Chapter Ten: The End

10.6K 302 73
                                    

HANDA NA ang lahat ng gagamitin nila. Nakagawian na pala ng magkakapatid na sa tuwing magsasama-sama ay magtatanim ng mango seedling sa likod ng kani-kanyang mga bahay upang mapadami ang mga fruit-bearing trees sa buong bakuran. Ang mga mag-asawa at mga anak nila ay nagpuntahan na sa tapat ng mga bahay. Sila ni Red ang magkapareha sa oras na iyon kaya naman hindi maipaliwanag ni Violet ang nararamdaman niyang saya.


"Oh, ganito. Ako ang magbubungkal ng lupa. Ikaw ang maglilipat nitong mga seedling doon sa huhukayan ko. Ilalapag mo lang tapos tatanggalin mo itong black plastic. Tatabunan mo lang siya ng lupa pagkatapos. Naka-gloves ka naman kaya hindi masusugatan at madudumihan ang kamay mo. We just need to plant ten trees. Ready?" nakangiting tanong nito sa kanya.


Nakaupo ito kaya nakatingala ito sa kanya. And her heart was joyous for that smile. Tinutunaw niyon ang mga tanong niya at pagdududa sa intensiyon ni Red sa ginagawa nito. He loved her! She could see it in his eyes!


"Are you alright? Bakit mo ako hahayaang gawin ito? 'Di ba hindi ako puwedeng gumawa ng mga ganitong bagay?" she tested him.


Tumayo ito at hinaplos ang pisngi niya gamit ang likod ng palad nito. "Masaya ka kapag malaya mong nagagawa ang mga simpleng bagay kagaya nito, hindi ba? Kaya gagawin mo ito. Hahayaan kitang gawin ito dahil gusto kitang nakikitang masaya, Violet."


Nag-init ang pisngi niya. Hindi na niya kaya ang nakikitang intesidad sa mga mata nito. Kaya't tumango na lang siya at nagpasalamat. Nang matapos sila sa pagtatanim ay masaya niyang diniligan ang mga bagong tanim na seedlings. Kumakanta-kanta pa siya habang binubuhusan iyon ng tubig.


"Happy?" dinig niyang tanong ni Red sa likuran.


"Very," ikling tugon niya. It summarized her feelings. She was very happy for doing these things and she was ultimately happy for being with Red and his family. Wala na siyang mahihiling pa. Nararamdaman kasi niyang espesyal siya para sa binata. Whatever it was, she was sure that it favored her.


Gabi na kinabukasan nang makauwi sila sa bahay niya. Nilubos nila ang oras sa piling ng mga kapatid at pamangkin ni Red. Walang sisidlan ang nararamdaman niyang ligaya dahil sa mainit na pagtanggap ng pamilya nito sa kanya. Sayang nga lang dahil wala siyang dalang kahit anong instrumento. Sana ay naalayan niya ang mga ito ng tugtog bilang pasasalamat. Magkahawak kamay pa sila ni Red mula sa garahe hanggang makarating sila sa harapan ng kuwarto niya. Tatalikod na sana siya nang bigla siya nitong hapitin sa baywang at gawaran ng marubdob na halik sa mga labi.


Hindi na siya nagprotesta sa ginawa nito dahil gusto niya rin iyon. He smelled so good. His lips were gently sucking her lower lip. Tila nagpapaalam pa ito sa kanya kaya hindi na niya pinagtagal iyon at tinugon niya ang mga halik nito. She didn't know how long the kiss lasted. All she knew, they were breathless when it ended. Pinagdikit pa nito ang mga noo nila habang pinapakalma ang paghinga.


"Good night, Violet," anas ni Red habang nakapikit.


"G-good night, Red. Thank you for yesterday and today. I... I am really happy."


"Good," nakangiting sagot nito at muli ay sinakop ang mga labi niya.

Red Is The Color Of Violet [PHR] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon