Special Chapter ( Chammy 1.2 )

Start from the beginning
                                    

"So pinayagan na sya ni Lolo-tatay?"

"Yup. He admired Rj after that. Kasi he reached out to my family. Sya yung nag adjust kumbaga and that leads to Tatay's trust on him. Halos lahat ata ng pupuntahan kong event kasama ko Tatay mo kasi kung wala sya si Kuya or si Dean ang kasama ko. Pinagkatiwalaan nya si Rj kasi alam nyang mabuting tao ang Tatay mo. Kung tatanungin mo ko about your Tatay's effort? Then effort kung effort Patch, kasi superman ko sya. To the rescue lagi kapag kailangan ko sya." Meng

"Swerte nyo talaga kay Tatay, Nay."

Meng's POV

Alam ko, may kutob akong may gustong sabihin si Chammy, pero di nya lang masabi kasi takot sya. Dalawa lang yan eh. It's either may nagawa syang ikagagalit namin ng Tatay nya or may lalaki na sa buhay nya. And may kutob akong yung pangalawa yun.

"Patch, nanay mo ko. Alam ko kung may bago o mali sayo. Nak, i'll ask you something, please be honest to me. Ok?" Meng

Tangu lang ang sinagot ng anak ko.

"May nanliligaw na ba sayo?"

Napatingin lang si Cham sakin.

"Magagalit ka ba sakin kung meron Nay?" Chammy

"So meron nga Patch?"

Tumangu lang ulit sya at yumuko agad. Napa ngiti naman ako. Ambilis ng panahon, malalaki na ang mga anak ko. Binata't dalaga na.

"So how is he? Pinapasaya ka ba nya? Kilala ko ba sya?"

Nagtatakang tumongin sya sakin.

"Nay?" Cham

"Di ako galit. Don't tell tatay ha. Kwento naman jan Nak oh."

Bigla akong niyakap at napangiti na ang anak ko.

"Actually nameet mo na sya once Nay. Sa school ng hinatid mo ko." Cham

"Really? Yun ba yung kaasaran mo sa School?"

"Yep." Cham

"The brazilian guy, may taste talaga pumili tong anak ko. Mana sa nanay!"

"Nay naman!" Cham

"I know he's a good man. I can feel it. Mother's instinct maybe."

"Nay can i ask a favor?" Cham

"Ano yun?"

"Pwede mo ba akong tulungan na sabihin to kay Tatay? Ayaw ko kasi ng naglilihim sa kanya eh. And even Lukas Jose, he wants to talk to Tatay. Ayaw din kasi nya. Parang illegal na panliligaw daw. Wala naman daw dapat itago kasi malinis ang intensyon na pero takot lang ako sa reaction ni Tatay" cham

"Let him come tomorrow. Wala si kuya mo, so si Tatay mo lang yung haharapin nya. Or pwede ding after school nalang bukas tapos wag na natin sabihin kay Tatay. Biglain nalang natin para walang palag si Tatay mo."

"Nay naman."cham

"I'm serious Cham. Ako bahala kay Tatay mo bukas. Dito na kayo magdinner i'll cook your favorite."

"Thanks Nay. Yabuu!" Cham

"Gusto mo din sya nuh?"

Napa blush agad ang anak ko na ikinatawa ko naman.

"Wala na. In Love nga. Hahaha. Patay ka Tisoy. Tingnan natin reaction mo bukas."

"Si Nanay talaga oh. Si tatay na naman inasar mo eh." Cham

"Sige phinga ka na big day mo bukas. Beauty rest na para maganda bukas."

Iniwan ko na sa verandah ang anak ko at pumunta na sa kwarto.

Someone's POV

Pumasok na sa kwarto nya ang dalaga ng biglang naka receive sya ng message from Lukas.

From: Lukas Jose

"Good night Cham, see you at school tomorrow. Sleep tight and please don't dream of me kasi baka naisin mong matulog nalang habang buhay kasama ko sa panaginip mo. Joke!

Pwera biro, Sweet dreams my Angel. I love you..."

Napangiti naman sya.

To: Lukas Jose

"Hou matulog ka na nga. Antok lang yan.

Good night Lukas Jose! See you!"

Natulog narin si Chammy hoping na maging maayos ang lahat kinabukasan.

Life after 7yrs (An ALDUB Fanfic) {Completed}Where stories live. Discover now