Chapter 17: Guess who

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala ka. Pinabigay lang kay Piper 'to nu'ng isa sa mga bagong model."

"Bago? Nasaan?"


Parang wala namang bago sa amin dito. Same old faces. Who could it be?


"Nasa office pa ni boss. Sige, una na muna ulit ako. May pictorial pa mamaya."

"Okay, thanks."


I was about to open the drink nang agawin 'yon ni Nate, "Baka may gayuma o lason 'to. Tapon na lang natin."


"OA. Hindi 'yan. Sayang kaya iinumin ko na."


***

How are you? Hunter texted.


Almost an hour ago na since he texted. Ngayon ko lang napansin since I had class.


Fine. May shoot ako today. From school I'll go straight sa office. Ihahatid ako ni Nate. How are you? Are you at No Name? I replied.


After namin mag-amusement park, hindi na kami madalas magkasama ni Hunter. We're both busy with our work and school kaya ganoon. Magkita man kami super saglit lang. An hour or two na ang pinakatagal. Kaya we're communicating by texting and calling each other na lang.

I kinda miss him.

I'm constantly checking my phone to check if he replied or not. Kaya lang nakarating na kami at lahat sa pupuntahan ko, wala pa rin siyang reply.


"Magrereply din 'yon," Nate said. "Baka busy lang. Chill ka lang, Pipes. Mukhang inip na inip ka na sa paghihintay sa reply niya. Kung ako nga inaabot ng kalahating araw bago reply-an ni Tammy pero hindi naman ako nagrereklamo o naiinip."


Maybe he's at No Name nga. Or maybe Nate's right. He's busy with school stuff or family matters. I'll text him na lang later kapag natapos na ako dito.


"Hi, Piper at Nate," Ate Janice greeted us. She's the make-up artist na lagi kaming kinakausap ni Nate. "Hindi dito ang location ngayon. Sa iba tayo mag-shu-shoot. Papunta na kami doon ngayon. Gusto niyong sumabay?"


Napatingin ako kay Nate, "May klase pa ako. Hinatid ko lang si Pipes kasi gentleman ako. Kaya, Pipes, sabay ka na lang sa kanila. Pagtapos ng shoot mo, text mo na lang ako para masundo kita o mapasundo kila Warren."


"Okay. Thanks, Nate. Ingat pagbalik ng school."


Nang makaalis na si Nate ay bigla na lang akong kiniliti ni Ate Janice sa tagiliran, "Kung hindi ko kayo kilala, iisipin ko may something kayo."

I rolled my eyes at her. Kami ni Nate? Eww. Never in my wildest dreams. Not that he's not handsome or good. Kaya lang kasi he's my bestfriend. He's like my brother. Kung magiging kami... taboo!


"Your reaction says it all." Natatawa niyang sabi. "Okay na rin na bestfriend lang kayo. That's better."

"I know, right? Hay nako, Ate Janice. Tara na lang sa location. Kung anu-ano na sinasabi mo."


The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon