Miyu's pov
Maaga akong nagising kasi hindi ko naman ito bahay oh kaya naman tutulong nalang ako, ano naman kaya maitutulong ko, maghugas ng pinggan eh hindi naman ako gaano marunong, magwalis pwede pa pagwawalis lang ang daling gawain nun.
Pero nakauniform na ako, Dapat pala Naisip ko na 'to bago ako naligo nakakahiya naman sakanila aish andami kasing bumabagabag sa isipan ko.
Nung makalabas kasabay kong lumabas ung dalawang magkapatid,"oh vince goodmorning!", bati ko sakanya.
"Good Morning din mhie" vince sabay halik sa pisngi ko kaya agad akong namula, sana hindi niya napansin yon hindi pa ako sanay.
"Oy pre bat nakatayo ka pa diyan may pasok pa tayo, umaandar ang oras." Aniya ni vince sa step brother niya.
"Dito ka ba natulog miyu?." Nagtatakang tanong ni Ivan halatang naguguluhan pa. Ano bang pakke niya tch.
"Oo ehh." sagot ko nalang, hindi naman pwedeng bastusin ko dahil maayos siyang nagtatanong.
"Hindii kita nakita, vince alam ba ni Dad ito?" tanong ni Ivan at bumaling kay vince.
"Hindi pa. kailangan bang lahat ay alam niya? At isa pa ano bang pake niya?." maangas na sagot ni vince, napalunok naman ako.
Bahagya ko siyang siniko, Para umayos medyo napakalas ata.. "Aray!, Mhie bakit nanaman?." Napakamot pa siya sa Sintido niya habang nakatingin saakin. Namumuro kakamhie korni.
'Yaan niyo feel na feel eh'
"Dhie kasi naman, hindi mo ayusin kinakausap ka ng maayos ang angas mo sumagot." Sabi ko , Best actress na ba? pero feel ko naman hahahahahaha.
"Sineswerte ka sa Girlfriend mo pre, Pasalamat ka rin pag-aari mo at matino siya. Dahil kung hinde baka kanina nasa kama ko na yan." Nakangising sabi ni Ivan, nangunot ang noo ko nagsalubong naman ang kilay ni Vince.
"Ulul, Mangarap ka nalang dahil paplanuhin mo palang Naghihingalo ka na." Halatang naiinis si vince pero pinakalma niya ang sarili para hindi matuwa ang mukha ng nang-aasar.
Natatawa nalang na napailing si Ivan at bumaba na. "Gagawin namin sa kama niya? Papaano ako mapupunta don?." Tanong ko, Kinakain ako ng isip ko bumagal ang Function kaya tinanong ko na.
"Liligawan ka niya, gagamitin. Sa lahat ng nagiging Girlfriend ko Flings lang kase lahat sila nakukuha ni Ivan aakitin lang wala na saakin. babalik nalang pag tapos na sila kay Ivan hindi naman ako tanga para balikan sila." Mahabang kwento ni Vince, ganon?.
"Sino first kiss mo?" seryoso kong tanong saka nag-cross arms.
"Wow hotseat ba ito? Syempre secret muna!" aniya niya naman napairap ako.
"Tsk madaya ka!" Angal ko sakanya.
"Ehh ikaw sino? First kiss mo", balik tanong niya kaya oras ko na para Ngumisi.
"Secret ahh!" aniya ko nang-aasar din.
"Tsh tara baba na tayo baka andun na si dad at si tita"-vince
"Tita rin pala tawag mo sa Step mother mo, Parehas tayo kaya lang saakin tito hahahaha ayoko kasing palitan si Dad sa buhay namin." Nakangiwi kong sabi.
Nung makababa kami nakatingin lahat saamin "Goodmorning po.." bati ko ng may kaunting ngiti.
"Goodmorning Hija... Vince ngayon ko lamang nalaman na may bisita ka pala maari mo bang ipakilala?." tanong ng papa ni vince kaya naman napalunok ako.
YOU ARE READING
PRETEND TO BE A NERD (UNDER REVISION)
RomanceSYNOPSIS: MIYU BINEZ The girl who pretends to be a nerd But being a NERD is only her front, It's like a book by its cover, it is just her cover. But a story that's inside the book is the real her. Because she is a Gangster Princess, The POWERFUL PRI...
