In her eyes

3.5K 101 24
                                    

Sabaw? IKR! 😅 This is my favorite one shot na isinulat ko.

-Gabby

TO GOD BE THE GLORY!
---------------------------------------

Maiging sinuklay ni Ara ang buhok at nilagyan ng koronang bulaklak ang ulo niya. Ikinabit niya ang hikaw na bigay ng mama niya noong 18th birthday niya. Suot naman niya sa kanang kamay ang singsing na ibinigay ng kanyang nobyo 2 taon na ang nakakalipas bilang pangako na sila ay mag haharap sa simbahan para mangako na mag mamahalan ng habang buhay.

Muli ay humarap siya sa salamin upang mag lagay ng make up. Kailangan niyang mag mukhang maayos kahit na  sobrang pagod na pagod siya nang yari kagabi. Pilit niyang tinakpan ang maiitim na naka palibot bilog sa kanyang mata.

Kinuha niya ang simpleng puting bestida na binili ng kanyang nobyo upang suotin ngayong araw. 2 pulgada na mas mataas sa kanyang tuhod. Sinuot na rin niya ang sandals na ibinili nilang dalawa noong nag punta sila sa Hong Kong.

Mamaya maya pa ay may kumatok na sa kanyang pintuan.

"Ara, handa ka na?" Tanong ng kanyang matalik na kaibigan na si Mika.

"Paano ba maging handa?" Sagot niya sa kaibigan. "Never ata akong magiging handa sa ganitong bagay."

Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ni Mika sa kanya. She knows that no amount of word could consolidate her bestfriend.

"Halika na. Kanina pa sila nag hihintay sa simbahan."

Tanging katahimikan lamang ang namayani sa loob ng sasakyan. Wala sa kanilang dalawa ang gustong bumasag sa nakakabingi na katahimikan. 

Kung si Ara ang tatanungin ayaw na sana niyang tumuloy sa simbahan ngunit alam niyang hindi ikatutuwa ng kaniyang nobyo ang gagawin niyang iyon.

8 taon na rin silang mag kasintahan. Nag kakilala sila sa unibersidad na pinapasukan at parehas sila ng organisasyon na sinasalihan. Musical Theatre ang nag lapit sa kanilang dalawa. Tuwang tuwa siya nang malaman na may lalaki pala na parehas ng kanyang hilig. Nag umpisa ang lahat sa pag sama sa kanya tuwing manonood siya ng play hangang sa mag kapalagayan ng loob ng dalawa.

Ara never planned to fall in love that early but destiny says otherwise.

"Manong, pasalang nga po yung CD  ng Les Miserables." Sinunod naman ng kanyang driver ang hiling niya.

Napangiti na lamang ang dalaga ng marinig ang unang kanta.

How strange, this feeling that my life's begun at last
This change, can people really fall in love so fast?
What's the matter with you, Cosette?
Have you been too much on your own?
So many things unclear
So many things unknown

She remembered how they had their first argument because of Cosette.

"Cosette is one of the most mababaw na character ever! Imagine she always needs a man and how can she fall in love just by having an eye contact with a guy in a public place?" Loud and proud. She's raising her voice inside the condominium of her boyfriend.

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now