Simula

54.5K 880 23
                                    


                HINDI lingid sa kaalaman ng batang si Budoy na ampon lang siya ng mag-asawang Tatay Carlos at Nanay Purita. Ang kuwento ng Tatay Carlos niya ay sanggol pa lang siya nang makita ng mga ito sa likod ng simbahan. Galing sa simbang gabi ang mag-asawa ng madaling araw na iyon. Doon kasi ang shortcut pauwe sa bahay ng mga ito. Nang makita siya ni Tatay at Nanay niya ay nagdesisyon ang dalawa kunin siya at palakihin na parang tunay na anak ng mga ito. Iyon ang hiling ng mga ito sa Diyos, ang magkaroon ng anak. Siya diumano ang katuparan sa hiling na iyon ng dalawang matanda. Ang pagdating niya sa buhay ng mga ito. Nasa labing-isa na taon na si Budoy at nag-aaral sa grade four. Gayunman, patuloy pa din siya sa pagtulong at pagtitinda ng sampaguita kapag wala siyang pasok. Nagkukulang man ang mga ito sa materyal na bagay ay busog naman siya sa pagmamahal ng dalawa.

Isang payapa na gabi sa bayan ng Pagbilao habang mahimbing na natutulog ang pamilya ni Budoy. Sa sobrang pagod ni Nanay Purita ay nakalimutan niya patayin ang gasera na ginamit na nagsilbing ilaw nila sa madilim na kubo na tinitirahan. Mahimbing ang tulog ng mag-ama at dahil na rin sa pagod at katandaan ni Nanay Purita ay nakatulog na siya. Nang may pumasok na pusang gala at naghalungkat ng makakain sa lamesa ng bahay-kubo. Doon nakapatong ang gasera na hindi sinasadyang natabig ng pusa. Nalaglag ang bote sa sahig at nabasag na nagdulot ng apoy sa kabahayan. Huli na nang mapansin ang pagsiklab ng malaking apoy na halos tumupok sa kabahayan.

Nagising si Budoy nang maramdaman ang kakaibang init. Nagmulat siya ng mga mata at inikot ang paningin sa paligid. Napabalikwas siya nang makita na nasusunog ang maliit na kubo nila. Agad na pinuntahan niya ang Nanay Purita at Tatay Carlos niya. Mabilis na tinulungan niya si Nanay Purita na dalhin palabas si Tatay Carlos niya. Palabas pa lang sila ng silid nang bumigay ang isang nagbabagang kahoy at bumagsak iyon kay Nanay Purita. Naiyak na si Budoy sa sobrang pag-aalala at takot sa nangyari. Pinagtulakan sila ng matanda na lumabas na doon ngunit tila naparalisa ang buong katawan niya. Bumalik si Budoy sa huwisyo nang sumigaw ang Tatay Carlos niya na lumabas na siya. Ayaw man niya iwan ang mga umampon at umaruga sa kanya ay wala siyang nagawa. Naisip na lang niyang lumabas at humingi ng tulong sa ibang tao. Pagkalabas niya ay papunta pa lang ang mga tao at ang tulong. Tila gumuho ang mundo ni Budoy nang tuluyang lamunin ng apoy ang buong kubo at bumagsak ang mga pundasyon niyon. Naramdaman niyang pinigilan siya ng mga taong naroroon nang akma siyang susugod para iligtas ang mga magulang. Nang gabi din na iyon ay namatay ang mga ito sa sunog.

Isang linggo na ang lumipas nang mamatay ang mga umampon kay Budoy. Kinabukasan niyon ay inilibing na ang mga ito. Walang kamag-anak ang mga magulang kaya tulong mula sa mga kapitbahay at mga taong nakakikilala ang tumulong upang maipagpalibing ang mga ito. Sa edad niyang labing-tatlo ay hindi alam ni Budoy kung ano ang buhay na naghihintay sa kanya. Nawala ang pagiging masiyahin siya. Halos wala itong imik kapag kinakausap ng mga taong nakikiramay. Walang mababakas na emosyon sa mukha kapag tinitignan. Madalas ay nananaginip din ito sa nangyari sa mga magulang. Mabuti na lang at mabait si Kapitan kaya sa bahay muna nito ang mga abo ng mga magulang. Dahil na rin halos masunog ang mga labi ay pinagpasyahan na lang na ipa-cremate ang mag-asawa.

Sa loob ng apat buwan ay kinupkop si Budoy ng Kapitan. Dahil na rin sa paga-alala nito at ng mga tao sa bayan nila ay minabuti nito dalhin ito sa ospital. Naga-alala ang mga ito sa katahimikan at palagi wala sa sarili ni Budoy. Nang tinignan ito ng isang psychologist ay dumaraan diumano si Budoy sa isang Post-traumatic stress disorder o PTSD. Isang emotional disorder na bunga nang isang traumatic experience na naranasan ng isang tao. Ang pagkamatay ng mga magulang ang dahilan nang pagka-trigger ng emotional stress nito.

Talaga naman na mabait ang Diyos kay Budoy dahil sinagot ng mag-asawang Baltazar na matagal ng tumutulong sa mga tulad niyang bata. May mabuting loob ang mga ito sa pagpapagamot niya. Nang malaman ng mag-asawa ang nangyari sa bata ay kinausap nito ang Kapitan na kukunin si Budoy. Tutal naman ay hindi kaya pa ng Kapitan ampunin si Budoy dahil na rin sa hirap ng buhay. Sapat lang ang suweldo nito para sa pamilya kaya hinayaan na nito si Budoy sa mag-asawa. Isa pa mabuti rin iyon kay Budoy dahil may pera ang mga ito pampagamot rito. Ayon sa dalawa ay may orphanage ang mga ito sa Maynila na pinatayo ng mag-asawang Pamela at Gustavo para sa mga ulilang bata. Ugali na ng mag-asawa ang tumulong lalo na sa mga batang tulad ni Budoy na wala ng pamilya.

Hindi ito pinabayaan ng mag-asawa. Dinala nga siya ng mga ito sa orphanage at ipinaramdam ng mga tao doon na hindi siya iba. Na kailangan niya mabuhay at hindi mawalan ng pag-asa pagkatapos nang masamang nangyari sa kanya. Naging masigasig ang nagi-isang anak ng mag-asawa na si Anna para pasiyahin siya. Madalas kahit hindi niya ito iniimik at pinapansin ay patuloy pa rin ito sa pagngiti at pagkausap sa kanya. Tuwing wala itong pasok ay pumupunta ito sa orphanage at kinukulit siya. Kapag tumititig ito sa mga mata ni Budoy ay libo-libong paru-paro ang lumilipad sa sistema niya. Hindi nalalayo ang edad nito kay Budoy. Nang makita ni Budoy ang batang babae ay nabighani na siya sa magandang mukha nito. Tila ito isang anghel sa amo ng mukha at tila snow ang kutis sa sobrang kaputian. Maganda rin ang mga mapupungay na mga mata nitong pinaresan ng mahahabang pilikmata. Katamtaman ang tangis ng ilong, mapintog ang mga pisngi at kasing pula ng cherry ang labi nito. Sa tingin niya ay isa itong masiyahin na tao. Palaging may nakapaskil na ngiti sa labi nito. Hindi man siya pamilyar sa emosyon na iyon ay gusto niya kung paano bulabugin niyon ang buong pagkatao niya.

Umabot ng dalawang buwan pa ang psychotherapy nito. May nakita naman kahit paano na improvement sa kondisyon ni Budoy. Hanggang nang isang araw ay nagising na lang si Budoy na hindi nito kilala ang sarili. Nagtaka man si Anna at ang mga magulang sa naging reaksyon nito nang minsan na magsalita ito at sinabi sa mga ito na hindi nito kilala kung sino ang sarili at kung bakit naroroon ito, ay naging malawak pa ang naging pag-unawa ng mga tao doon kay Budoy. Ayon sa psychologist ay sanhi pa rin ng PTSD at naging defense na ng utak nito na tinatawag na Avoidance ang pagkalimot na iyon. Nang makita ng mag-asawa ang pagbabago ng ugali ni Budoy malayo sa dating ito ay nagpasya na lang ang mga ito na itigil na ang pagpapagamot ng bata. Nagagawa na kasi nito makipag-usap, ngumiti at sumabay sa kapwa nito. Naisip kasi ng mga ito na mas mabuti kung hindi na nito maalala ang masamang nakaraan nito. Alam ng mga ito na hindi patas iyon ngunit sa nakikita nilang malaki na pagbabago nito ay mas naging mabuti ang tingin nila sa kalagayan at kondisyon nito.

Simula niyon ay naging normal na ang buhay ni Budoy. Naging masiyahin na ito at sobrang laki ng pinagbago. Iniingatan ng mga magulang ni Anna na hindi ma-trigger si Budoy upang maalala nito ang hindi magandang karanasan nito sa nakaraan. Kaya kahit may kaunti silang alam sa nakaraan ay itinago na lamang nila. Para makapag-bagong buhay ito. Habang nagwawalis sa bakuran ng orphanage si Budoy ay sumulpot sa kung saan si Anna.

"Hello!" Masayang bungad nito.

Nilingon niya si Anna at nginitian. "Hi! Kumusta ang araw mo?"

"Ayos naman." Ngumiti siya kay Anna. Kitang-kita niya kung paano kuminang ang mga mata nito. "Ang cute mo talaga kapag ngumingiti."

Namula siya sa naging turan nito. Tumikhim siya. "Hindi naman, ikaw talaga." Nahihiyang sabi niya.

"'Di ba papasok ka na next school year. Dapat maging ready ka na sa pagbalik sa school. Tara, tuturuan kita." Aya ni Anna papasok kay Budoy.

Pinigilan niya si Anna kaya napalingon ito sa kanya. Bakas ang pagtataka sa mapupungay na mga mata nito. Nagbaba ng tingin si Budoy. Simula kasi nang magising siya na walang maalala ay walang nagsasabi kung ano ang pangalan niya. Walang nakakikilala sa kanya. "Kakausapin ko sana ang mga magulang mo na hindi ako maga-aral. Baka kasi mahirapan ako. Alam mo naman na wala ako'ng maalala kahit nga pangalan ko hindi ko alam."

"Dunhill," Malumanay na sabi nito.

Nag-angat siya ng tingin. Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang sinabi nito. Dunhill? Nakatitig ito sa kanya. May kung ano ang humaplos sa puso niyang nang lumapit ito at haplusin ang pisngi niya. "Simula sa araw na ito ay ikaw na si Dunhill. Kaya sa ayaw o gusto mo maga-aral ka at gagamitin mo ang pangalan na 'yan. Hindi ka puwede tumanggi dahil pinalakad na ni Daddy ang mga kailangan mo para makabalik sa school. Alam mo ba? Ako ang nagbigay ng name na 'yon para sa'yo."

Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay may napagtanto siya. Mabubuhay si Dunhill para sa dalagitang nasa harapan niya.

The Price of Vengeance (COMPLETED IN DREAME)Where stories live. Discover now