Chapter 3 "Warm Heart"

Start from the beginning
                                    

"Kahit anong sumbong mo, I'll end up winning Nerd. You think you can beat me? Umasa ka.." napalabi ako sa sinabi niya.

Ngunit bumukas bigla ang Pintuan dahilan para magulat si mommy. "Stella, stop it! Bakit mo ba sinasabunutan ang kapatid mo!" aniya ni mommy kaya naman nalungkot ako dahil pinagtanggol niya ako.

'Mommy..'

Nang bitawan ako ni stella ay suminghal siya. Agad naman akong niyakap nang Mom ko tapos doon ay yumakap ako pabalik, nakakamiss maging anak nang nanay ko. "Ayos ka lang ba anak? Anong nangyari huh?" nag aalala nitong sabi.

"Mommy I need to talk to you, Upstairs.." nag mamakaawa kong sabi sakanya.

"Okay, Baby.. We'll do that." nakahinga ako nang makuwag.

Nang makapasok at aakyat palang ay nakita ko na si Stella na umiiyak habang nakayakap sa Father niya, eto nanaman siya sa Acting niya..

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong Sigawan at maging kaaway ang kapatid mo Miyu!" napalabi ako nang sigawan ako nito.

"Hindi ko rin kayo maintindihan tito! Mali ang anak niyo! Pero pilit niyo siyang tinatama at kinukunsinti sana inalam niyo muna yung kwento!" sigaw ko.

"Napakabastos mo para sigawan ako Miyu, sa tingin mo ba ay tama rin yan?!" huminga ako nang malalim.

"Umaawat lang ako dahil nakita kong sinabunutan ni Stella si Miyu, Hon.." sagot ni Mommy at umiwas tingin.

"Kaya sinigawan mo si stella? Alam mong hindi ko sinisigawan ang anak ko.. Miyu, Lumayas ka na muna." napamaang ako sa sinabi nito.

"Mawalang galang na tito, pamamahay namin to! Saakin nakapangalan ang Lupa at ang bahay na to hindi kay mommy!" galit na sigaw ko.

"Kung ganun kami ang aalis." nang sabihin yon ni tito ay matutuwa na sana ako..

"Hon, Please dont.. Ayoko nang maiwan.." nakagat ko ang ibabang labi tapos naikuyom ang kamao.

Mahal na mahal niya talaga si tito ah, Huminga ako nang malalim.

"You don't need to go, tito. I can handle, ako nalang ang aalis mommy. Atleast ako hindi naman ganun kawalan." mahinang sabi ko at yumuko.

"Anak.." huminga akong muli nang malalim naiipit ang mommy ko over me and tito.

Malungkot at umiiyak akong Umakyat papunta sa kwarto ko dahil nabalot na rin nang katahimikan sa ibaba. Nag impake ako nang gamit ko upang makaalis na rin sa bahay na to, masasakal at masasakal lang ako.

Matapos kong nagsulat ay huminga ako nang malalim at Nilagay sa iisang bag ang mga Gamit ko sa School at ang Uniforms ko tapos mga damit, Pera at Mga gadgets.

Matapos akong mag impake ay naisipan ko munang maligo matapos ay Kinuha ko ang mga gamit at sa back door ako dumaan upang hindi makita nang iba, lalo na ni yaya tiyak kong sasama yon saakin at mas mahihirapan lang siya.

Nakalugay lamang ang buhok ko at nakapang bahay lang ako, Habang buhat buhat ang gamit ko kahit mabigat ay hindi ko na ininda. Ngunit kinabahan ako nang makitang may lasing na lalake.

"Tumakbo ka na kung ayaw mong masaktan bataaa!" napalunok ako at mabilis na tumakbo papaalis doon, kanino ako pupunta? Sinong pupuntahan ko?

Huminga ako nang malalim tapos inilabas ang cellphone ko, Tinext ko si Darl ang pinsan ko ngunit walang reply it's either tulog na siya o busy..

'Si vince?'

Huminga ako nang malalim tapos ay Tinext ang Number ni Vince tinatanong kung pepwede ko siyang makausap inalam ko na rin ang bahay niya.

PRETEND TO BE A NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now