na lang gagawin yung plate ko. Mag aalarm na lang ako ng 8pm. Tinext ko na lang si kuya Rico na matutulog na lang muna ako at mauna na siya kumain ng dinner kasi 8pm ko pa balak gumising.
*beep*
'okay. Gusto mo ng cheese pinipig?' di ko na sana rereplyan kaso biglang nag banggit ng ice cream. 'ikay. Dakawa' la na kong pake kung puro typo na yung reply ko. Maiintindihan naman niya yun.
8pm sakto nang magising ako. Naupo pa ko saglit sa kama ko at saka bumaba na ako para kumain ng dinner. Pag baba ko, nadatnan ko si mama na umiinom ng tubig sa kusina. "ma, kakarating mo lang?" tanong ko sakanya. Habang ako naman kumukuha sa rice cooker ng kanin. "oo anak, ang daming client eh. Sa sobrang onti namin sa opisina, napapaovertime tuloy kami sa trabaho. Nag ppropose na nga ako sa boss namin na magdagdag na ng mga empleyado para di nahihirapan mga tao sa opisina" sabi naman ni mama. "oo nga ma, mukhang pagod na pagod ka na nga eh. Bakit di ka muna mag leave ma? Mag pahinga ka kaya kahit isang araw lang?" pag susuggest ko at saka dumeretso na ko sa dining table. "ay naku anak, hindi pwede. Sayang ang bayad ko sa isang araw kung ilileave ko lang para magpahinga. Wag kang mag alala sakin anak, nakakapag pahinga naman ako sa biyahe eh" sabi naman niya nang umupo siya sa tabi ko. "hay ma. Balang araw, hindi ka na mag ttrabaho, sila na ang mag ttrabaho para sayo" sabi ko sabay tinaas taasan pa ng kilay si mama. Haha. "ikaw talaga. Eh ikaw? Kamusta ka naman sa school mo anak?" tanong ni mama. "i'm doing good naman ma, matataas naman scores ko sa mga activities. Tsaka nag hahanda na lang kami para sa finals, ilang weeks na lang kasi eh" pag kukwento ko. Pero sa totoo lang, hindi yun ang gusto kong ikwento kay mama. Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala sa harap ni mama. Alam ko masyadong oa. Pero alam mo yun? Yung feeling na para kang nawalan ng kaibigan. Ganun yung feeling eh. Parang kanina lang nag hi hello lang siya sakin, tapos ngayon, nawala na lang na parang hangin na dumaan lang sa harap ko. Psh! "may problema ka ba anak?" tanong ni mama habang nakatingin sa mga mata ko. "ma, anong naramdaman mo nung nakilala mo yung first love mo?" nanlaki mata ni mama kasi first time ko mag open up sakanya tungkol sa love. "nung nakilala ko first love ko? Siyempre kinilig ako. Araw araw hinahanap hanap ko siya. Tapos kapag andiyan siya hindi ako mapakali, hindi ko mapigilan mangiti. Sa lahat ng sasabihin niya nangingiti ako. Tapos kapag naririnig ko yung boses niya, ang sarap pakinggan, parang yung pakiramdam eh kinakantahan ka niya, pero hindi naman talaga. Ganun yung pakiramdam ko nun anak. Bakit? inlove ba ang bunso ko ngayon?" nangingiti na lang ako sa mga sinabi ni mama. Sa tingin ko nag mana nga ako kay mama. hahaha! "hindi po ma. Bakit naman ako maiinlove? Eh bigla na lang siyang nawala" kumunot naman noo ni mama at saka sinabing "anong nawala?" kumain na lang ako at saka nginitian si mama at saka umiling. "wala po ma" sabi ko at saka naman kumain na lang ulit. Masarap pa naman kumain. Chicken curry ulam eh. "suuus. Nag dadalaga na ang anak ko. Osige, i'll respect your privacy. Pero kung handa ka nang ishare sakin, mag share ka lang sakin. I'm always here, ready to listen to you" aba si mama nag eenglish english pa! "yes mama. I will" sabi ko at saka nginitian siya. "osige na anak, akyat na ko. Ikaw na bahala diyan ha? Goodnight anak" sabi niya at saka umkyat na nga siya sa kwarto niya. Haaay! Kaya ayokong naiinlove eh. Mahirap kasing masaktan. Hay ano ba yan Eli! Bat ba napaka mellow dramatic mo?!
Pagkatapos kong hugasan yung pinagkainan ko, umkyat na ko sa kwarto at saka inayos na yung mga gamit ko para magawa ko na yung plate ko. "Eli.." Sabi ni kuya at saka sumulpot sa likod ko nanaman. "kakagulat ka naman. Bakit?" sabi ko habang sapo sapo ko pa dibdib ko. Akala ko kasi natutulog na siya eh. "pinapabigay ni Therese kanina, hindi ka daw niya kasi mahagilap kanina kaya sakin na niya pinabigay" at saka naman inabot niya sakin yung ice box at pagbukas ko puro usok ang lumabas. ano ba to?! "osige matulog ka na ulit. Grabe naman gumising ka pa para ibigay sakin to, di ka na lang nag iwan ng note sa study table ko." sabi ko at saka bumalik na siya sa kama niya. Nakita ko naman na puro cheese pinipig ice cream yung laman ng ice box at infairness, hindi natunaw dahil may nilagay na dryice. Taray! Susyal naman. Teka sino ba nag bigay nito?! Nakita ko na may note sa ilalim ng cover ng ice box. 'i'm sorry if i didn't texted you for these past few days. Busy lang talaga ako. I hope these ice creams could help you to cheer up. Napag alaman ko na ice cream daw ang comfort food mo. And nakita kita kanina na malungkot ka. So i assumed you're upset. message me as soon as you got this. Cheer up sweetie. :) -Michael'
wow?! Nag paramdam ka talaga ah?! Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Psh! Mamaya ko na lang siya itetext. Tatapusin ko na lang muna plate ko. Pero bago ako nag simula, kumain muna ako ng ice cream hahaha! Tinago ko yung note na binigay niya. Nilagay ko sa corkboard ko. Wala lang. Motivation sa pag gawa ng sandamakmak na plates. hahahaha!
3am na pero di ko pa tapos yung plates ko. 4 out of 6 naman natatapos ko eh. Next week pa naman pasahan. Okay pang mag procrastinate. 'hi uhm i got your gift. Thanks btw. :) out of 15, 6 na nakakain ko, nakatulong pa sa pag gawa ko ng plate ko. haha infairness, ngayon ko lang na discover na ice cream ang pampagising ko at hindi coffee. And that's my fun fact no. 1 :)'
hindi ko na inantay mag reply si Michael. I'm sure tulog na yon. Hindi naman ako ganun kaimportante sakanya para pag puyatan niyang antayin yung text ko sakanya eh.
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Hindi ko alam kung bakit ang aga kong pumasok kahit na 9 pa naman klase ko. Pero 8 palang nandito na ko sa school jusko! Anong ginagawa ko dito?!
Nag punta na lang ako ng kubo at saka natulog. Napuyat ako dahil sa plate kaya may karapatan ako matulog. Uuugh!
Pag dilat ko ng mata, may nakita akong nakapatong sa tabi ko na notebook. Floral, at color blue. Tumingin muna ako sa paligid at saka binuklat yung notebook. 'goodmorning :) pagod na pagod ka ah? Anyways, after your class, go to the gym and i'll be giving you something. :) -Michael'
tinago ko na yung notebook sa bag ko at saka di na ko makapag antay na matapos na yung klase ko para sa buong araw. Is this the day para makita ko na si Michael?
After class, papunta na kong gym at saka tinawagan si kuya Cedie. "hello?" "hello kuya! Kuya! Omaygad! Naaalala mo pa yung guy na si Michael?" "uhm yeah! Bakit?" "wala, hahaha magkikita na kami.." sabi ko at saka todo ngiti pa ko. Jusko! Bakla na yata ako! "that's great! Bring me good news later. I'm in the class" sabi niya "ay sorry, kaya pala ganyan boses mo eh. Sorry. Hahaha sige. Deretso ako sainyo mamaya pag uwi. Ciao" sabi ko at saka nag hung up na ng phone ko.
'on my way to gym' text ko kay Michael. I can't wait to meet him.
Nag punta na muna ako ng restroom para mag ayos ng sarili ko. Hindi ako usually nag aayos ng sarili ko para sa ibang tao, pero ngayon, ewan ko ba?!
Nag antay ako sa bleachers, nag babaka sakaling papunta na rin si Michael dito. Lahat ng lalaking pumapasok sa gym, inaassume ko na si Michael yon.
Kaninang 4:38pm pa ko nandito. 4:56pm na wala parin siya. Siguro hanggang 5 pa klase niya. aantayin ko na lang siya. Susubukan kong maging matiyagang mag antay kahit ngayon lang.
Pag tingin ko sa pintuan, nakita ko si Therese na parang may hinahanap. Pag tingin sakin, agad naman siyang tumakbo papalapit sakin. "baaaaks!" sigaw niya habang tumatakbo. Pagkalapit niya, "ano ka ba, pag ikaw natisod ewan ko na lang" sabi ko sakanya at saka naman umupo na siya sa tabi ko. "eh kasi naman. Haaay kakaloka naman si Michael. Eto kasi!! Makinig ka!" sabi niya habang humihinga pa ng malalim. "oh, nakikinig ako" sabi ko habang tumingin sakanya habang nakataas pa ang dalawa kong kilay. "pinapabigay niya to" sabay abot niya ng box na color blue. "ano nanaman to? Atsaka asan ba siya? Akala ko ba magkikita na kami?" tanong ko sabay binuksan ko na yung box. Pag bukas ko, nakita ko yung necklace na may pendant na play station controller. Hindi ko napigilan ngumiti pero naalala ko inindian niya ko. Kaya binalik ko ang mataray kong mukha. "psh! Kung ako niloloko ako netong mokong na to, masasapak ko siya!!" Sabay lagay ko sa bag ko ng box na binigay niya.
Tinawagan ko siya at saka naman wala pang tatlong ring, sinagot naman niya agad. "FUN FACT NO. 2 AYOKO NG PINAPAASA AKO." sigaw ko sa kanya. "uhm. Lumabas ka ng gym" sabi niya at saka naman lumabas na ko ng gym. Nakita ko yung lalaking nakabangga ko nung isang araw. Yung matangkad na moreno. Hawak hawak ang cellphone niya na nakatapat sa tenga niya. "sorry nalate ako, nag overtime kasi prof namin eh" sabi niya at saka naman nalaman ko na yung pinapantasya ko na nakabangga ko siya pala si Michael. Binaba ko na yung phone ko at saka inend yung call. Nilapitan ko siya dahan dahan. Mala romantic scene ang eksena. Pagkalapit ko, abot tenga ang ngiti niyang nakatingin sakin. At sabay sinuntok ko siya sa braso ng pagkalakas lakas. "araaaaaay!" sigaw niya at sabay ng pag himas sa braso niyang malaman. Chos. Galit ako sakanya! grrrr! "FUN FACT NO. 3 WAG MO KO GAGALITIN KUNG AYAW MONG MALAMOG SA SUNTOK KO" sigaw ko sakanya at saka tumango tango naman siya habang yung mukha niya parang paiyak na. "sorry na. Itetext din naman sana kita eh, kaso nasaktohan lang na na expire yung unli ko. Wala pa kong regular load" pag eexplain niya. "okay." Simpleng sagot ko at saka naglakad na papalayo sakanya.
Hinabol naman niya ko at saka tinabihan sa paglalakad. "uwi ka na? Sabay na tayo" sabi niya at saka binilisan ko pa paglalakad ko.
Nang makarating na ko sa hiway, sumakay ako agad ng jeep. Pag upo ko may tumabi sakin. "hoy! Aba aba aba. Sinusundan mo ko ah" sabi ko at saka naman umurong ako papalayo sakanya. "sus, ikaw lang ba pwedeng sumakay dito?" sabi niya sabay nag bayad na siya ng pamasahe. Nag bayad na rin ako ng pamasahe ko. "wag ka na mag bayad. Nabayaran ko na pamasahe mo" psssh! K. Binulsa ko na lang ulit yung barya na dapat kong pambayad.
Pagkababa ko, bumaba din si Michael. Nakakastress! "sunod ka ng sunod, buntot ba kita?" nakita ko naman na ngumiti lang siya. Niloloko ba ko nito?!
Binilisan ko ulit paglalakad ko at saka naman nakarating ako agad sa bahay. Pag tingin ko sa likod ko, wala na siya, pagtingin ko sa kaliwa ko, nakita ko si Michael na sinususian yung pinto ng kapitbahay namin "oy akyatbahay! Pakunyaring sususian yung bahay. Psh!" sabi ko at saka sinusian ko na yung gate namin. "hindi po ako akyat bahay, sadyang magkapitbahay lang talaga tayo" sabi niya at saka naman natulala ako sa pagkakarinig ko sa sinabi niya. Pumasok na ko ng bahay at saka dumeretso ng kwarto. Nag bihis at saka lumabas ulit, mabilis akong naglakad kasi baka makita pa ko ni Michael. Pumunta ako kela kuya Cedie para mag kwento.
*beep*
'saan ka pupunta?' uuugh! Hindi ko na tuloy alam pwede kong ireply sakanya. Mahihiya ba ko o ano. At first natutuwa ako sakanya pero sinubukan niyang hamunin ang pasensya ko kaya nagagalit ako. Pero ngayon nanumbalik nanaman yung hiya ko. Parang naging limited na tuloy yung kilos ko sa bahay. Ay nako! Ewan nakakabuang!
"KUYA CEDIEEEEEEE!" sigaw ko para marinig ako agad ni kuya. Lumabas naman si kuya Cedie na naka uniform pa. Kakauwi niya lang din siguro. Pumasok na ko at saka dumeretso nang umupo sa sofa. Kinuwento ko lahat lahat kay kuya. Mag mula sa notebook, hanggang sa paguwi ko ng bahay. Detalyadong detalyado kaya naman tawang tawa sakin si kuya Cedie. "akalain mo nga naman. Alam mo kung magiging libro tong love story niyo, pamagatan mo ng 'Boy Next Door' papatok yan! hahahahaha" hay nako tawanan daw ba ko? Tumayo ako at saka kumuha ng tubig sa ref nila at saka uminom. Naubusan ako ng laway kakakwento tas aasarin lang ako. Hay nako!
*beep*
'Eli, are you mad at me? Mag reply ka naman oh' bumalik ako sa salas at saka pinakita kay kuya na nag tetext parin sakin yung Michael na yun. "replyan mo na. Well, galit ka nga ba sakanya? Kasi sa nakikita ko sayo, hindi eh. Hindi ka galit sakanya eh. Galit ka sa sarili mo kasi nagpakita ka ng kabaliwan mo sakanya tapos ngayon nahihiya ka na sakanya" bla bla bla. Ang daming sinabi. "edi wow!" tanging nasabi ko na lang sakanya. "kung ayaw mo replyan, ako na lang mag rereply" sabi niya at saka naman kakalikutin na niya sana yung phone ko. Pero kinuha ko naman agad "eto na, ako na mag rereply. Wag kang echusero!" sabi ko at saka nireplyan na siya. 'andito ako kela kuya Cedie. Wag mo nga akong ini-spy kapag lalabas ako ng bahay. Psh' di ko alam kung tama ba yung nireply ko o ano eh. 'tsaka teka nga! Kelan pa ba kita naging kapitbahay? parang hindi naman ata kita napagkikita kahit sa street manlang natin.' text ko pa sa kanya ulit.
Katahimikan lang ang namagitan samin ni kuya Cedie. Inaantay namin yung reply ni Michael. Mejo matagal siya mag reply ngayon ah. Nako nako. Nagagalit talaga ako!
*beep*
halos mag unahan kami ni kuya Cedie sa pagkuha ng cellphone ko. Pero sorry siya, mas mabilis ako kumilos! 'uhm okay, ingat ka sa pag uwi. And you know Ela? She's my sister. Kakalipat lang namin dito last summer, kagaya mo rin ako na hindi masyadong nag lalalabas, kaya hindi mo ako nakikita :)' "yun naman pala eh." sabi naman ni kuya Cedie nang mabasa niya text ni Michael. Nireplyan ko na lang siya agad. 'okay, i'm sorry din sa inasal ko. Uhmm. At least alam mo na na ayoko ng pinagaantay ako' sabi ko at saka nginitian naman ako ng nakakaloko nitong si kuya. "ano nanaman?!" sabi ko at saka nilock yung phone ko at binitawan. "wala. Hindi lang ako sanay na nag sosorry ka. Mas sanay ako na maton ka eh" sabi niya. "psh! mag bihis ka na nga" sabi ko dahil hindi parin siya nag bibihis hanggang ngayon. "mamaya na, may sinusubaybayan pa kong love story eh!" napairap na lang ako at saka naman biglang tumunog ulit cellphone ko.
*beep*
'yes, mejo ang sakit mo pala sumuntok hahaha! Di na talaga kita pag aantayin ulit.' sabi niya at saka naman tumayo na si kuya Cedie. "bihis muna ako. Tawagin mo na lang ako pag nakakakilig na yung pinag uusapan niyo ah" natawa naman ako at sinabihan siya ng "sira! Asa ka pa!" binalikan ko na yung phone ko at saka nireplyan siya. 'hahaha sorry, mejo nasanay na kasi ako kasapakan kuya ko eh. Di naman sila umaaray kapag ganun kalakas yung suntok ko' pagkukwento ko.
Nag tuloy tuloy nanaman ang kuwentuhan namin. 'masama kang galitin. Hahaha! Anyways, busy ka ba mamaya?' is he asking me out? "KUYA CEDIEEEEE!" at bigla ko naman narinig na may kumalabog sa taas. "ano?" sabi niya sabay sa harap ko pa talaga siya nag suot ng sando niya. "kadiri naman to. Pero eto nga, si Michael, inaaya ata akong lumabas?" sabi ko na para bang di ako sigurado. "ano ba sabi?" sabi niya sabay binasa yung text sa ni Michael. "SIRA! di ka inaayang lumabas, tinanong ka lang kung busy ka mamaya. Assuming!" sabi niya sabay tinawanan pa ko. Nireplyan ko na lang si Michael. 'hindi naman. Gagawin ko lang plates ko, yun lang. Bakit?' wala pang isang minuto nag reply naman agad siya. 'kain tayo barbeque mamaya? Trip ko kumain ngayon ng streetfoods. :)' "peram nga ko phone mo" sabi ni kuya Cedie, at saka kinuha ang phone ko. 'tol, pwede sumama? :D -Ceddrick' juskooo! kala ko naman kung ano gagawin sa cellphone ko. 'yeah sure :) -Eli' nag reply naman agad si Michael pero para kay kuya yung reply niya. 'sige lang tol. :)' at sumunod naman ang isa pa niyang reply na para sakin naman. 'okiedoks :) see you later :)' "oh pano ba yan? Kasama ako mamaya. Bleeeeh!" sabi ni kuya Cedie at saka inirapan ko na lang ulit siya. Wala ako sa mood sagut sagutin siya ngayon. Nasa mood ako ng pagiging masayang dalaga. Naaaakanangtuts. Dalaga daw oh! Hahahahaha!
8pm, tinext ako ni Michael, 'nasa labas na ko ng bahay niyo :)' agad naman akong lumabas ng bahay at nakita ko siyang naka plain na grey na vneck shirt at saka naka jersey shorts. Parehas kami, naka jersey shorts ako na pang lalaki, at saka naman naka white loose shirt. Ganto talaga fashion statement ko sa bahay, wag kayong ano.
"asan si Ceddrick?" tanong niya sakin. "ayon, nakatulog yata. Yaan mo na yun." sabi ko at saka tumawa nang palihim. "okay, tayong dalawa na lang" sabi naman niya at saka namisnderstood ko naman sinabi niya. "manligaw ka muna" sabi ko pa. Hala parang tanga lang oh. "ha?" natawa naman ako sabay sinabing "wala. Tara na naglalaway na ko sa barbeque e hahaha!" jusko. Ano ba ginagawa mo Eli?!
Habang nag lalakad kami nag tatanungan lang kami at nag kukwentuhan. "malapit ka sa mga lalaki no?" ang random naman nito. "oo, kaya napagkakamalan akong tomboy, una, hindi ako nagpapahaba ng buhok. Pangalawa, hindi ako nag dadamit ng pangbabae. Mga dress ganon. Yuck. At pangatlo, nbsb" mejo ang daldal ko yata. "ahhh. Grabe naman. Wala sa itsura mo ang possibility na maging tomboy ka" sabi naman niya. Niloloko yata ako nito eh. "teka. Diba magkapatid kayo ni Ela, bakit parang hindi ko nakikita parents niyo?" sinagot naman niya ko. "well, nag rerent lang kasi talaga kami dito, mejo malayo kasi bahay namin sa school kaya nag rent na lang kami ng malapit lapit sa school. Dalawa lang talaga kaming nasa bahay ni Ela." pag kukwento niya. "ooohh, may friends ka na dito?" pag tatanong ko ulit sakanya. Gusto ko lang siyang interviewhin. Ayoko naman na puro ako lang ang paguusapan naming dalawa. "wala pa nga eh, si Ela madami na siyang friends dito, extrovert kasi siya. Eh ako introverted akong tao. Kaya mejo hirap akong makahanap ng kaibigan" hindi halata ah. "eh bakit pag magkausap tayo parang neutral ka lang naman?" sabi ko pa. "as i have said before, i have good instinct. Alam ko na mabait ka and trustworthy ka kaya mejo neutral lang ako pag magkausap tayo. Pero pag ibang tao na, nahihiya na talaga ako" sabi niya at saka ngumiti naman siya na parang pilit pa. "naglalaro ka ba ng basketball?" random kong tanong sakanya. "uhm mejo. Pero hindi ako pro" sabi niya. "okay! good! Try out ka sa team nila kuya. Tutulungan kita magkaroon ng kaibigan" lakas kong makapagsabi ng ganto, ako nga hindi magkaroonroon ng bagong kaibigan. Hahaha! "i'm happy with my life, okay na ko na ikaw lang kaibigan ko" sabi niya sabay nakita ko naman na nginitian niya ko. A friendly smile. Yung ngiting di mo mapipigilan mapangiti din.
Parang may kasama kaming anghel sa nag daang 5 minuto na paglalakad namin. Bigla namang nagsalita si Michael. "ikaw ba yung kumakanta ng Nobela ng Join The Club kapag gabi?" nagulat ako kasi pano niya naririnig yon?! Grabe! Ganun ba kalakas boses ko?! "hala oo, sorry, rinig pala sainyo. Sa side ng bahay niyo kasi yung kwarto namin ni kuya. Sige, next time hihinaan ko na lang boses ko." sabi ko at saka naman natawa siya. "hindi.. Hindi naman ganun kalakas eh, ang ganda ng boses mo, actually." lakas naman mambola nito! "wala akong pera panglibre sayo ah. Di ko kailangan yang pambobola mo" sabi ko sakanya. Baka mamaya yun pala pakay niya sa pambobola niya sakin eh.
Pagkarating namin sa ihawan, nag order na ko ng 4 na betamax at 5 isaw. Siya naman 5 isaw at 2 barbeque. Magbabayad na sana ako sa nag titinda nang biglang pigilan ni Michael yung kamay ko sa pagkuha ko ng pera sa wallet ko, at saka naman nag abot na siya ng pera sa nag titinda ng barbeque. "kuya, bayad po saming dalawa" sabi niya. Nanlako naman mata ko sa gulat na siya pa nag bayad ng akin. "oyyy! Hay nako. Ikaw na lang babayaran ko. Kuya magkano lahat ng akin?" tanong ko kay kuya na nag titinda. "37 lang neng" sabi ni kuya. Kukuha na sana ulit ako ng pera sa wallet ko pero pinigilan nanaman niya kamay ko. "wag na" sabi niya. "di ko binabayad sarili ko ha?!" sabi ko sakanya at saka naman natawa siya. Muntik pang mabilaukan ang loko. Buti nga! "you don't have to pay me. Ano ka ba, inaya nga kita dito para itreat ka eh" sabi naman niya. Kung sabagay, may point siya. Odi sige, dagdag ipon na lang yung 37 pesos ko. Hahaha. "okay fine. Thank you" sabi ko. At saka kumain na ng inihaw.
Tumambay muna kami sa upuan sa tapat ng 24 hours na tindahan malapit sa bahay. Ayaw pa ata namin umuwi. Hahaha! Nag kuwentuhan pa kami tungkol sa buhay buhay namin. "so nbsb ka pala" sabi niya. Mukhang naalala yung kwento ko kanina. "yeah. Sabi ni kuya Cedie dahil daw sa di ako appealing. Sabi ko naman, kung mahal nila ako, tatanggapin nila ako kung ano at sino ako. Ayoko ng binabago ko sarili ko para lang magustuhan ako ng kung sino man" pagkukwento ko. "ate pabili ng sprite na 12 oz. Dalawa" sabi ko sa tindera na nag babantay sa 24 hours na tindahan. "hindi ka naman 'hindi appealing' ah? maganda ka kaya" sabi naman niya at saka inabot ko na sakanya yung sprite na binili ko. "oh thank you" sabi niya. "alam mo, sinasabi mo lang yan kasi hindi pa naman tayo ganun ka close, tignan mo, kapag magkaibigan parin tayo after 1 year, pustahan tayo, sasabihan mo na rin ako ng 'hindi appealing' kaya hindi ako nag kaka boyfriend" natawa pa siya habang umiinom ng softdrinks. "hindi ako ganun na kaibigan. and i'm not sugarcoating the compliment i'm giving you" sabi niya pa. "sus. osige na. pero i'm not telling you na naniniwala na ko sayo. hahaha" sabi ko at saka uminom pa ulit ng softdrinks. "pero ikaw? nagka girlfriend ka na ba?" tanong ko sakanya. hindi pwedeng ako lang ang hinohotseat dito. "uhmmm. hindi pa" sabi niya. aba parang nagisip pa ang loko. "ba't wala pa?" hah! siya naman ang pagpapawisin ko. hahaha chos! "kasi introverted ako. torpe ako at hindi ako marunong umapproach ng babae" sabi niya. "loko ka. so ano ibig mong sabihin? lalake ako?!" siraulong to ah! "hahaha hindi sa ganon. what i mean is kapag gusto ko yung babae" sabi niya. okay so wala akong chance sakanya. hindi niya ko gusto. okay Felicia, Friendzoned ka! "okay" simpleng sagot ko. nawalan ako ng gana bigla. nagkaroon nanaman ng silence sa pagitan naming dalawa. pero siya ang bumasag ng katahimikan na yon. "kumakanta ka diba? wait here.." sabi niya at saka pumunta siya sa bahay nila. yeah, nakikita ko na pumasok siya sa bahay nila kasi sa kanto lang ng street namin tong 24 hours store na to. pagbalik niya, may dala dala siyang gitara. "kanta ka ng nobela, ako mag gigitara" sabi niya at saka naman pumorma na siya. "uhmmm. hindi pa ko pumapayag ah" sabi ko at saka naman nakita kong parang nadismaya siya sa narinig niya. "fiiiine" sabi ko at saka naman natuwa siya..
and yes nag kantahan nga kami. sa gitna ng dilim, sa tapat ng tindahan, wala nang masyadong tao dahil mag aalas dyis na ng gabi. halos naka 3 kanta kami at napag desisyunan naming irecord yung kakantahin naming 'Hanggang Kailan' ng Orange and Lemons. "uy ipasa mo sakin" sabi niya at saka naman binuksan na niya bluetooth ng phone niya. pinasa ko na sakanya at nakita ko naman sa mukha niya na tuwang tuwa siya at pinakinggan pa niya ulit yung jamming namin. "oryt, gagawin ko na tong ringtone alert sayo" sabi niya pa. "hala? hahaha! di na kita tatawagan. baka pag marinig pa ng ibang tao, sabihin nila 'naririnig niyo ba yun? boses ng anghel?!'" natawa kaming parehas sa taas ng confidence ko. "well, you're really an angel. inside and out" sabi pa niya. shut up. hahahaha!
umuwi na kami sa sarili naming bahay. naghilamos ako ng mukha ko at saka dumeretso na ng kwarto. pag tingin ko sa phone ko, may nakita pa kong message. 'thanks for the night Eli :) we should have our gig next time :)' di ko mapigilan mangiti. nireplyan ko agad siya 'hahaha! sinasabi mo lang yan kasi hindi ka kumakanta. and thank you din sa treat. thank you sa oras." nilapag ko muna sandali phone ko dahil gagawin ko pa yung ritual ko bago ako matulog.
'Michael calling...' hmm? magkasama lang kami nito kanina ah. sinagot ko na lang yung tawag niya. "uhm hello? alam mo kakahiwalay lang na---" naputol yung sinasabi ko dahil bigla kong narinig na kumanta siya at saka may pag gitara pa.
kumanta siya ng 'Your Song' ng Parokya ni Edgar. akalain mong marunobg kumanta tong mokong na to? hahaha! pagkatapos niyang kumanta, "teka.." sabi ko at saka niloudspeaker yung phone ko at saka nilapag sa table at saka naman pumalakpak. totoong palakpak yon. nagsalpak na lang ako ng earphones sa phone ko para di marinig ni kuya si Michael. tsaka para rin magawa ko yung rituals ko. "grabe siya oh. marunong ka pala kumanta eh, bakit ako lang pinakanta mo kanina?" sabi ko. narinig ko naman na nilapag niya yung gitara. "hahaha hinamon mo kasi ako eh" sabi niya sa kabilang linya. ang gaan na ng loob namin sa isa't isa. parang ang sarap na ng feeling ko kapag kausap ko siya. parang kumabaga eh bagongplaneta nanaman ang nilandingan ko. "osige na. hahaha! bakit di ka sumali sa banda?" pag susuggest ko sakanya. "actually, kasali ako sa isang band nung highschool ako, pero ngayon wala na, nag disband na kami" pag kukwento niya. "bakit? dahil college na kayo?" tanong ko. "hindi. nag f.o yung vocalist at yung drummer namin. nadamay buong banda kaya ayon, nagkaroon na kami ng sarisariling buhay" pagkukwento niya pa ulit.
humaba pa ang usapan, umabot ng 2 oras yung pag uusap namin sa phone. "12 na pala, hahaha! di ko namalayan yung oras" sabi niya sa kabilang linya. "oh? oo nga no. hahaha! kaya pala naghihilik na tong kasama ko sa kwarto eh. oras kasi niya ng paghilik alas dose. hahaha!" pag sheshare ko habang nagawa ako ng plate. tapos ko na yung isa so 5 out of 6 na ang natatapos ko. hooray! "sinong kasama mo sa kwarto?" pag uusi niya. "si kuya Rico. di kasi namin kaya ang tig iisang kwarto. kaya eto, magkasama kami sa kwarto" pagsheshare ko pa ulit. "ohhh. sabagay, 2 bedrooms per unit ata talaga dito no? sakto kasi dito samin para samin ni Ela eh. kaya okay lang ako dito na mag ingay. haha!" sabi niya. "yeah, ako naman limited ang kilos. pero nagkasundo kami ni kuya na sariling teritoryo lang ang papakialaman kaya wala siyang pake kung ano meron sa area ko" hahaha ang daldal ko. "i see. siguro nasainyo ng kuya mo yung master's bedroom? masyadong masikip naman kung sainyo yung bedroom for one bed" sabi niya. isa rin tong madaldal eh. compatible na compatible talaga kami! hahaha! "obvious ba? hahaha! loko ka ah!" sabi ko na lang.
"ano oras ba pasok mo bukas?" tanong niya.. "thursday bukas right? wala akong pasok bukas eh" sabi ko. kaya pala kering keri ko mag puyat eh. "ay ganon? kala ko may pasok ka. sasabihin ko sana sabay na tayo pumasok" sabi pa niya. mukhang dismayado pa ah. "next time" sabi ko naman. "suuure!" sabi niya naman.
"FINALLY!" bigla kong sigaw nang matapos ko na yung pang anim ko na plate. "sssshhh. magigising kuya mo" sabi niya sa kabilang linya. "yaan mo siya. walang pakealam sa mundo yan" sabi ko naman. hahaha! natawa ako sa sinabi ko. sa sobrang funny ko natatawa na ko sa sarili ko. "bakit ka ba sumigaw? anong meron?" tanong niya na parang nag aalala siya kung anong meron. "wala lang, natapos ko lang naman yung 6 na plates ko. jusko! stressful!" sabi ko at saka niligpit ko na yung mga gamit ko. haaay! makakahiga rin sa wakas! "grabeee! nag pupuyat ka ngayon para diyan, samantalang pwede mo namang gawin yan bukas" panenermon niya. "naaah, ayokong gumagawa ng plates ng umaga. basta ayoko gumagawa ng may araw. it's like a vampire thing. hindi nambibiktima ang vampire nang umaga, gabi lang" mejo malabo pagkakaexplain ko. hehehe "is it because you become productive at night?" pagtatanong niya. "yess. you got it baby!" sa sobrang antok ko di ko na alam sinasabi ko. "hahaha! baby, huh?" sabi niya na parang nangaasar pa. "loko! expression lang yun" sabi ko sakanya. "okay baby" sabi niya pa. loko lokong to. "kung may long distance sapak lang, ginawa ko na sayo" sabi ko pa sakanya. "hahaha joke lang. pero i'll change your name in my contact from 'Eli' to 'Baby'" aba sinusubukan ako nito ah. "do whatever you want." sabi ko at saka natapos ko nangayusin yung working table ko. "haaaay! nakahiga rin sawakas" sabi ko pa nang mahiga ako. pag tingin ko sa phone ko, nakita ko na mag aala una na. "oy, matulog ka na, may pasok ka pa bukas" sabay narinig ko pa na nag hihilik siya sa kabilang linya. "tamo to, tinulugan ako!" sabi ko at papatayin ko na sana yung tawag at saka naman narinig ko pa siyang nag salita. "just kidding, goodnight baby. talk to you again tomorrow" sabi niya pa at saka naman nangiti ako. "goodnight din" sabi ko pa. and yes halos mag tatatlong oras kaming nag usap sa phone.
umabot ng isang taon pagkakaibigan namin ni Michael. after ilang months din bago ko siya napapayag na mag try out sa team nila kuya. and now, tatlo na silang sinusuportahan ko kapag may liga. after ng finals namin non, nagdesisyon kaming apat nila kuya Rico, kuya Cedie, at ni Michael na mag punta ng bar, yung bar na may stage para sa live band. nagkataon din na nandun yung naging manager nila Michael at nung banda niya nung highschool pa sila, pinilit niyang mag perform si Michael sa stage, pero eto namang si Michael, nagpacondition pa bago mag perform. hays pabebe. dinamay damay pa ko sa kalokohan niya. and ayun. nangyari ang first performance namin as duo on stage. so far, maganda ang feedback kaya naman naging in demand kami nung summer. dahil kay Michael, nagkaroon ako ng summer job. nagkaroon tuloy ako ng pera pang tulong kay mama.
sila kuya Rico, nagka sideline din bilang photographer. sumasali din siya sa mga photography competition at naka tsamba siya minsan na manalo as first place. asensado! si kuya Cedie, ayon, pinupush ang pagiging writer. pumatok pa yung story na ginawa niya base sa story namin ni Michael. jusko! masyadong nag papaka fanboy samin ni Michael, samantalang wala namang meron samin ni Michael. hahaha!
and that's it. hindi lahat ng makakabangga mo, makakaramdaman mo ng sparks, ay magkakaroon kayo ng progress of development. minsan you're just destined to become friends. tipong magiging kasangga mo sa lahat ng bagay. minsan siya lang talaga yung hinahanap mo na tatanggap sayo sa kahit anong imperfection na meron ka. it's like God giving you an angel that could help you whenever you're drowning in pain and sadness.
YOU ARE READING
No Strings Attached (COMPLETED!)
Short StoryTomboyin. Boyish. One of the Boys. mga sabi sabi ng mga kapitbahay. mga bulung-bulungan sa school. sus! ano bang napapala nila sa pakikialam nila sa buhay ko? walang boyfriend? so what? mas masaya nga yung ganun eh, walang gagastusin kada buwan par...
