Portrait of Love

1.6K 103 11
                                    

Teaser? Preview? Ilang buwan na nasa draft ko 'to. HAHAHA. Bahala na.

To God be the glory!
-Gabby

------
Nakatitig lang ako sa painting sa pader ng opisina ko. Sabi nila ito raw ang pinaka-underrated na painting ng artist dahil raw mabilis na nakakapukaw ng paningin ang obra na 'to. Simpleng family portrait pero malulungkot na kulay ang ginamit samantalang matitingkad na kulay ang ginamit para sa background.Habang tinititigan mo ay parang siyang pintuan na unti unti ay nag bubukas at nakikita mo ang mga misteryo sa painting na ito.Isa lang ako sa mga naakit nito at para akong na-hypnotise dahil hindi ko maalis ang mga mata ko parang yung painter din.

Sumilay na naman ang ngiti sa aking labi sa alala na yun.

"Sir, okay lang po kayo?" Naputol ang pag babalik tanaw ko sa tanong ng secretary ko.

"Yes, I'm fine. Do you need anything?" Tinignan ko ang relos ko, alas singko na pala. Tapos na naman ang araw. Minsan nakakapagod din pag paulit ulit na lang ang routine na ginagawa mo.

"May tumawag po kasi sabi ko tapos na ang office hour pero nag pupumilit po."

"Sige, i-connect mo na sa telepono ko." Saka umalis na siya.

"Hello, this is Architect Thomas Torres. What can I do for you?"

"Hindi bagay sayo! " Prank call ba 'to? Mukhang babae ang caller kahit medyo parang paos ang boses.

"Kung wala po kayong kailangan ibaba ko na po 'to."

"Wait!!!! Di mo ba nakilala yung boses ko?" Actually she sounds familiar pero hindi ko maalala kung sino.

"I'm sorry. Hindi ko maalala eh. Pwede bang sabihin mo na kung sino ka?" Na-curious din naman ako.

"Sa bagay paano mo nga maalala ang boses ko kung lips ko naman ang nakakuha ng attention mo." Kahit hindi ko siya nakikita obvious naman na nang aasar ang boses niya at mukhang kilala ko na siya.

"Ikaw yung painter di ba?!"

"Dapat pala sinabi ko agad na "I'm the one who kissed you inside the utility room." Siguro hindi mo ako susungitan. " Napailing na lang ako habang natatawa sa sarili ko.

"Paano mo nalaman yung name ko at telephone number ko?"

"You gave your calling card." Oo nga pala.

"Why did you call nga pala? Second round? Ikaw ata ng hindi maka get enough sa lips ko." I know it is unethical to talk like this inside your office but I can't help it.

"Silly! I want you to renovate my house." Ahh that's why. Akala ko pa naman she called dahil... I sound and feel disappointed. I don't know why.

"Where can we meet to talk the other details?" Tanong ko. Back to the serious mode.

"Pwede bang sa MOA na lang? Since nasa Pasay lang ang office mo. 3 pm sa Cold Stone"Great idea.

"Sure. Can you give me your number?"

Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.

"A--ahh I need to get your number to contact you in case na-" Why am I stuttering?

"I left my contact details to your secretary, so stop stuttering. You already have my number without working for it." I can imagine her smirk.

"Ahh okay."

"So tomorrow?"

"Yeah,Tomorrow."

Then she ended the call. Shame! I forgot to ask her name, yung initials lang ang alam ko. ASG,ang nakalagay sa painting niya at Art Exhibition. Her name is mysterious as she is. Walang nakakaalam sa loob ng Art Gallery niya na siya pala ang painter ng magagandang painting na hinahangaan ng madaming tao.

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now