Mahika

6 0 0
                                    

Napatingin siya sa paligid at agad napailing. Heto nanaman sila at paboritong almusalin ang chismisan at siyempre paborito nilang agahan ng usapan ay si Clara. Pinagpatuloy niya na lang ang pagwawalis ng mga tuyong dahon at hinawi ang nakatakas na hibla ng buhok sa kaniyang makinis na mukha.

Si Clara Valencia ay labingpitong taong gulang na. Maganda,seksi,masipag at..misteryoso. Pinaniniwalaan ng maliit nilang bayang Sitio Victor na isang uri siya ng mangkukulam at kilala din siyang gumagawa ng black magic o gayuma. Palagi siya ang nilalapitan ng mga tao pag kailangan nila ng gayuma at agaran siyang pumapayag para dagdag sa ipon niya. Balak niya kasing magtayo ng maliit na tindahan para mabuhay siya.

Wala na siyang magulang sa di alam na dahilan. Si Aling Loleng na kumupkop sa kaniya ng halos labingdalawang taon ay pumanaw na sa sakit kaya siya na lang ang naiwan.

Lumabas siya sa maliit niyang barong-barong para bumili ng luya para sa tinolang manok na uulamin niya mamaya. Habang bumibili siya sa tindahan ay naririnig niyang nakikipag-usap ang tindera sa kumare nito habang umiinom ng softdrinks.

"Ano kamo? Magbabakasyon ang anak dito ni Kapitana?" Sabi ni Aling Rosi habang naghahanap ng panukli.

"Oo mare. Yun bang maamo ang mukha? Juskopo! Irereto ko yun kay Camila!" Sabi ni Aling Asuncion. Ang tinutukoy nito ay ang dalaga nitong anak na si Camila na may malaking galit sa kaniya.

"Uh Aling Rosi sukli ko po?" Entrada niya. Mukhang napapasarap na ang mga ito sa kwentuhan at tila nakalimutan na nito ang sukli niya.

"Ah saglit lang Clara." Sabi nito at kumuha ito sa arinolang berde na nagsisilbing lalagyan niya ng mga pera niya. "Ah salamat nga pala ah. Mag nobyo na si Joel at Mayumi. Salamat at tinulungan mo ang anak ko." Sabi nito at tumango lang siya at umalis na.

Ang mga tao talaga sa Sitiong ito,hindi mabasa. Ang ilay galit at ang ilan nama'y nagpapasalamat.

Umaga ng Linggo ay galing sa simbahan si Clara. Naglalakad siya sa kahabaan ng Sitio Victor ngunit iisa lang ang naririnig niyang usapan. Ang pagdadating ni Angelo Cortez na anak ni Kapitana. Matanda bata ay pare-parehong interesado sa paksang ito. Siya man din ngunit di niya ito gaano pinagtutuunan ng pansin dahil may mas importanteng bagay pa siyang kailangan gawin.

Naglagay siya ng langaw,halamang ugat at tuyong dahon sa maligamgam na tubig. Sinalin niya ito sa maliit na bote at pumikit. "Gayuma gayuma,inomin mo at ika'y mamahalin niya." Matapos ang dasal ay binigay niya na iyon kay Marco. Si Marko ay labingsiyam na taong gulang.

"S-salamat Clara. Sana umepekto ito." Hawak ni Marco ang bote at masayang tumingin sa pulang likido na may kung ano anong sangkap. Tumango lang siya at inabit nito ang bayad sa kaniya.

Dumungaw siya sa malaking bintana upang makasinghap ng preskong hangin,pinagmasdan niya ang mga taong abalang abalang naghahanda para sa pagdating nung Angelo. Napailing siya ng makitang dumaan si Joel at ang kasintahan niya. Napangisi siya at napagisip isip. Maraming tao ang nangangailangan ng tulong niya at hindi niya na mabilang ang mga sumubok. Hindi niya alam kung umeepekto o mabisa ang gayuma basta ang alam niya lang ay kung naniniwala ka dito ay tatalab ito. Ngunit dahil hindi lahat ay natulungan niya,madaming nagalit sa kaniya dahil sinabing peke siya at mangkukulam talaga.

Maaga siyang bumili ng sangkap para sa panga-gayuma sa bayan ng may kumalabit sa kaniya.

"Clara.."

Kung pwedeng mapatili siya sa gulat ay ginawa niya na ngunit isa siyang misteryosong babae at ayaw niyang masira ang imahe niya dahil lang parang anghel na binaba mula sa langit ang lalaking galing Maynila sa harap niya. Walang iba kundi ang inaabangan ng lahat,Angelo Cortez.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MahikaWhere stories live. Discover now