Chapter 20

17.1K 388 10
                                    

" Ahh oo, wait lang. " Haharap na sana ako ng may dalawang kamay ng pumatong sa balikat ko.

" Who's that? " He mouthed. Medyo nilayo ko yung telepono bago ko siya sinagot. Humarap ako sa kanya, kaso mukhang wrong move ako. Pagtingala ko ay malapit na mukha ni Eziekel ang bumangad sakin. Naipit ang hiningang dapat na papakawalan ko, kaya bahagya akong lumayo bago ko sinagot ang tanong niya.

" uhm s-si Lilaine, fiance mo daw. " Nakita ko siyang bumuntong hininga bago niya kunin yung telepono. Gumilid ako para bigyan siya ng daan. Dapat ay umalis na ko pero may pumipigil sakin na dapat kong marinig yung pinag-uusapan nila.

" What?.. Stephanie... I know... I'm a busy person Lilaine, and you know that... Fine. " Malamig ang tugon nito habang kausap si Lilaine hanggang sa ibaba niya ang tawag. Tumingin ako sa kanya. " why? " Bakit ba ko nandito?

" Ahh ano. Uhm magpapaalam sana ako na ano--lalabas lang sana ako kasama si Rose. Isasama ko na lang si Noah, kung pwede. " Tatawagan ko na lang si Rose, wala lang talaga akong maisip na dahilan saka kailangan ko talagang makausap si Rose.

" Okay, make sure na mababantayan mong maigi si Noah. Saan ba kayo at anong oras kayo uuwi? " Pilit niyang sinasalubong ang mga mata ko, pero ako naman 'tong umiiwas." Mga before 3 nandito na kami saka dun lang kami sa mall na malapit sa opisina niyo. " Yun lang rin kasi ang pinaka malapit na mall dito. Ayun na rin naman ang napagkasunduan namin ni Rose.

" Okay, susunduin ko na lang kayo. " Tumango na lang ako saka ko siya tinalikuran.

Umakyat na ko kung na saan si Noah, binihisan ko na siya ng pang-alis na damit. Tinawagan ko na rin si Rose na magkita nga kami sa sinasabi kong mall. Pumayag naman agad ito dahil matagal tagal na rin yung huli naming pagkikita.

Pagkatapos kong asikasuhin si Noah ay naligo na rin ako. Pagkatapos ay bumaba na kami ng hagdan saka sumakay na sa kotse na binigay ni Eziekel. Pagkadating namin doon ay agad naman namin nakita si Rose sa isang coffee shop na naroroon.

" Noaaaah! Grabe ngayon na lang ulit kita nakita! " Tumakbo si Rose papunta sa direksyon namin saka niyakap si Noah, halata rin sa mukha ni Rose na miss niya din si Noah." Tita Rose! " Niyakap siya pabalik ni Noah. Si Rose ang unang bumitaw tapos ako naman ang pinagbalingan niya ng pansin.

" Kamusta ka na babae ha? Tagal mo ng walang paramdam ah! " Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ko kinuha si Noah.

" Excuse me, ha? Pwede mo naman akong itext, diba? Baka ikaw ang nakakalimot, porkit may asawa ka na. Pssh " Kunwari'y pagd'drama ko, sinimangutan naman niya ako na parang bata.

" Sorry naman, medyo naging abala sa--alam mo na paggawa ng baby. " Hinampas ko siya sa braso kaya tumigil siya sa pagtawa. Walang preno ang bibig, parang wala kaming kasamang bata. " Aray! Sadista ka talagang babae ka! Buti nakakatagal sayo si Eziekel eh. " This time ako naman yung sumimangot, dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ni Eziekel.

" Pa'no naman nasama sa usapan si Eziekel? " Tanong ko dito.

" Daddy? " Tinignan ko si Noah, ngumiti ako sa kanya.

" Nothing baby. Do you want to eat first? " Tumango naman siya sa suhestyon ko. " Okay, let's go. Hanap tayo ng makakainan. " Kinuha ko yung kamay niya nilingon ko naman si Rose saka ito tinanguan.

Naglakad-lakad sila para humanap ng makakainan, agad naman tinuro ni Noah yun isang Japanese restaurant kaya napagpasyahan na dun na lang kami kumain. Magkatapat kami ni Rose habang na sa tabi ko naman si Noah. Habang naghihintay kami sa in-order naming pagkain ay nagkwentuhan lang kami ni Rose tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari samin nung mga panahon na hindi kami magkasama.

Hangga't maaari kaming dalawa lang ang nakakarinig ng pinag-uusapan namin, iniiwasan kasi namin na marinig kami ni Noah at baka magtanong ito. Maya-maya ay dumating na yung order namin, onti lang ang kinain ko kaya sila ni Rose ang naka-ubos ng in-order namin.

" What do you mean na muntik ng may mangyari sa inyo ni Eziekel? " Gulat pero pabulong pa rin na tanong ni Rose. " I'm stupid, right? Alam ko sa umpisa pa lang ay ikakasal na sa iba si Eziekel pero muntikan ng may mangyari saming dalawa. " Mapait akong ngumiti. Ikakasal na siya, at ang sakit isipin.

"Step. You're not stupid. " Hinawakan niya ang kamay ko saka bahagyang pinisil iyon. Pagktapos namin kumain nag-desisyon kaming maglakad-lakad na muna.

" Mommy! Look, can I play there? " Excited na tinuro ni Noah yung playground na nasa loob ng mall.

" Sure. " Maganda na rin 'yon para mas makausap ko na si Rose ng kami lang dalawa.

Pumunta kami sa tinuro ni Noah, kumuha ako ng pera sa bag dahil may bayad don. Pagpasok ni Noah sa loob ay niyaya ko si Rose na umupo sa isang bench.

" Diba sabi mo best friend mo lang ang kasama mo nung panahong naaksidenta ka? Why don't you try to ask her about what happened 5 years ago sa buhay mo? I mean she's your best friend Step, imposibleng wala siyang alam sa nangyari sayo bago ka maaksidente. "

Naalala ko yung sinabi ni Alice sakin kahapon nung nagpa'check-up ako sa kanya. Kailangan kong balikan yung mga panahong bago at pagkatapos kong maaksidente.

" Huyy ano na? " Tanong ni Rose. Humarap ako sa kanya.

" Rose... Ano... Ano ba yung buhay ko bago ako maaksidente? " Tinignan ko sa mata si Rose, sinusubukan kong tignan yung magiging reaksyon niya. Pero wala akong mabasang emosyon, blanko.

" Bakit? May naalala ka na ba? " Tanong niya na ikinailing ko.

" Hangga't maaari wag ka munang magtitiwala sa kahit na sino. Stephanie, ako lang ang pwede mong pagkatiwalaan. Hindi yung best friend mo o kahit pa si Eziekel. "

" Wala, pero kasi diba? Hindi ko matandaan yung nangyari sakin five years ago. Nac'curious lang ako. " Pagkasabi ko non ay bahagya siyang tumawa na ikinataka ko.

" Gaga ka! Akala ko pa naman may naalala ka na. Eh diba sabi ko sayo noon, nagkakilala tayo sa isang party sa Ilocos. Ikaw, nandon ka kasi yung boss mo may business proposal sa resort na pinagt'trabahu-an ko. Nag stay kayo 'don almost a month tapos ikaw pupuntahan mo na yung resort dahil ikaw ang nautusan na tignan yung resort namin, tapos nung nasa byahe ka na saka naman naaksidente yung sinasakyan mo. Eh nagkataon na nandun rin ako sa hospital kung saan ka sinugod kaya ayun, eh wala ka naman kamag-anak na naghahanap sayo. Kaya ako na yung nag-alaga sayo nung panahong nagre-recover ka pa, hanggang sa tayo na lang yung nagkasama. " Ngumiti ako sa kanya para itago yung panghihinayang ko sa nakalap kong balita, dun lang pala kami nagkakilala ni Rose. Kaya pala nung panahon na nagising ako ay hindi ko siya maalala.

" Ganon ba? Thank you Rose ah. " Hinawakan ko yung kamay niya, saka siya niyakap. Ang swerte ko at may ganito akong klase ng best friend.

" Ano ka ba? Wala 'yon, pero kung nakaka-alala ka na nandito lang ako. " Bulong niya, kumalas ako sa pagkakayakap ng may tumawag sa kanya. Kinuha niya yung cellphone niya sa bag niya saka tinignan yung caller, hindi ko naman maiwasan silipin yung cellphone niya na bahagya ikinunot ng noo ko. Umiwas ako ng tingin ng lumingon siya sakin . " Ah excuse me, sasagutin ko lang. " Bahagya akong ngumiti saka tumango.

Bakit ganon? Ang dami-daming pangalan na pwedeng tumawag sa kanya bakit ayon pa? Kaya pala familiar sakin yung pangalan na yon, kasi narinig ko na 'yon ng minsan ng banggitin ni Rose yung pangalan na 'yon.

Sino ka ba? At bakit parang familiar ka na rin sa akin?

Itutuloy...

Wanted: Mommy for hire [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя