Taas noo syang naglalakad at walang pakialam sa mga napapatingin sa kanya o nakatingin sa akin dahil kasama ko sya.

Pinagmasdan ko ang mga hakbang nya kung saan sya papunta at doon sya naglakad sa may direksyon ng F6! Hinanap ko sa grupo nila si Gaelan.

Aist! Oo nga pala, nandoon pa yon sa old building. Hindi ako dapat matakot, magpapatay malisya ako, tama!

"Oi, Zeus. Chick mo." Siniko ni Ice yung Zeus na tinutukoy nya.

Umismid si Selene at humalukipkip kay Ice.

"Kuya Zeus, bili mo ako ng food saka si Ria. I want double cheeseburger---"

"Without mayonaise, extra cheese sauce, no tomatoes plus fries without salt and caramel sundae." Tumatayo na si Zeus habang dinidikta ang mga sasabihin ni Selene. Napaawang ang labi ko. Galing!

"Bangis. Memorize." Humalakhak ang isa pang chinito na F6 na naalala ko sa pangalang si Kiro.

"Kuya mo?" Tanong ko kay Selene habang naglalakad papalayo si Zeus. Pinagmasdan nya din si Zeus pagkatapos ay umirap.

"Hindi."

"Ah, pinsan mo?"

"Hindi din.."

"Eh ano?" Imposible namang sunud-sunuran sa kanya ang taong yon na hindi man lang sila blood related. Kuya pa nga ang tawag nya.

"Slave ko sya. Haha!" Humalakhak si Selene habang hinihila ako sa bakanteng lamesa na medyo malayo doon sa F6.

"Upo ka dyan dali." Hinila ni Selene ang isang monobloc at nginuso yon para umupo ako na syang sinunod ko naman.

"Tumingin ka sa paligid mo." Utos ni Selene. Umikot ang mga mata ko. Wala namang kakaiba bukod doon sa lahat ng mata ay nandoon sa F6.

"Nakatingin sila lahat sa F6." Nagkibit balikat ako.

"F6?" Kununot ang noo niya.

"Parang F4 eh. Yun bang big deal yung presensya nila tuwing papadaan na sila. Lahat lilingon at halos sambahin sila. Ayun nga lang pito sila. F7 sila kanina pero ngayon anim lang sila kaya F6." Nagkibit balikat ako. Tinitigan ako ni Selene na parang hindi makapaniwala, mamaya lumapad ng husto ang ngiti nya.

"I like you!" Humagikgik syang muli.

"Pero eto seryoso ha. Mag-iingat ka sa pitong yan. They seem quiet but looks can be deceiving." Bumulong sya sa akin at pinagdikit ang monobloc namin.

"They guy in Sky Blue shirt..." Panimula nya. Pasimple akong lumingon sa kanan kung nasaan ang F6. "That's Rye. Rafael Ace Garcia. They own G Towers, yung pinakasikat na condo developer sa bansa."

Si Rye, hindi mo sya mapapansin dahil parati syang nakayuko. Moreno at mapula ang mga labi. Walang ekspresyon ang mukha nya at ang tanging gumagalaw sa kanya ay ang kanyang kilay.

"Pinsan ni Rye si Ice. Pinsan ko din si Ice. Isaiah Ezekiel Jacinto. Wag kang magpapadala sa ngiti nyang lokong yan. Madaming nagpakamatay dyan." Umirap pa si Selene sa kanyang pinsan ng magtama ang kanilang mga mata. "He's filthy rich, they own 70% of the malls in our country and 40% of Dubai."

Si Ice, laging may nakakalokong ngiti. He flaunts dimples most of the times. Sya din ang madalas mong maririnig na tumawa sa kanilang lahat.

"Yung dalawang singkit. Kambal yan, half japanese. Yuki at Kiro Yushima. They have a security and intelligence business, isa ang Philippine government sa kliyente nila, pero small time lang ang Pilipinas, they also work for Japan, Russia and South Korea."

THE BAD BOY'S  SLAVEWhere stories live. Discover now