Bliss 9 - H.O.P.E (Hold On Pain Ends)

Start from the beginning
                                    

"Semira," hinila ko siya sa gilid nang mapansin naming naging abala na si Dessa sa paghahanda ng makakain namin, "kung ano man ang dahilan ng pagpapanggap mo, sana huwag mo ring kalimutan ang sarili mo."

Nadaanan ko na ang napagdaanan ni Semira. Nagawa ko na ring magsinungaling sa sarili. Maliitin ang sarili. Magpanggap. Para lamang matutunan akong mahalin. Ngunit sa ginawa kong iyon ay hindi ko na kilala ang sarili ko. 'Semira,' tanging bulogn ka na lamang sa isip ko, 'huwag sana siyang malulon sa sobrang pait at sakit ng pagkabigo.'



*Mago's POV*

Masayang nagkwentohan ang mga panauhin namin sa bahay ngunit nakaupo kami ni Semira sa veranda ng bahay. Ayoko kasing sirain ang magandang modo ng aking asawa na ngayon ay malaya ko nang nakikitang tumatawa at ngumingiti sa mga kausap.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa katabi ko.

"Tulad ng dahilan mo," matabang nitong sagot.

"Bago yan ah," napangiti akong lumingon kay Semira, "parang hindi ikaw."

"Tsk!" bagsak balikat na nagreact si Semira.

"Hulaan ko," nakangiti kong saad, "nahulog ka sa sarili mong bitag."

"Hindi ko maipaliwanag," seryoso siyang tumingin kay Dee-vyn, "pero kung ano man ito, sana makayanan kong takasan."

"The stop what you are doing," saad ko.

"Yun ang problema," may halong takot sa mga mata niya, "hindi ko alam kung saan ako mapupunta."

"Sabihin mo na ang mga nalalaman mo," saad ko, "I am sure hindi ka pababayaan ng gobyerno."

"Tch!" bahagyang natawa si Semira, "tama na nga 'to. Hindi bagay sa atin."

"Seriusly, Semira. Piliin mo kung ano ang nararapat," saad ko.

"Hay naku, Mago," mataray na saad ni Semira, "ang nararapat mangyari ngayon ay kung paano mo suyuin ang asawa mo. Tignan mo nga!" inilahad niya ang kamay para ituro si Arlene, "sa proma ng tiyan niya alam kong ilang araw na lang ay puputok na yan. Ibig sabihin, deado na ang pag-asa mo!"

"Yun na nga eh," dismayado akong tumungga ng alak, "hindi ako makakagalaw dahil laging nakadikit si Dessa."

"Aba! Bakit ang future-sister-in-law ko ngayon ang may sala?" tinaasan ako ng kilay ni Semira.

"Hindi mo ba alam?" bagsak balikat kong saad, "girlfriend siya ni Arlene."

"Si Dessa?" gulat na tanong ni Semira, "Si princess Dee-anne Sage Valderama ng Valederama brothers? Tomboy?"

"Eh ilang beses yang naghalikan ang dalawa sa harap ko," parang bata akong nagsumbong.

"Anong klaseng halik? Smack lang? Aba Mago, nabobobo ka na ba? Hindi nagiging lesbo ang isang babae kapag humalik sa kapwa babae. Hindi yan ang batayan," saad ni Semira.

"Iba naman kasi ang level mo," inis akong tumungga ng alak.

"Alam mo," umayos ng pagkaupo si Semira, "for the last time, tutulongan kita. Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko mapapatunayang babae talaga si Dessa."

"Ano naman ang gagawin mo?" kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Patience, Mago," pilyo siyang ngumiti habang tumingin sa nagkumpolang mga tao, "kailanman ay hindi nagkakamali ang kutob ko."

_________________________________________

Nakahiga na si Arlene sa kama ng lumabas ako ng banyo. Tulad ng mga nakaraang gabi, nakatalikod siya sa akin at hindi ko na kinikibuan. Gustohin ko mang kausapin siya, hindi ko naman magagawa kasi baka mauuwi na lang kami sa banghayan.

Humiga ako at ilang segundong nakatitig sa kesame. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Semira pero sana huwag ito umuwi sa gulo. Minsan kasi ang mga balak ng babaeng yun hindi ko maiintindihan. Nagiging successful naman madalas pero sa tuwing na siya ang magbabalak, dadaanan muna namin ang gulo.

Nakiramdam ako sa asawa ko kaya noong hindi siya kumilas nang hawakan ko ang braso niya ay agad akong lumapit. I closed the gap between us as I smell her hair. Mariin akong nakapikit habang parang inuubos ang bango niya sa buhok. Hindi siya gumalaw pero alam ko, sa pamamagitan ng paghinga niya, gising pa siya. Bahagya akong bumangon upang halikan ang kanyang balikat. Wala akong natanggap na reklamo kaya pinagpatuloy ko ang pagbibigay ng maliliit na halik kay Arlene nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin.

"Sugar, halika," pumasok si Semira na para bang walang pakialam na may kasama ako sa kwarto.

"Semira!" inis kong saad sa kanya.

"Don't worry sanay ako sa mga ganyang eksena, although technically not with pregnant women," namaywang ito habang nagkibit balikat.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" nagulat naman ako nang magsalita ang nasa tabi ko. So tama talaga ang hinala ko, gising siya.

"N-nagising ako," nahihiyang nagpaliwanag si Arlene.

"Sexy, asikasuhin ko lang tong si Semira," paalam ko.

"Huwag kang mag-alala, Arlene," saad ni Semira, "hindi ako pumapatol sa mga under the saya."

"Bahala na nga kayo," nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang bahagyang pagtawa ng asawa ko. Ibig sabihin, hindi na niya pinagseselosan si Semira.

"Ano ba ang ipapakita mo?" bulong ko nang mapalapit na ako sa kanya.

Hindi kumibo si Semira ngunit giniya niya ako sa kwarto ni Quinn. Noong una ay nagugulohan ako pero nung buksan ni Semira ang ilaw, tumambad sa akin ang dalawang katawang hubad na pawang pagod na natutulog sa ibabaw ng kama.

"Dessa," tinapik ni Semira si Dessa, "kukunin ako ng kuya mo ngayon. Tingin ko magbihis ka na bago pa kayo maabutan sa ganitong anyo."

Hindi ako nakakibo sa nakita ko pero bilang respeto kay Dessa ay lumabas ako sa kwarto at sumandal sa pader.

"Anong ginawa mo?" kunot noo kong tanong.

"Pinatunayan sayo na babae si Dessa," nakangiting saad ni Semira.

"Alam mo bang pwedeng mapatay si Quinn ng kapatid ni Dessa dahil sa pinaggagawa mo?" saad ko.

"Hindi mo naman sasabihin di ba?" tinaasan ako ng kilay ni Semira.

"Sugar, makinig ka," lumapit si Semira, "sa mundong ito dapat alam mo kung paano makipaglaro sa buhay. Napag-usapan naming mga babae ang tungkol sa mga pwedeng gawin mo upang mapatawad ka ni Arlene."

"T-talaga?" naramdaman ko ang biglang pagliwanag ng aking mukha.

"Oo, pero hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Arlene. Nasabi kasi niya na mag-iisip siya ng tatlong signs na dapat magawa mo para masabi niyang babalikan ka niya. Yun nga lang, hindi niya ito sinabi sa amin," saad ni Sem na nagpabagsak ng aking balikat, "huwag kang mawalan ng pag-asa. May alas ka."

"Alas?" nagugulohan kong tanong.

"Gagawin lahat ni Dessa para mailihim ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Quinn," saad ni Sem habang bahagyang tumingin sa pinto, "takutin mo si Dessa. Sabihin mo na kung gusto niyang manatiling buhay ang mahal niya, sasabihin niya sayo ang lahat na signs na naiisip ni Arlene."

"Paano kung hindi sabihin sa kanya ni Arlene?" saad ni Mago.

"Ang babaeng brokenhearted, minsan nasasabi sa malapit niyang kaibigan ang nasa isip niya," saad ni Semira, "Dessa has the ability to make Arlene spill so use her."

_______________________________-

Not edited .

Not reviewed.

May contain grammatical errors.

r

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now