#5FailedRestDay

Começar do início
                                    

"Saan ka pupunta?"

"Who knows."

- - - -

"Tao po! Tao po!" napabalikwas si Jesner sa kinahihigaan nang maalimpungatan sa matinis na boses ng kung sino man.

"Aisht!" pilit siyang bumangon at hinagilap ang orasan sa ibabaw ng lumang tokador. Gusto niyang mapamura ng malutong ng mapagtanto niyang mag-a-alas sais pa lamang.

Puyat siya. Puyat siya. And yes, puyat nga siya. Kung dati-rati ay sanay naman siyang magpuyat dahil narin sa part-time na pag-wi-waiter niya sa gabi, ngayon halos maging parekoy na ata niya ang mga eyebags sa ilalim ng mata niya. And this is all that brat's fault.Akala pa naman niya ay nakuha na niya ang kiliti nito noong unang araw na isama niya ito sa paborito niyang kainan. Takam na takam pa nga ito sa mga putaheng in-order niya para rito. Ngunit pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik nanaman sa pagiging impakta ang dalagang akala niya ay napapa-amo na niya.

Pitong araw magmula nang maging alalay siya ng prinsesa ng mga Fortaleza ay naging mas masalimuot pa ang payak na pamumuhay niya. Sunod-sunod ito sa pag-uutos sa kaniya at ang gusto'y ura-urada pa. Minsan miski kahit may trabaho siya o may klase o natutulog man ay pipilitin siya nitong gawin ang kung ano mang kaartehang gusto nitong ipagawa. She wants to be a priority. Everyone's priority.

Bumungad pagbukas niya sa yerong pintuan ang dalagang may pinaka-matamis na ngiting nakita niya sa araw na iyon. "Goodmorning kuya!" magiliw na bati ni Pretty sa kaniya. Nakatira lang ito sa tapat ng apartment niya. Ang plano niya kanina ay sermunan sana ito sa pang-iistorbo nito sa maikling oras na pagpapahinga niya ngunit nabura lahat ng iyon dahil sa nakaka- relax na aura nito.

"Mas maganda ka pa sa umaga Ganda!" pang-gagaya niya sa maligalig na tono nito.

"Hihihi. Pwedeng pa-text Kuya Jes?"

"Hmmn. Oo naman. Saglit lang ha. Pasok ka muna." niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. Naupo naman ito sa silyang nakita nito sa maliit na sala niya.

Kinapa-kapa niya ang bulsa ng rugged jeans na suot niya. Napakunot-noo siya sa dami ng miss calls. Automatikong napahigpit ang hawak niya sa pobreng telepono. Sa iisang tao lamang mang-gagaling ang mga iyon, at kung may hinala ka kung sino then consider your guess right.

"Uhm. Kuya ayos ka lang?" nillingon niya ang mala-anghel na dilag na sa maikling segundo ay nakalimutan niyang naroon pa pala.

Ngumiti siya ng pilit upang itago ang nagtitimping inis niya. "Oo. Ito oh. Magtext kana Ganda." Ini-abot niya rito ang cellphone.

Tumipa-tipa lang ito saglit at ibinalik narin agad sa kaniya. "Iyon lang?"

"Baka kasi daanan pa ako ni Jojo mamaya, tinext ko lang na huwag na. Magpang-abot pa sila ni Itay, walang papagitna sa kanila kapag nagkainitan na. Hehe." Si Jojo ay ang lalaking madalas na makita niyang kasa-kasama nito.

Ngumiti nalang siya bilang tugon dahil sa kawalan ng sasabihin. Ang cute naman kasi talaga ng dalaga sa harapan niya, isang taon lang ang agwat niya rito. Noong unang lipat pa lamang niya sa lugar na iyon ay nakagaanan agad niya ito ng loob pati narin ang ama nito na minsan ay nakaka-kantiyawan niya. Saksi siya kung paano nalang protektahan ng huli ang dalaga. Ang ama na ata nito ang living definition ng salitang 'over-protective'. At minsan ay kina-iinggitan niya ang masaya at makulay na relasyon ng mag-ama. Isang bagay na wala na sa kaniya.

"Sige na kuya. Salamat ng very much. Bye-bye!" Hinatid niya ito mula sa pintuan.

There. At least kahit medyo pangit ang gising niya ay gumanda parin naman dahil sa cute na dalagang unang nabungaran niya sa araw na iyon. Yosh.

Muling binalot ng katahimikan ang paligid, sinulyapan niya ang papag na animo'y inaakit siya na humilata at managinip muli. Lalaki lang siya at puyat, there's no helping it. Slowly but surely he dragged himself into it. "Aaaah. Unan at kumot lang masaya na ako. I don't mind dying tomorrow Lord....joke lang." He muttered while letting himself drown into sleep.

Or so he thought. Muli siyang nabulahaw dahil sa tunog na nagmumula sa loob ng pantalon niya. Ah no. Wala siyang narinig. Hindi niya naririnig si Bruno Mars na kumakanta ng 'Today my Life Begins' na paborito niya.

'Life's too short to have regrets
So I'm learning now to leave it in the past and try to forget..
Only have one life to live
So you better make the best of it
I will break these chains that bind me...' wala sa loob na sinagot niya ang di matahimik na bagay na iyon.

"At last you pick up! Do you know how many times I tried to reached you?" Pabulyaw na sigaw sa kabilang linya.

"Twenty-one?"

"It's twenty-five! Duh. Paano ka nakarating ng college na hindi marunong magbilang? Gash." Pang-uuyam nito sa kaniya.

"Pasalamat ka wala ka dito sa harapan ko." Baka masakal pa niya ito ng wala sa oras.

"Thank you then. Who would like to be in front of you anyway?" He can clearly imagine her grinning from ear to ear.

"Wow. Hiyang-hiya naman ako."

He heard a soft chuckle from the other side. "You know what, hearing your defeated voice makes me tease you even more."

Nilipat niya sa kabilang parte ng tenga niya ang telepono para iwas-ngalay. "Huwag ako, iba nalang."

"You should refrain yourself for saying that. Aren't you still aware that your oh-so-precious-scholarship is at stake here?" nang-iinis talaga ang babaeng ito.

Nag-init ang tenga niya ng marinig iyon. Agad siyang bumangon at napasandal sa pader bilang suporta. 'Huwag ngayon. Huwag ngayon.' Paulit-ulit na saad niya sa kaniyang isip.

Dahil iyon ang tanong na lagi niyang naririnig mula dito bago ito may ipag-utos sa kaniya. He badly need a rest. Malas lang niya dahil mukhang sinumpong nanaman itong alaga niya.

"Ah. Prinsesa, baka pwede namang mag-dayoff kahit---"

"No."

"Oi. Nakiki-usap ako ng matino rito ah. Wala ka bang awa?"

"You asked me, and I said no. N-O. No. And pity? You wish. Better be here in 20 minutes or else.." End call tone nalang ang narinig niya pagkatapos niyon.

Nanlulumong sinulyapan niya ang unan at kumot sa kaniyang tabi. 'Wala talaga tayong forever.'

Nagmuni-muni muna siya sa maliit na espasyo ng kaniyang tahanan bago nagpasiyang mag-ayos at puntahan ang babaeng nagpapagulo sa simple at maayos na sistema niya.

Prinsesang BratinellaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora