Chapter 13

2K 35 1
                                    

Author's Note:

Guys, salamat po sa lahat ng bumabasa, bumubuto at nag a-add nang story na ito. Kahit kunti lang po kayo, lubos na natutuwa ako kapag may nakita ako sa Notif ng watty ko na may nag-vote or nag-add nito. Maraming-maraming salamat po talaga. Dahil kahit papano, mas nagaganahan akong magsulat nito ;)

At may iniba pala ako. Kasi di ko namalayan na Nikki lang palagi ang ginagamit na pangalan ko. Ang totoo po niyan ang buong pangalan po ni Nikki ay Nicole Moore.

YUN LANG! ENJOY!

****

Chapter 13

Nikki's POV

"Hoy! Niks. Ano kaba? Mas tumanga ka tignan. Nakatulala ka dyan. Anong problema mu?" Tanung ni Tine sakin habang ginagawa namin seatwork namin. Wala kasi yung professor iniwanan lang kami ng seatwork kaya nakakapag-usap kami ngayon. Pero si Kenny ayun, nagfufucos lang sa pag-answer.

"May problema ba, Nicole?" Nakangiting tanung naman ni Raffy sakin na nasa gilid ko. Buti nalang di ko classmate si Louie sa subject nato. Dahil kung hindi, naku...

"W-wala. Gutom na kasi ako." Nakangiting sagot ko sa kanila.

"Why didn't you tell me? I have crackers here. Do you want some?"

"Yhieee..." mahinang tili ni Kenny. Yung mga classmates din naming iba iniirapan lang ako.

"N-naku wag na. Okay lang. 10 minutes nalang Lunch na."

At nginitian niya ako. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nililigawan nitong si Rafael. Ano bang nakita niya sakin? Dahil wala talaga akong masabing maganda sa sarili ko. Ni hindi ako matalino at lalong hindi ako yung tipong babae na gugustuhin ng mga lalaki. Hindi din ako friendly, hindi naman kasi ako palasalita eh. Hindi din ako mayaman. Nakakaahon lang.

So malaking question mark parin kung bakit ako ang pinagtitripan nitong si Raffy.

Lunch break na at magkasabay kaming tatlo ni a Kenny at Tine, pero naging apat kami ng sumama samin si Raffy.

"So, Raffy, what made you think to join us in lunch?" Tanung ni Kenny habang kinakain niyo ang tocino niya. Ako chapsoy kinain ko.

Tumawa si Raffy. "Marunong akong magtagalog, Ken."

"Ayy, bongga. Nagtatagalog pala 'to. 30 minutes ko prinaktis yung english ko na yun ah." At nagtawanan lang kami.

"Well, since hindi niyo alam kasi hindi sinabi ni Nikki." At napatingin si Raffy sakin.

"Anong hindi sinabi, Niks? May tinatago ka samin?! My gussh, friendship's over?" O-A na reaction ni Tine.

"Kayo na? Buntis ka? Kaya ka sinasamahan ni Raffy kasi inaalagaan niya ang pinagbubuntis mu? What the H!" At nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kenny. Ba't ba nagkaroon ako ng O-A na mga kaibigan?

"No, no.. hindi yun. Sige, ako na magsasabi." At napatingin kaming lahat kay Raffy. May kinuha siya sa bag-pack niya. At nagulat naman ako ng makita ko yun.

Isang tatlong red-roses na nasa loob ng isang plastic na cover.

Ibinigay niya sakin ang mga roses at ngumiti ng nakakaluko, "Nililigawan ko siya."

The Billionaire's HeiressOnde histórias criam vida. Descubra agora