The Past

12.6K 281 4
                                    

Hindi mapigilang mapa-buntong hininga ni Krizzia. Kasalukuyan siyang nakasakay ngayon sa barko. Gabing-gabi na pero hindi pa rin makatulog si Krizzia kaya lumabas siya ng kuwarto at pumunta sa labas.

Dama niya agad ang hangin na napaka-sarap sa pakiramdam nang makalabas siya sa kaniyang cabin. Tinatangay ng hangin ang kaniyang buhok kaya napahawak siya rito. Pumunta siya sa isang sulok ng barko at tinanaw ang napakalawak na dagat. Tanging paghampas ng alon at ihip ng hangin ang kaniyang maririnig habang nakasandal sa railings.

Napatingin agad siya sa langit. Walang ulap. Napakagandang pagmasdan ng buwan at mga bituin na nakapaligid sa gabing iyon.

Napabuntong-hininga siyang muli. Papunta siya ngayon ng Manila. Ito ang utos ng natitirang pamilya niya. Ang kaniyang Lola Esther. Hindi niya maintindihan kung bakit gustong madaliin ng kaniyang Lola Esther ang kaniyang pag-alis. Sa totoo lang ay ayaw niyang umalis dahil maiiwan ang kaniyang Lola pero dahil sa ito ang kagustuhan ng kaniyang Lola, wala na siyang ibang magagawa pa kundi ang sumunod.

Iisa lang ang nasa isip niya. May kinalaman ito tungkol sa nakaraan niya.

Kinabukasan...

Ang tunog ng barko ang nakapag-pagising sa kaniya.

"Iha, gising na. Nandito na tayo sa Manila," sabi sa kaniya ng isa sa mga kasama niya sa kuwarto.

Tumango lamang siya bilang sagot at inayos ang kaniyang gamit. Pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit. Kinuha niya ang tuwalyang hinanda at mga damit na kaniyang susuotin.

Pagkatapos niyang maligo, mabilis siyang nagbihis at kinuha ang mga dala niyang gamit palabas ng kuwarto.

Nang makababa na siya ng barko, pumara agad siya ng taxi at sinabi sa driver ang address ng apartment na sinabi sa kaniya ng kaniyang Lola Esther.

Nang siya ay makarating sa tapat ng apartment, tinignan niya ito kung gaano ito kataas. Limang palapag ito at may dalawang bintana bawat palapag sa harap nito.

Nang siya ay makapasok, bumungad sa kaniya ang isang babaeng medyo nasa katandaan na. Lumapit ito sa kaniya na may kuryosong tingin.

"Ikaw ba si Krizzia Ramirez? Iyong apo ni Esther?" tanong nito.

Tumango lang si Krizzia bilang sagot.

"Ako nga pala si Asuncion. Ako ang bestfriend ng Lola Esther mo. Huwag kang mag-alala dahil walang bayad ang pagtuloy mo dito. Ang pagkain mo naman ay sagot ko na rin dahil ang Lola Esther mo ang tumulong sa akin para maipatayo itong apartment."

Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ni Asuncion at hindi nagsasalita habang sinusundan ito papunta sa kaniyang tutuluyan.

Nasa pinakataas na palapag ang kaniyang tinutuluyan.Wala naman siyang reklamo do'n, mas gusto niyang walang kasama sa pinakataas na palapag. Mas gusto niya 'yon, ang nag-iisa.

"Ito ang tutuluyan mo. Huwag kang mahihiyang lapitan ako kapag may kailangan ka. Saan ka nga pala lilipat ng paaralan?" tanong ni Asuncion.

Kinuha niya ang papel na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Lola at inabot ito kay Asuncion. Sumeryoso ang mukha ni Asuncion at napa-isip.

"Bakit ipapasok niya si Krizzia sa academy na ito? Ano kayang iniisip ni Esther?"

Napatingin siya ng seryoso kay Krizzia. "Kailan ka papasok dito?" seryosong tanong ni Asuncion.

"Sa susunod na pong pasukan." sagot ni Krizzia.

Napangiti naman si Asuncion. "Sa wakas ay nagsalita ka na din. Napaka-sweet naman ng boses. O, sige! Maiwan na kita dito. Lapit ka lang sa akin kung may kailangan ka. Ako ang Landlady dito."

Narinig niya ang pagsirado ng pinto. Nilibot niya ng tingin ang kaniyang pagtutuluyan. Malawak dito at mahangin dahil sa ito ay nasa pinakataas ng apartment. May katamtaman lang ang laki ng kuwarto at sa sala naman ay may isang sofa na naiwan.

Sinimulan na niyang ayusin ang kaniyang gamit. Inilabas niya ang mga damit na nasa isang bag. Inilagay niya iyon sa isang maliit na orocan na naiwan sa kuwarto. Ang mga shampoo at sabon naman na hindi niya nagamit sa tatlong araw na nasa barko siya ay inilagay niya sa isang kit. Ang mga pagkain naman na natira ay inilagay niya muna sa mesa.

Kakailanganin niya ng refridgerator. Bukas niya na lang kakausapin si Aling Asuncion tungkol sa mga gamit na kailangan niya tutal naman ay sinabi sa kaniya nito na lumapit lang siya dito kung may kailangan siya.

Tanghali na nang matapos na niyang ayusin ang kaniyang gamit.

Napatayo siya sa sofa at nagbihis. Lumabas siya ng kaniyang kuwarto at pinuntahan si Asuncion sa unang palapag ng apartment.

"Nasaan po dito ang park?" tanong niya kay Asuncion.

Naalala niya kasi kanina habang nakasakay siya sa taxi. Nadaanan niya ang park at sa tingin niya ay malapit lang ang kaniyang tinutuluyan na apartment. Nakuha ng parke na iyon ang interest niya, napakaganda kasi ng mga halaman at bulaklak na napakalibot do'n. Kagaya lang ng madalas niyang tambayan habang nasa paaralan para makaiwas sa kahit kanino, ang mga garden.

"Naku! Hindi ka ba pagod?" nag-aalalang tanong ni Asuncion sa kaniya.

Iling lang ang natanggap na sagot ni Asuncion. "O, sige! Diretsuhin mo ang kanto na ito. Pagkadating mo sa dulo, kumaliwa ka tapos diretsuhin mo ulit hanggang sa dulo. Tapos makikita mo na ang park,"

"Salamat po," tanging sagot ni Krizzia at tumalikod.

"Napakailap na bata," bulong na lamang ni Asuncion habang nakatingin sa papalayong bulto ni Krizzia.

Nang makarating si Krizzia sa park, nakita niya ang masasayang pamilya na nagba-bonding. Napaiwas siya ng tingin at dumiretso sa dulo ng park. Ito ang gusto niya, ang hindi ma-taong lugar.

Lumapit siya sa isa sa mga puno at sumilong do'n. Umupo siya sa damo at sumandal sa puno. Itinakip niya ang isa niyang braso upang hindi masilawan.

Napakunot siya ng noo nang mabungaran sa kaniyang braso ang isang paru-paro. Kulay itim at puti ang kulay nito. Maganda ang pakpak nito at kasing-style ng pakpak ng puting clip na binigay ng kaniyang Lola Esther bago siya umalis.

Habang nakatitig si Krizzia sa paru-paro na nakadapo sa kaniyang braso, nakaramdam siya bigla na parang may nagmamasid sa kaniya. Lumakas ang kaniyang paghingal at pagtibok ng kaniyang puso sa bawat segundong dumadaan ng pakikiramdam.

Natamaan ng kaniyang paghinga ang paru-paro kaya lumipad ito paalis. Nakiramdam muli si Krizzia.

Bumalik ang madidilim niyang nakaraan. Ang madilim na nakaraan na ayaw na niyang maalala pang muli.

Tumayo si Krizzia at umalis. Napaluha si Krizzia dahil sa kaniyang mga naaalala.

Ayaw na niyang balikan ang madilim na nakaraan na iyon. Takot siya at mahina. Wala siyang laban nang mangyari iyon. Lahat ng kaniyang pinakamamahal na pamilya ay nawala dahil sa kaniya. Ang kaniyang Ina at Kuya. Lahat sila ay nawala sa isang gabi lang.

Nagpapasalamat siya sa kaniyang Lola Esther dahil nang matapos ang pangyayaring iyon ay ang kaniyang Lola Esther ang nag-alaga at tumulong sa kaniya na magpagaling sa ilang buwan na wala siya sa sarili.

Dahil sa nangyari ng gabing iyon ay naging ganito siya. Ma-ilap at tahimik.

New Born Vampire Series 2: The Butterfly Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon