"Be,alam mo namang mahal na mahal ka ni Mama diba?" Tanong ko sa kanya. Marahan naman siyang tumango saka ngumising muli.

Wala na. Nang dahil sa ngisi nya'y mas lalo akong nahihirapan sa lahat ng desisyon ko. Hindi ko na kung anong dapat kong gawin.

I know darating ang panahon na isa-isa na siyang magtatanong kung bakit wala siyang Papa katulad na lamang ng pagtatanong niya sa akin nung isang araw. Alam kong kahit na ganitong masaya siyang kasama ko ay hindi pa rin mawawala sa isip niya yung mga katanungang kinatatakutan kong sagutin.

Hindi ko alam kung saan ba ako natatakot. Sa katotohanan bang hindi ko maibibigay ang Pamilyang gusto niya o ang hindi ko siya maipakilala sa tunay niyang ama o ang mawala siya sa tabi ko? Hindi ko na alam. Baka nga lahat ng iyon ay kinatatakutan kong mangyari.

Buong buhay ko wala akong hinangad kundi ang buo at masayang pamilya. I know I had it before pero iba ito ngayon. Nahihirapan akong magdesisyon dahil hindi na lamang ito tungkol sa akin. Kundi sa buhay na dapat magkaroon ang anak ko.

"Be,sorry kung hindi pa kaya ni Mama na makita mo siya ah? Natatakot lang kasi ang Mama na mawala ang baby Hendrix sa kanya. Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal." Makahulugang saad ko saka niyakap siya. Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang dalawang kamay niyang yumakap din pabalik sa akin.

"M-mahal din ni Hendrix si Mama po." Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko ng marinig ko iyon kasabay ng pagbabalik ng mga ala-ala ng makausap ko siya noong araw na iyon.

Pauwi na sana ako matapos kong manggaling sa isang grocery store dahil naisip kong magbake ng cupackes for Hendrix since nahihilig siya sa matatamis nitong mga nakaraang araw. Ayoko sana siyang masyadong pinapakain ng matatamis dahil masama sa health niya dahil puro sugar. Buti na nga lamang ay marunong siyang makinig talaga.

Hindi ko naman siya pinalaking spoiled. Ayoko ng ganoong bata. Mas nagiging pasaway kasi kapag nai-spoiled sa isang bagay. Kaya minsanan ko lang siyang pakainin ng matatamis. Ewan ko ba sa batang iyon,hindi ko naman maalalang sa matatamis ko iyon ipinaglihi.

Habang nag-aabang ng masasakyang taxi ay nakaramdaman ako ng tubig mula sa itaas. Isa-isa hanggang sa dumami na ito. Naman! Ngayon pa umulan!

Sumilong ako sa isang waiting area habang naniningin ng Taxi na masasakyan pero ilang minuto na ata ang lumilipas ay wala parin. Bakit kung kailan mo kailangan ng masasakyan ay saka walang magsasakay sa iyo? Hay nako. Mga tao nga naman ngayon. Kahihirap kausap.

Just A Mistake ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat