III : Paranoia

Magsimula sa umpisa
                                    


Bigla siyang tumawa at pabirong tinapik ang balikat ko, "Mga babae talaga, napaka-madrama. Hindi ka pabigat, sadyang mabigat ka lang talaga."


"Bitch please, you want me to talk shit about your girly helmet?" Pabiro kong pagbabanta.


"Kapag light color pambabae na agad? Tae yang stereotype na 'yan, sino bang pasimuno niyan?" Paghihimutok niya. Tumayo siya at pinagpagan ang likod ng suot niyang ripped jeans saka tiningnan ang relo niya na para bang may hinihintay.


"What have you been up to Shem? Everyone at school is worried about you and to top it all of, iniisip ng mga tao dun sa convenience store na baliw ka." Tanong ko bago pa man siya tuluyang makaalis. Shem and I never talked again after mabalik ang lahat sa dati, puro balita at sabi-sabi lang ang naririnig ko tungkol sa kanya.


"Mahabang kwento." Aniya sabay inat ng mga kamay niya at humikab pa siya.


"It took a toll on you right? The way it all took a toll on us..." Ngumiti na lamang ako ng tipid, "The skunks and all those bloodshed, it's all over now Shem. We have to think of it as a nightmare and we shouldn't let it destroy us anymore."


"Isipin mo ang gusto mong isipin." Biglang bulalas ni Shem at nagulat ako nang makita ang pagbabago ng reaksyon niya. Kung kanina ay nakikipagbiruan pa siya at nakakangiti, ngayo'y labis na siyang seryoso at animo'y balisa.


"Pero Shem wala nang mga skunks! Tapos na ang lahat!" Giit ko.


Umiling-iling si Shem, "Biglaan ang pagsulpot ng mga skunk, ni isa sa atin ay hindi 'yon inaasahan! Sa isang iglap naman ay nawala sila at naging maayos ang lahat! Dana sa ganitong klaseng biglaan, hindi na ako magtataka kung bigla silang magbalik at kung bumalik man sila, hindi nila ako malalapitan o ang pamilya ko." Mabilis na sambit ni Shem na animo'y labis ang takot kaya hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya.


"Shem you have a point but—"


"May punto ako Dana, tama man ako o mali, magiging handa ako." Aniya sabay silid ng nanginginig niyang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang university jacket. Dali-dali siyang naglakad patungo sa delivery niyang nakaparada hindi kalayuan sa amin kaya naman agad ko siyang sinundan.


"Shem if you need to talk to someone—" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang pumasok si Shem sa loob ng delivery van niya at pinagsarhan ako ng pinto. Pero kahit nasa labas lang ako ng sasakyan, nasilayan ko ang laman ng back seat nito dahil sa nakabukas na bintana.


Napakarami niyang dalang bulto-bulto ng softdrinks, tools at canned goods, mayroon pa ngang mga plywood at rolled fence. Marami pang ibang kagamitan ngunit hindi ko na ito lubos na maaninag. O shit, Shem has turned into a nutty survivalist.


"Maniwala ka man o hindi, kung may mauulit man ang nangyari, 'wag mong kakalimutan ang manhole." Aniya at walang ano-ano'y bigla na lamang na pinaharurot ang sasakyan kaya naiwan akong naguguluhan sa kinatatayuan.


****


Idinilat ko ang mga mata ko at napasulyap sa orasan, malapit nang mag-tanghali pero antok na antok parin ako't tinatamad paring gumalaw mula sa kama. Hatinggabi na nang makauwi ako kagabi kaya naman pinaulanan muna ako ng mga magulang ko ng sermon bago nakatulog.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon