The little girl nodded in excitement. Her little hands grabbed mine and squeezed it. I melted because of her touch. So innocent and soft. "I'm happy po!"

Gusto ko mang awayin ngayon si September, hindi ko magawa at nagdadalawang-isip ako dahil sa sayang nakikita ko sa mata ni Sydney. I mean, that will be so cruel on my part kung sisirain ko yung happiness ng isang inosenteng bata.

Hindi talaga ako makapaniwalang magkakaroon ng ganito kaganda at ka-cute na anak si September. Parang ang labo talaga. At sino naman ang ama nito? Baka siya ang kamukha. Mabuti na lang.

Napangiti na lang din ako at hinalikan siya sa noo. She giggled and hugged me. I did the same and sighed. Napalingon ako kay Sep, my heart raced when I saw how she smiled while staring at her kid. It's a genuine one.

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin. That was close. Baka iba na naman isipin niya, eh. Problema na naman kapag lumaki lalo ang ulo nito.

Napalingon ako sa kanya nang mag-ring ang phone nito. She winked flirtatiously at me bago sagutin ang tawag nang hindi man lang lumalayo sa amin. Napailing na lang ako. May topak yata talaga itong babaeng 'to. "Yo, Beks!"

Saglit lang silang nag-usap ng taong nasa kabilang line and pinatay na niya rin agad ito. Ngumisi siya sa akin bago lingunin ang anak niyang ubos na ang ice cream. May amos pa sa mukha. Umalis ako para kumuha ng tissue and ako na mismo ang naglinis sa anak niya.

"Baby Syd, Tito Dee is going to fetch you. Magb-bonding kayo, ah?" September said to her daughter.

Little Syd connected her eyebrows na akala mo ay nagdadalawang-isip pa bago tumango at humagikhik. "Tito Dee's so cool, Mom. She's like a girl po."

"She really is." She answered while laughing.

Wala pang ilang minuto ay nakarinig na rin kami ng mahinang pagkatok sa pintuan. Tatayo na sana ako pero naunahan ako nang babaeng ito na kulang na lang ay angkinin na ang unit ko dahil lagi siyang nakatambay dito. "Ako na, si Dexter 'yan."

"Okay." maikling sagot ko lang.

Napakunot ako ng noo nang maya-maya ay bumalik siya at may kasama nang lalaki — gwapong lalaki, I mean. He looked like a model pero nang magsalita —

"Oh, ems, Sydney, Baby!"

Mas babae pa sa akin tumili. Napakamot na lang ako sa may kilay ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. It's kinda cute.

"Tito Dee!" Tuwang tawag ng bata bago tumakbo rito at magpabuhat. He gladly welcomed the girl at inikot pa ito habang buhat-buhat.

Tiningnan ko ng masama si September na makapal talaga ang mukhang hinapit ako sa baywang na para bang pag-aari niya ako. I pinched her hard when her hand caressed my butt. "Ouch!"

"Stop being so perverted!" Naiinis na bulong ko sa kanya.

"Can't help it, you're too edible." She grinned. Tatangkain pa sana niyang halikan ako kung hindi ko lang tinulak ang mukha niya. "Masakit, Sulli."

"Shut the fuck up." I whispered coldly at inalis ang kamay niya na paulit-ulit na bumabalik sa baywang ko. Puputulin ko na talaga itong kamay niya kapag nanghipo pa ulit.

Napalingon naman sa amin yung Dexter or Dee yata at ngumisi. "Ikaw si Sulli?"

Napatingin ako kay September, nagkibit lang siya ng balikat bago nag-smile na parang bata.

"Yes."

"Ang malas mo naman." Tatawa-tawang sagot niya.

Sinabi mo pa, nasabi ko na lang sa loob-loob ko. Sobrang malas talaga.

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon