Verse 1

46 2 0
                                    

Written by:
iamcurlytops00

"Arthuru! Umiwas ka sa truck!"

"Yakapin mo si angel Aramina!"
              

BOGSH!!!!..

"Jusmiyo!"

"May na aksidente!!"

"Buhay pa yung bata!"

Hmm. Nay? Bakit nakabaliktad kami? Anong nangyari?!!

"Tulong! Iligtas niyo ang anak ko."

Hah? Hindi! Ayaw ko! Gusto kong magsalita pero ang hina ng katawan ko. May dugo- dumadaloy sa mukha ni nanay at tatay pero sa akin wala. Te-teka bakit hindi gumagalaw si tatay?! Tay?!

"Wag kang mag-alala misis, ililigtas namin ang iyong anak."

Ano? Hindi! Hindi ko iiwan sila nanay at tatay! Ayoko kong malayo sa magulang ko!

"Nay! Dito lang ako! Di ko kayo iiwan ni tatay!!"

"Anak, makinig ka kay nanay ha?, mahal na mahal ka namin ni tatay mo Angel. "

Hinawakan ni nanay yung pisnge ko.
Magsasalita pa sana ako at sasagutin si nanay na mahal na mahal ko din sila kaya lang naramdaman ko na may lalaking bumubuhat sa akin palayo kila nay at tay. No!

"Bitawan mo ako! Dito lang ako! nanay!!"

"Mahal ka namin anak"

Nakita kong nakangisi si nanay at may pumatak na luha galing sa kanyang mga mata. Ang huling salita na binitawan ni nanay bago siya nawalan ng malay sa loob ng sasakyan kasama si tatay .
Huwag! Nanay wag mo ako iwan please! Tay! Gusto kong bumalik at yakapin sila pero ang layo ko na sa kanila, sa sasakyan kung saan andoon sila. Pinagmamasdan ko sila habang umiiyak. Gusto kong isigaw ang pangalan nila pero huli na ang lahat.

TOGSSH!!

Sumabog ang sasakyan namin, kasali sila nanay at tatay sa loob. Huwag!

"NAY! TAY!"

And everything went black.

''Declare His Glory among the nations, His Marvelous deeds among all peoples.'' Psalm 96:3

GOD is GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon