Huwebes - 17 Marso 2016

1 0 0
                                    

(Pagbasa: Genesis 17:3-9; Salmo: Awit 105:4-9)

Mabuting Balita: Juan 8:51-59

51 "Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may nagsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya papansinin ang kamatayan magpakailanman."

52 Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: "Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ang mga propeta at sinasabi mong 'Kung may nagsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan magpakailanman.' 53 Mas dakila ka pa ba kaysa ama naming si Abraham na namatay? Nangamatay pati ang mga propeta. Sino ka ba sa akala mo?"

54 Sumagot si Jesus: "Kung ako ang pumupuri sa aking sarili, walang saysay ang aking papuri. Ang ama ko ang pumupuri sa akin, siya na sinasabi n'yong 'Diyos namin.' 55 Hindi n'yo siya kilala pero kilala ko siya. Kung sasabihin kong hindi ko siya kilala, magiging sinungaling akong tulad n'yo. Pero kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita.

56 Nagalak ang inyong amang si Abraham at makikita niya ang Araw ko; nakita nga niya at siya'y natuwa."

57 Kaya sinabi ng mga Judio sa kanya: "Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?" 58 Sinabi sa kanila ni Jesus: "Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man si Abraham, ako na nga."

59 Kaya dumampot sila ng mga bato para ibato sa kanya. Pero nagtago si Jesus at umalis sa Templo. 

( Ito ay mula sa Katolikong blog na Sa Isa Pang Sulyap - http://saisapangsulyap.blogspot.com )

Daily Gospel (Weekdays) 14 - 19 Marso 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon