Chapter 16: Stress reliever

Start from the beginning
                                    


He kept on saying na ma-a-out of place lang siya. That we won't notice him. We won't acknowledge his presence and the likes.

Nang makapasok na kami, huminto muna kami sa pinakaharap para mag-decide what to do next.


"Gutom na ba kayo?" tanong ni Warren.

"Huwag. Baka mamaya biglang isuka 'yung mga kinain," sagot naman ni Hailey.


I was about to say na sa medyo mild na rides lang muna kami nang biglang magturo si Nate. He looks so excited. It looks like he's jumping pa nga eh. Childish talaga. May ilalala pa ba 'to?

Nang tingnan ko 'yung tinuturo niya, napanganga na lang ako. Yes, literally.

Carousel. Excited siya mag-carousel. I've always known him since birth but I just realized... he's more childish than I thought.


"Tangina/Halimaw," sabay na bulong ni Hunter at Warren.

"Sabi mo mild. Ayan, mild," Hailey said. She's obviously trying hard not to laugh.


Baka isipin ni Nate na kinakawawa namin siya kaya sinunod na lang namin ang gusto niya but Hunter and Warren didn't join us. Kaming tatlo lang.

After that ay nagturo na naman siya ng next ride. And the next. And the next. And the next.

Akala ko ba parang hindi naman siya nag-eenjoy? Why does it seems na sa aming lima, siya ang pinaka nag-eenjoy?


"Doon naman tayo sa – "

"Magpahinga muna tayo, utang na loob," Warren cut him off.


Umupo siya sa nearby bench at sumunod si Hunter sa kaniya. Mukha ngang pagod na 'tong dalawang 'to. I can't blame them. Iba ang energy ni Nate eh.


"Sayang ang binayad natin kung hindi natin lulubusin."

"Thirty minutes lang," Hunter sided with Warren.

"Bawat oras ay mahalaga."


And the debate started. Nagkatinginan kami ni Hailey and we both shook our head. Boys. Boys. Boys.


"Listen," agaw ni Hails sa atensyon nila. "magpahinga na lang kayong dalawa tapos kami na lang muna ang maglilibot. Hindi pa naman kami pagod. Balikan na lang namin kayo dito or text na lang tayo."

"Kayo kayo lang? Walang magbabantay – "

"Nate's with us," I told Warren.


The two of them are too tired to argue kaya they agreed na lang.

We keep on trying different rides when I saw a brown hat at the nearby souvenir shop.


"Pipes, tara na!" tawag nila sa akin.

"Go ahead, guys. Pass ako sa ride na 'yan. Punta lang ako sa souvenir shop," sabay turo ko sa shop. "I'll see guys sa exit ng rides."

"Okay. Pero diyan ka lang, ha."

"Yes, Hails."


We went our separate ways. There are so many cute stuff na pwedeng ipang-souvenir. In no time ay natapos din ako sa pagbili. I bought the hat that caught my attention, a cute pen and notebook for Tamara; a doll for her sister; a toy for his brother; a toy for Jarvis, my brother; for our parents naman, food na lang ang bibilhin ko on our way out mamaya.

I was scanning the paperbag habang palabas ako ng shop when someone bumped into me. Nabitawan ko ang mga pinamili ko at nagkalat 'yon ngayon.


"Sorry, miss. Tulungan na kita." A guy's voice. Like he said, tinulungan niya ako. I thanked him after that kaya lang nang iabot niya lahat ng nahulog sa akin, he just stared at me. Nakakaconscious.

"What's wrong?" I finally asked him.

"May boyfriend ka na ba?"


My eyes grew wide because of his question.

Technically, I'm single. But there's Hunter so... ah, whatever.


"Pwede bang makuha ang number mo kung wala?"


I was about to say 'no' nang may tumabi sa akin, "Hindi pwede."


"Boyfriend ka ba niya?"

"Bestfriend," Nate said.

"May boyfriend ba siya?"

"Wala."

"Pwede ko bang makuha ang number niya?"

"Hindi nga. Single 'yan pero – "

"She's off-limits," someone said and put his arm around my shoulder. Si Hunter.


Wala nang nagawa 'yung guy kaya umalis na. Pinagalitan naman ni Hunter si Nate kasi akala niya iniwan ako ni Nate. But since kawawa naman kung mapagalitan siya sa bagay na hindi niya naman talaga ginawa, I defended Nate.


"Not his fault, Hunter. Ako ang nagpaiwan. I bought souvenirs kasi."


He stopped lecturing Nate and just 'tsk'ed.

We decided to eat na muna since napagod na rin kaming tatlo nila Nate at Hailey sa mga rides. After eating ay nagpahinga lang ulit sandal at sumabak na ulit kami sa mga rides.


"Bakod na bakod, ha," sabi ni Nate na naglalakad sa likuran namin kasama si Warren at Hailey.


Nang tingnan ko sila ay mga ngumingiti sila ng nakakaloko. That's when I realized na hindi na ako binitawan ni Hunter. I mean we're not holding hands but nakaakbay pa rin siya sa akin. Tumigil lang ata siya sa pag-akbay nang kumain kami at kapag nasa mismong rides na kami.

I tried to look at Hunter's reaction pero nakatingin lang siya ng diretsyo sa dinaraanan namin.

I don't mind though.


After a while, they decided na mamili na ng souvenirs. Since nakapamili na ako kanina, food na lang ang bibilhin ko kaya humiwalay na kami ni Hunter. Pagkain lang din naman daw ang iuuwi niya sa mama niya.

Matapos namin mamili ay hinintay na lang namin sila sa sasakyan.


Hunter was right. Sobrang stress reliever ng pagbisita namin sa amusement park. It's a huge help na dinala niya ako dito. At least kahit isang araw lang nawala ang stress ko sa mga school works.

Kaya nang makita ko na malapit na ang tatlo sa sasakyan, I immediately pull Hunter and kiss him on his cheeks, "Thanks for bringing me here. I really appreciate it."

The Relationship CodeWhere stories live. Discover now