Verse 2

25 2 0
                                    


"Ahhhhh!!"

Isang bangungot na naman. Nay, tay? Bakit niyo ako iniwan?. Heto na naman ako umiiyak, habang nakatitig sa neklace kung nang saan nakadikit ang family picture namin. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Hindi pa rin mawala sa buhay at isipan ko ang isang masamang bangungot na nangyari noong nakalipas na 10 taon.

Wala ako ibang sinisi sa nangyari kundi ang Diyos! Sariwa parin sakin at pilit kung binabalikan ang huling alaala ko kasama ang mga magulang ko.

Flashback

Masaya kaming namamasyal nila nanay at tatay sa park. Family bonding kasi sunday. Syempre, galing kami sa simbahan. Sabi kasi ni nanay, bahay daw yun ni papa God. Kaya lagi kami pumupunta doon kapag sunday para magdasal sa Kanya. Sabi din ni tatay, naririnig Niya daw kami at sinasagot yung bawat dasal namin. Naniwala ako at pinagkatiwalaan ko Siya. Kaya pagkatapos ng misa, diretso kami agad park para magrelax. Ang saya namin at wala na akong mahihiling kundi makasama sila habang buhay. Nang dumilim na, napagpasyahan nila tatay na umuwi na daw kami kasi pagod na daw sila nanay at si baby. Oo, tama kayo buntis si nanay kaya ayaw ni tatay na mapagod si nanay at ang kapatid ko. Ang saya ko nga ng malaman ko na may kapatid na ako. Habang bumabyahe kami pauwi, ang saya namin sa loob ng sasakyan. Umaawit kami ng tugtog na Shine Jesus Shine. Halata naman siguro noh? Na ang pamilya namin ay maka-Diyos. Kaya ganun yung panampalataya namin sa Kanya. Lumaki ako na may takot sa Diyos at sa pagmamahal ng aking pamilya. Nakangiti kami habang kumakanta, nang hindi napansin ni tatay na may nakasalubong na pala kami ng isang malaking truck. Huli nang umilag si tatay, sumigaw si nanay at niyakap ako ng mahigpit. At dun, nabangga kami. Pumikit ako at niyakap ang teddy bear ko at si nanay.

-----
Sumabog ang sasakyan namin kasama ang pamilya ko. Ni wala man lang akong nagawa para iligtas sila. Nawala ang mga taong importante sa akin! Dahil sa Kanya! Sa Diyos na yan! Nasira ang buhay ko! Ano ako ngayon? Isang pulubing naglalakad sa gitna ng kalye. Kahit saan saan na lang pumupunta at palaging gutom. Ang isang masayang pagsasama at alaala ng pamilya ko binawi niya! Akala ko ba mabait Siya?! Tinatanong ko Siya kung bakit niya to ginawa, pero ano? Walang sagot kahit ni isa?! Yan ba ang Diyos? Pinagkatiwalaan ko Siya pero sinira Niya!! Kinamumuhian ko Siya sa ginawa Niya sa pamilya ko at sa akin! Naging mabait naman kami sa Kanya ah? Palagi kami pumupunta sa simbahan to worship Him pero ano?! Pinatay Niya ang pamilya ko! HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD!!

"You are the light of the world. A town built on a hill cannot be hidden." Matthew 5:14

Hola people in the world! Nagustuhan niyo po ba? Okay lang po ba ang flow ng story? Malapit na po pala matapos, 2 o 3 page nalang tapos na. Yan lang po salamat sa pagbabasa! Comment po kayo para ganahan ako ipagpatuloy ito hehe. Love lots children of God! -iamcurlytops00

GOD is GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon